Jennylyn Mercado denies rediscounting bounced cheques

Jennylyn Mercado denies rediscounting bounced cheques

Actress Jennylyn Mercado refutes a report saying she rediscounted a bounced cheque from a certain “Tita C.”

Na-shock ang aktres na si Jennylyn Mercado sa report ng kolumnistang si Nene Riego sa tabloid na Bulgar kahapon, November 3, na nagpa-rediscount daw siya ng tseke sa isang pinangalanang “Tita C.”

Ayon sa description na ibinigay ni Nene sa kanyang column na “Katsika,” si Tita C ay “kilala at respetado ng mga taga-showbiz na nagpapalit ng tseke sa mababang porsiyento.”

Ayon sa report, inuutusan daw ni Jen ang dating handler nitong si Mel Pulmano para mag-rediscount ng tseke, na may account name na “Jennylyn Mercado.”

Nakasulat din sa report na buntis pa lang daw si Jennylyn ay nagpapa-rediscount na ito ng tseke sa pamamagitan ni Mel. Pirmado rin daw ni Jennylyn ang tseke. Ilang beses na raw na nagpapalit ng tigpu-P40,000, na na-good naman.

Hanggang nitong huli ay may tseke raw na ipina-rediscount ni Mel, ayon sa tabloid kolum, worth P400,000. Ito raw ay blangko ang account name at tumalbog. Ang sabi raw ni Mel kay Tita C ay bayad daw ito kay Jen ng publisher ng coffeetable book.

Sinabi pa raw ni Tita C, naniwala siyang si Jennylyn ang nagpa-rediscount dahil nagte-text pa raw ito sa kanya using the mobile number 0920-9705025. Minsan ay nakausap pa raw ni Tita C ang aktres, pero aminado naman siyang hindi niya kabisado ang boses ni Jennylyn.

Pero ayon sa pagsisiyasat ng reporter na ito, ang naturang mobile number ay isa sa ginagamit noon ni Mel nang siya pa ang handler ni Jennylyn. Ito ang madalas niyang ipangtawag sa mga transaksyon at sa entertainment press.

Inamin naman ni Jennylyn sa reporter na ito na dati niyang Smart line ang nabanggit na number, pero matagal na raw na si Mel ang gumagamit nito. Kaya na-shock daw siya nang mabasa sa Bulgar na may mga text siya kay Tita C. Inilathala rin kasi sa column ni Nene ang ilang text messages diumano ni Jennylyn kay Tita C, kung saan may mga mensahe tungkol sa tseke.

“Hindi ko po ‘yan text at matagal na pong si Tita Mel ang gumagamit ng number na ‘yan,” saad ni Jennylyn.

Matagal na raw na wala sa kamay ni Jennylyn ang naturang cellphone number. Gamit din daw ito noon, ayon sa aktres, ng dating staff ni Becky Aguila, manager ni Jennylyn, na nagngangalang Cecille. Pero nang mag-resign daw si Cecille noong nakaraang taon ay si Mel na ang gumamit nito.

Sinabi rin ni Tita C na pinadalhan pa raw siya ni Jen ng picture ni Baby Jazz, anak ng aktres kay Patrick Garcia, via the same mobile number. Pero itinanggi rin ito ni Jennylyn dahil ayaw raw niyang may makakita ng picture ng baby niya hangga’t hindi pa lumalabas ang coffeetable book niya.

Nagharap na rin daw sina Jen at Tita C. Harapan daw sinabi ni Jennylyn kay Tita C na, “Hindi ko po text ‘yan at hindi ko po kayo kilala. Pasensiya na po.”

Tinanong ng reporter na ito si Becky kung sino sa palagay niya ang nagpapadala ng text messages kay Tita C.

“Probably si Mel din,” sagot ng talent manager, na ngayon ay may malaking away kay Mel. “Pati yung pagpapadala ng picture ni Baby Jazz. Kasi nung time na nanganganak si Jen, kuha nang kuha ng pictures itong si Mel.”

Yung tungkol naman sa pina-rediscount daw na tsekeng nagkakahalaga ng P400,000, at ang sabi ay bayad daw ng publisher ng coffeetable book, ayon kay Becky ay wala naman daw bayad si Jen dito.

Dagdag ni Becky, “Wala ring publisher yun dahil ako nga ang magpi-finance. Ang bayad dito ni Jen bale ay ang kikitain ng coffeetable book na mapupunta sa trust fund ni Baby Jazz, dahil for her baby nga ito, e.”

Samantala, hindi pa nakukuha ng PEP ang panig ni Mel Pulmano. Sa mga naunang pahayag nito, sinabi niyang si Becky Aguila ang kumuha ng nawawalang pera ni Jennylyn Mercado. (CLICK here to read related story.)

ROLDAN CASTRO
Philippine Entertainment Portal

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: