“Survivor Philippines” castoffs want Nanay Zita and Veronica to be the Pinoy Sole Survivor

"Survivor Philippines" castoffs want Nanay Zita and Veronica to be the Pinoy Sole Survivor

For the first time ay iniharap ng GMA-7 sa entertainment press ang walong castaways na unang natanggal sa Survivor Philippines noong Biyernes, October 31, sa 17th floor ng GMA Network Center.

Ang walong castaways ay ang sumusunod: ang dating GRO na si Chev Matias, ang sewing-machine technician na si Emerson Diño, ang mountaineer na si Gigit Sulit, ang dating yaya na si Patani Daño, ang wellness coach na si Niña Ortiz, ang farmer’s daughter na si Vevherly Gador, ang model/auto mechanic na si John Lopez, at ang call-center agent na si Nikki Dacullo.

Ang mismong host ng Survivor Philippines na si Paolo Bediones ang siyang nag-host ng presscon at nagpakilala sa walong castoffs. Hindi nag-spoiler si Paolo kahit alam niyang kinagabihan ay si Jace Flores ang unang matatanggal sa pinagsanib na tribe ng Naak at Jarakay, ang Chalam.

Sa open forum ay tinanong ang castaways kung sino ang gusto nilang manalo at kung sino sa palagay nila ang dapat manalo bilang first Pinoy Sole Survivor, na live na ia-announce sa December 12.

Ang labandera na si Zita Ortega ang gustong manalo nina Emerson, John, Patani, Nina, Nikki, at Vevherly; samantalang ang taekwondo coach na si Veronica Domingo naman ang gustong manalo ni Chev.

Sa kung sino ang sa tingin nila ang mananalo, pangalan ni Nanay Zita rin ang isinagot nina Emerson, Patani, at Nina. Si Veronica ang para kina John, Chev, at Vevherly. Para naman kay Nikki, ang driver na si Chris Cartagenas ang palagay niya ay mananalo.

Kakaiba naman ang naging sagot ni Gigit. Hindi raw siya nag-speculate kung sino ang mananalo at maging kung sino ang gusto niyang manalo. Isa raw kasing “process” ang buong Survivor Philippines kaya hindi raw importante kung sino ang mananalo.

MGA PAGBABAGO. Tinanong naman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang walong castaways kung ano ang mga pagbabago sa buhay nila magmula nang sumali sila sa Survivor Philippines at ngayong napapanood na sila sa telebisyon.

Gigit: “After kong ma-vote out, akala ko pagtatawanan ako ng mga tao dahil natanggal ako agad. But I was wrong, dahil nang lumabas na ako, they recognized me, sinalubong nila ako with open arms, and I’m very thankful.”

Vevherly: “It boosted my self-confidence. Kasi dati bihira lang ako nagsasalita. Pero after Survivor, nagbago talaga ang life ko, kasi dati parang wala lang. Gumaganda ang takbo ng buhay ko. Naiba na rin ang pagtingin sa akin ng family ko. Dahil sa Survivor Philippines, nakarating ako ng Manila for the first time.”

Nikki: “Masaya ako na nakikilala na ako ng mga tao. Nakakatuwa na maraming nagpa-sign ng autograph at nagpa-picture sa akin.”

Chev: “Nang ako ang unang natanggal, para akong binagsakan ng building ng GMA-7. Sumali ako sa Survivor Philippines kasi gusto ko sanang makuha ang mga anak ko na nasa Thailand. Pero hindi man nangyari ‘yon, siguro, dahil narito na ako sa GMA-7, sisikapin kong mabago ko ang buhay ko at hindi na matawag na dating GRO at drug addict. Pero nandun pa rin ‘yong wish ko na muling makasama ang dalawang anak ko.”

Niña: “Nag-join ako sa Survivor Philippines to prove my capabilities. Pero kahit hindi ako nakarating sa dulo, very proud sa akin ang family ko, my wellness family, at nakikilala na rin ako ng mga tao kapag lumalabas ako.”

Patani: “Sumali ako sa Survivor Philippines dahil gusto ko ng exfosure [kanyang pagkabigkas—Ed]. Pero kahit hindi ako nagtagal sa contest, nadoble ang exfosure ko ngayon. Noong nasa Camotes Island ako, ayaw kong lalabas ng bahay dahil ginagawa nila akong panakot sa mga bata. ‘Sige ka, nandiyan na si Patani!’ Ang ibig kasing sabihin ng patani sa amin, manok na puti ang balahibo niya, pero ang loob niya, maitim. Kapag may nagsabi sa akin na pangit ako, hindi ko inaamin dahil alam ko may mas pangit pa sa akin. Nagpapasalamat po ako sa mga ‘exfosure’ na natatanggap ko ngayon at natupad ko na rin ang mga pangarap ko na mapanood sa TV.”

John: “Sumali ako sa Survivor Philippines dahil gusto kong mapatunayan kung scripted ba ang mga ipinagagawa nila sa mga contestants. Pero mali ako, dahil totoo palang bahala kaming maghanap ng pagkain namin, ng matutulugan namin. Marami akong na-realize—ang value ng tubig, ng kanin. Kahit rice lang ang kainin namin, masaya na kami.

“Mas nakilala ako ngayon, mas maraming nagpapagawa sa auto shop ko. Mas marami po akong modelling stints ngayon, and yes, tumaas din po ang talent fee ko, at mas dumami ang mga friends ko. Kung bibigyan ako ng chance na pasukin ang showbiz, ita-try ko rin.”

Emerson: “Hindi ako makapaniwala na makakapasok ako sa Survivor Philippines. Pero hindi man ako nagtagal sa contest, nadagdagan naman ang self-confidence ko. Nang bumalik ako sa lugar namin, kung dati ay hindi nila ako pinapansin, ngayon pinapansin na nila ako.

“Dati, nahihirapan akong mangutang sa tindahan sa malapit sa amin. Ngayon, sila pa ang nagsasabi kung ano ang gusto ko, sabihin ko lang. Sabi ko, wala akong ibabayad, pero okey lang daw. Iniimbita na rin nila kami ng pamilya ko kung may handaan ang mga kapitbahay namin. Kaya maraming salamat doon sa mga pumili sa akin para maging isa sa mga castaways. Hindi rin po ako magdadalawang-isip mag-artista kung may offer.”

Sa kasalukuyan, siyam na castaways na lang ang natitira sa Survivor Philippines. Isa sa kanila ang mananalo ng P3 million cash prize at ang titulong kauna-unahang Pinoy Sole Survivor.

NORA CALDERON
Philippine Entertainment Portal

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: