“Survivor Philippines” hunk Jace Flores joins the cast of “Luna Mystica”

"Survivor Philippines" hunk Jace Flores joins the cast of "Luna Mystica"

“Naiyak ako nang i-announce ni Paolo [Bediones, Survivor Philippines host] na ako ang na-vote out, hindi lang nakita sa camera. Pinahid ko ang luha ko, sobra akong na-shock sa nangyari. Ang pag-iyak ko hindi dahil wala na akong chance na maging first Pinoy Sole Survivor at manalo ng three million. Mas iniyakan ko ang maiiwan kong kasama na naging close sa akin dahil magkasama kami for 23 days. Naisip ko, hindi ko na sila makikita at makakasama,” says Jace Flores.

Sa tulong ni Rams David, program unit manager ng upcoming GMA-7 primetime series na Luna Mystica, na-interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Jace Flores. Ang 19-year-old hunk ang latest castaway ng Survivor Philippines na-vote out, pero malapit nang mapanood regulary sa TV dahil kasama siya sa cast ng Luna Mystica.

In Luna Mystica, Jace will play the role of Lucas Meneses, a rich town bully na obessed kay Iwa Moto. First week of this month ang taping niya. Bilang paghahanda sa pagpasok niya sa showbiz, magwo-workshop siya with the other cast at magbabasa ng tabloids.

Ipinauna na ni Jace na hindi sila puwedeng ma-link ni Iwa dahil kilala niya ang boyfriend nito. Gym mate niya raw ang boyfriend ni Iwa at ito rin ang nagpakilala sa kanya sa young actress.

Ang biggest come on kay Jace sa pagkakasama sa cast ng Lune Mystica ay si Heart Evangelista na big crush niya.

“Kahit noon pa, ‘pag tinatanong ako ng crush kong mga artista, I always say her name. For me, she’s the closest thing to being perfect,” wika ni Jace.

Big surprise kay Jace ang pagkakasali sa cast dahil noong nasa Survivor pa siya, wala siyang nabanggit na gusto niyang mag-artista. Pero nang unang dating niya sa Pilipinas, inisip na niyang mag-showbiz dahil tingin niya masaya ang maging artista.

Birthday ni Jace sa November 15 at sa November 15 naman magpi-premiere ang Luna Mystica kaya advanced birthday gift ito sa kanya. One year ang pinirmahan niyang kontrata sa GMA Artist Center and, hopefully, mabigyan siya ng ibang show.

Can he sing and dance?

“When I was in Hawaii, I used to be a member of a dance group called Unbreakable at nagsasayaw kami ng breakdancing. Two years akong member nun. As for singing, I sing to myself at sabi ng mga nakakarinig, I can sing daw. Sa acting ako walang experience, but I’m willing to learn, mag-a-acting workshop nga ako,” sabi ni Jace.

Sa Quezon City ipinanganak si Jace, pero sa Brunei siya lumaki dahil nagtrabaho sa royal family ng Brunei ang mommy niya. He stayed there for eight years bago sila lumipat sa Hawaii where he stayed for 11 years bago siya umuwi ng Pilipinas August last year.

Magaling magsalita ng Tagalog si Jace. “Ang payo ko sa ibang Fil-Ams, mag-girlfriend ng Pinay at mag-away kayo araw-araw. Madali kang matututong mag-Tagalog!” nakakatawang sabi niya.

THE SURVIVOR EXPERIENCE. Binalikan ng PEP ang Survivor Philippines kung saan sinabi ni Jace na ito ang magbibigay daan para sa sisimulan niyang showbiz career. Twenty-three days siya nag-stay sa Koh Tarutao, Thailand, at noong October 31 episode siya na-vote out. He was the ninth castaway to be eliminated.

Ang napansin ng viewers sa kanya ay ang malaking ipinayat niya. Pati pisngi niya, lumiit din. Ilang pounds ba ang nawala sa kanya?

“Nag-start ang Survivor Philippines na 164 lbs. Ako. When I got out, 148 lbs. na lang ako. I lost 16 lbs. Ang hirap sa island, walang makain. I’m back to my normal weight now, 161 lbs., nagpapa-lean talaga ako para sa Luna Mystica,” lahad ni Jace.

Ano ang una niyang kinain pagdating niya from Thailand?

“Kumain ako ng three footlong Smokey’s hotdog, more hotdogs, lechon, pancit canton, bulalo, sinigang, chocolate at marami pa. Bumawi talaga ako!” saad niya.

Nagkuwento rin si Jace tungkol sa experiences niya sa Survivor Philippines.

“Sobrang nakaka-mind altering ang 23 days ko roon,” sabi niya. “Hindi ko akalaing ganun kahirap at may times na tinatanong ko ang sarili ko kung bakit ako sumali. Okey lang ang physical challenges, ang mental challenges ang pinakamahirap. First time kong parang masisiraan ng isip at parang gusto ko nang mag-quit. Grabe ang experience ko!”

Days before his elimination, nakita si Jace na parang tamad na tamad at gusto laging nakahiga at hindi tumutulong sa mga kasama sa paghahanap ng pagkain. Ang errand lang niya’y kumuha ng tubig at magplano. Lagi rin siyang nag-iisip.

“Ang dami kong iniisip talaga dahil apat na lang kami [sa Jarakay tribe]. Nag-isip ako ng strategy kung paano pa kami mananalo, kung paano magwu-work na konti na lang kami. Hindi ko akalain na apat na lang kami, so I was always thinking of strategy.”

Feeling niya ba na-betray siya at sino ang nag-betray sa kanya?

“Na-betray talaga ako at si JC Tiuseco ang nag-betray sa akin,” diretso niyang sagot. “Noong all boys pa lang kami, may usapan na kami nina JC at John [Lopez] na mag-a-alliance kami. Akala ko tuloy pa yung alliance kahit napunta si JC sa Naak tribe at kami ni John sa Jarakay tribe. I have to trust him, hindi naman pala niya sinunod ang pact namin.

“Naiyak ako nang i-announce ni Paolo [Bediones, Survivor Philippines host] na ako ang na-vote out, hindi lang nakita sa camera. Pinahid ko ang luha ko, sobra akong na-shock sa nangyari. Ang pag-iyak ko hindi dahil wala na akong chance na maging first Pinoy Sole Survivor at manalo ng three million. Mas iniyakan ko ang maiiwan kong kasama na naging close sa akin dahil magkasama kami for 23 days. Naisip ko, hindi ko na sila makikita at makakasama,” pagsisiwalat niya.

Naalala ng PEP na naging super close sila ng isa pang castaway na si Veronica Domingo. Pinagdudahan tuloy na may relasyon sila habang ongoing ang Survivor Philippines. Totoo ba ang hinala ng viewers na nagkaroon sila ng romance?

“There was no romance,” paglilinaw niya. “Sobrang naging close lang kami dahil sobrang mabait siya. Parang best friend ko siya na kahit hindi kami mag-usap masyado, we understand each other. Parang she’s always there. Kung kailangan ko ng body heat dahil malamig dun, siya ang nagpo-provide. Tinutulungan niya akong magkamot ng insect bites.

“Ang MU naman ay bilang mag-best friend. Up to now, may contact pa rin kami, we text each other, nagdi-dinner kaming dalawa. Sobrang close lang kami, but no romance,” sabi ni Jace.

Sino ang bet niyang maging first Pinoy Sole Survivor sa natitirang castaways?

“Either Kiko [Rustia] or si Nanay Zita [Ortiga] ang gusto kong manalo kahit Naak tribe sila. Nakikita ko kay Kiko na marunong siyang mag-lead, he knows how to handle the situation. Close kami talaga nun at hindi kami magkaaway. That time sa Immunity Challenge na agawan ng pillow, I told him na kailangan kong gawin ang gagawin ko for my tribe. Hindi lang ipinakita sa TV na sinabi ko sa kanya na ‘Bro, game lang ito, huwag kang magagalit.” And he understands.”

Bad guy ang tingin sa kanya ng viewers ng Survivor Philippines. Ano ang masasabi niya rito?

“Okey lang, hindi naman nila alam ang lahat ng nangyayari sa island. Kung ano lang ang napapanood nila sa TV ang alam nila,” aniya.

Anong lessons ang natutunan niya sa Survivor Philippines?

“Marami at number one ay huwag magsasayang ng pagkain. Disiplina, nadisiplina talaga ako dahil kundi sa mental discipline, muntik masira ang ulo ko. I also learned to love people more, sobrang naging close kami ng castaways and I learned to be stronger person,” pagtatapos ni Jace.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: