Willie Revillame’s Corinthian Hills home robbed

Willie Revillame's Corinthian Hills home robbed

After a short vacation, Wowowee host Willie Revillame arrived home early this morning only to discover that his Corinthian Hills home had been robbed. Willie said that the still unidentified robber or robbers took valuable items from his room.

Nanakawan ang bahay ng TV host-comedian na si Willie Revillame sa Corinthian Hills, Quezon City.

Nakapanayam si Willie ng host ng Umagang Kay Ganda na si Alex Santos kaninang umaga, November 3. Ayon kay Willie, naganap ang nakawan noon pang Sabado ng gabi, November 1, ngunit nalaman lang daw ito ng Wowowee host pag-uwi niya kanina, bandang alas-tres ng madaling-araw.

Kuwento pa ni Willie, umalis siya noong Undas papuntang Tagaytay, at saka siya dumiretso sa Subic. Pagbalik niya kaninang madaling-araw, nadiskubre niyang pinasok ng magnanakaw ang kanyang kuwarto.

Sinabi ni Willie na nawawala ang mga mamahaling relos niya at iba pa niyang mga gamit. Pati raw ang vault niya sa kuwarto ay nabuksan. Pero tumangging sabihin ng TV host-comedian ang halaga ng nawala sa kanya. Ang mahalaga raw ay ang kaligtasan niya.

Hindi naiwasang sabihin ni Willie na sa kabila ng pagbili niya ng milyun-milyong halaga ng bahay sa isang gated subdivision ay hindi pa rin pala sigurado ang kaligtasan ng mga nakatira rito. Ang ikinakatakot niya ay gigising siya ng madaling-araw na may nakatutok nang patalim o baril sa kanya sa loob mismo ng kanyang pamamahay.

Nang tanungin naman ng reporter kung sa palagay ni Willie ay inside job ang nangyaring nakawan, sinabi ng Wowowee host na mahirap daw magbintang sa puntong ito.

Basta may isa raw siyang katulong na naiwan sa bahay, pero hindi raw ito nakakaakyat sa kanyang kuwarto. Ang isa naman daw niyang katulong ay umuwi ng kanilang probinsiya para roon palipasin ang Araw ng mga Patay.

Ang ipinagtataka lang ni Willie ay kung bakit alam ng magnanakaw kung saan nakalagay ang duplicate keys ng kanyang mga kotse at maging sa kanyang vault.

Habang ini-interview ng Umagang Kay Ganda si Willie kanina ay kasalukuyang nasa bahay daw niya ang ilang miyembro ng SOCO [Scene of the Crime Operatives] para imbestigahan ang nakawan.

ERWIN SANTIAGO
Philippine Entertainment Portal

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: