Polo Ravales says he is not courting “Gagambino” co-star Krissa Mae

Polo Ravales says he is not courting "Gagambino" co-star Krissa Mae

“We’ve been out a few times. We are friends. Pero hanggang doon lang po. Hindi naman po kami sa ngayon. Promise, I’m not lying. We’re good friends,” says Krissa Mae about Polo Ravales.

Sa magkahiwalay na interviews ng Startalk na ipinilabas kahapon, November 1, ay sinagot nina Polo Ravales at Kriss Mae ang tungkol sa isyu ng pagli-link sa kanila. Pati na rin ang isyung si Krissa Mae daw ang dahilan ng breakup nina Polo at Jean Garcia.

Matatandaang kapwa umiiwas na magsalita sina Polo at Jean sa isyu ng diumano’y paghihiwalay nila. Ngunit sa latest interview ng Startalk ay inamin na rin ni Polo ang tunay na estado ng kanilang relasyon.

“Basta I’m single now,” may diin na sabi ni Polo. “And alam mo yun, I’m entitled na gawin ang gusto kong gawin. I’m entitled na maging masaya. Kung sino man ang gusto kong kasama sa paggimik ko or kahit ano, siguro right ko yun.”

Kasama kaya sa mga karapatang iyon ang panliligaw sa iba?

“No malice,” sagot ni Polo. “Basta wala akong nililigawan. Honestly, wala akong planong magkaroon ng babae sa buhay ko ngayon. Kung anuman yung closeness na nagkaroon kami ni Jean, it was real, sobrang happy na naging close kami. Sana mabalik yung ganun. Kaya lang, kung hindi kami titigilan ng mga tsismis, hindi siya babalik.”

Okay lang ba kay Polo na tumanggap ng bagong manliligaw si Jean?

“Single naman si Jean, e. So, kahit sinong manligaw sa kanya, they have the right, di ba? As much as I have the right to be happy and to do whatever I want to do,” saad ni Polo.

“HINDI KO SIYA INAGAW.” Pamamangka sa dalawang ilog ang sinasabing dahilan ng breakup nina Polo at Jean. Damay sa isyung ito ang dating GoBingo girl, at kasama ngayon ni Polo sa cast ng Gagambino, na si Krissa Mae. Ano kaya ang masasabi ni Krissa Mae tungkol dito?

“Natanong ko sa kanya one time sa set kung ano ba ang totoo,” pahayag ni Krissa Mae tungkol kay Polo. “Ang sabi niya sa akin, basically, they stopped seeing each other bago kami naging friends. Bago kami nagyaya na lumabas at tinulungan niya ako [sa paghahanap ng malilipatang bahay]. So, imposible po na ako ang maging reason ng breakup nila. Kasi alam ko yung feeling na may nang-aagaw ng boyfriend mo at masakit na masakit talaga yun. Kaya sana po, maniwala po kayo sa akin, hindi ko po siya inagaw.”

Sabi naman ni Polo tungkol kay Krissa Mae, “Basta ako, hindi ko naman idinenay, at hindi rin naman niya dinenay. Basta ako, tumulong lang naman ako nung time na nasabi nga niya sa akin na kailangan niyang makahanap ng ibang place. So, nabigyan ng pangit na meaning.”

Dagdag ni Krissa Mae, “We’ve been out a few times. We are friends. Pero hanggang doon lang po. Hindi naman po kami sa ngayon. Promise, I’m not lying. We’re good friends.”

Ngayong walang commitment si Polo, may balak ba siyang ligawan si Krissa Mae?

“Wala akong balak manligaw sa kahit na sino,” sagot ni Polo.

Na sinagot naman ni Krissa Mae ng, “Alam n’yo naman po yung mga lalaki, playing safe. So, sa akin, kung gusto niyang playing safe, e, di… Wala naman po akong obligation na, di ba po? So, kung gusto niyang magparamdam, or kung gusto niyang magyaya lumabas, tapos pinapalabas niya bilang friends, e, di ganun lang po.”

So, hindi pa pala nagsasabi si Polo na manliligaw siya kay Kriss Mae?

“Opo, wala pa po siyang sinasabi sa akin. So, until mangyari yun, ayoko pong magsalita. Kasi hindi ko pa po alam. We’re still getting to know each other,” dagdag ni Krissa Mae.

Para naman kay Jean Garcia, ito ang mensahe ni Krissa Mae: “Sincerely, I’m very sorry sa naging isyu. Mukhang inaagaw ko siya bago pa kayo nag-break. Hindi po yun totoo. And hindi ko po kayang gawin yun kahit kaninong babae. Sana hindi po kayo galit sa akin. Kasi talagang wala po akong masamang intensyon.”

GLEN P.SIBONGA
Philippine Entertainment Portal

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: