Former handler of Jennylyn Mercado claims missing money of young actress went to Becky Aguila

Former handler of Jennylyn Mercado claims missing money of young actress went to Becky Aguila

“Magpakatotoo siya. Huwag na niyang dagdagan pa yung mga taong niloko niya. Naloko na niya GMA Network, malaking network na, ako pa. E, paano pa yung ibang ibang tao? Paano pa yung mga alaga niya?” says Mel Pulmano (in photo) about Becky Aguila.

Sa interview ng Startalk sa dating handler ni Jennylyn Mercado na si Mel Pulmano, sinabi nito na handa siyang harapin ang kasong isinampa ni Jennylyn at handa rin siyang sagutin ang mga paratang ni Becky Aguila.

Matatandaang nag-file na last October 28 ng kasong qualified theft at falsification of documents si Jennylyn kontra kay Mel. Kasama ni Jennylyn sa pagpa-file ang kanyang manager na si Becky at ang kanilang abuado na si Atty. Joji Alonso. (CLICK here for related story.)

“Kasi alam ko magsasampa sila ng kaso. Kaya sila nade-delay kasi wala silang makuhang ebidensiya,” ang sabi ni Mel sa Startalk. “Hanggang sa si Becky nga ay tinatakot na ang kung sinu-sino na malalapit sa akin, na pinapagawa nila ng statement. Kaya natagalan sila kasi walang gumagawa ng statement.”

Last October 29 ay nakipag-usap na rin si Mel sa kanyang abugado na si Atty. Noel Bulaong.

Sa sinasabi ni Jen, na sinubukan niyang kausapin si Mel pero pagdating sa bahay nito ay nakapikit lang daw si Mel at ayaw dumilat, heto ang sagot ni Mel: “Hinarap ko si Jen. Pero ang problema tulog ako, e. Hanggang four days akong tulog. Kaya siguro hinarap ko siya kahit tulog ako.”

Ang mahabang pagkatulog ni Mel ay dahil daw umano sa ininom niyang valium na sinabi raw ni Becky na inumin niya.

“Talagang parang lantang gulay naman ako kung makikita daw nila ako. Kung sasabihin ni Jen na nag-iinarte ako, bakit niya ako dadalhin sa ospital? Naawa si Jen sa akin, e. Pero si Becky ang nagsasabi sa kanya na, ‘Huwag mong dalhin sa ospital. Nagloloka-lokahan lang ‘yan. Nag-aarti-artista lang.’ Si Becky ang nagsasabi nun kay Jen.”

ONE-SIDED. Nagkomento pa si Mel tungkol sa pagkampi ni Jen kay Becky.

“One-sided siya, e. Sana si Jen, hindi siya one-sided. Ngayon na lang na ganito ang situwasyon dapat… Tine-text ko siya, e, pati si Mommy Lydia [adoptive mother ni Jen], hindi ako sinasagot. Hindi ako magmamalinis. Sasabihin ko kung ano yung katotohanan.”

Sinasabi niyang mahal niya si Jen, ginusto niya bang umabot sa ganitong level ang pagsasama nila ni Jen?

“Hindi. Hanggang ngayon naman mahal ko naman siya, e. Tinext ko nga siya e. Sabi ko, ‘Kung mahal mo pa rin ako at itinuturing mo akong tita, kausapin mo ako.’ Pero hindi siya nag-textback.

“Kasi ang ginawa ni Becky, magaling, e… Pinangunahan niya agad ako habang tulog ako. Kinausap niya si Jen. ‘Eto ang gagawin mo. Nagpapa-interview daw si Mel. Sinabing nagpalaglag ka daw.’ Dun lang si Jen nagalit sa akin. Sabi nga ni Mommy Lydia, bilin ni Becky kay Jen na huwag akong kausapin.”

Ano ang message niya kay Jen?

“Jen, malalaman kung ano ang katotohanan, kung ano ang merong ugali yung manager mo na si Becky Aguila.”

WHERE JENNYLYN’S MONEY WENT. Nang tanungin si Mel kung saan napunta ang perang hinahanap ni Jen, tahasan nitong sinabi na, “Kay Becky Aguila! Check mo yung account ko, wala akong ganun, e. Check mo sa bahay ko, wala. At saka hindi ako nagpapa-lipo, di ba? Hindi ako nagka-casino.”

Bukod sa kontra demandang isasampa ni Mel, isa pang kaso laban kay Becky ang nauna na nitong inihain sa Department of Labor and Employment (DOLE).

“Nagsampa ako noong October 12 sa DOLE, sa Department of Labor. Idinemanda ko si Becky ng illegal dismissal, salary wage, overtime pay, holiday pay, holiday premium, rest day payment, 13th month pay, separation pay, non-payment and moral exemplary damage and attorney’s fee. Meron kaming first hearing ng November 12, 2:30 p.m., sa Department of Labor.”

THE EFFECT. Dagdag pa ni Mel, hindi biro ang naging epekto nito sa kanyang pamilya partikular na sa kanyang mga anak.

“Na-trauma yung anak ko. Umiiyak siya, si Bianca, ayaw niyang pumasok sa school. Noong lumabas nga sa kabila [ABS-CBN] yung mga paratang sa akin, ‘tapos sinabi yung tunay kong pangalan, ayaw pumasok ng anak ko kasi baka tanungin siya ng kaklase niya, teacher niya. Ano daw ang isasagot niya? Kaya hindi siya nakapasok. Pero noong ipinalabas ako sa Startalk, gumaan yung loob ng anak ko. Ang daming nagte-text sa kanya na nagsasabing naniniwala sa akin, sumusuporta sa akin. Kaya pumapasok na siya. Mas naintindihan na niya.”

Ano ang message ni Mel kay Becky?

“Magpakatotoo siya. Huwag na niyang dagdagan pa yung mga taong niloko niya. Naloko na niya GMA Network, malaking network na, ako pa. E, paano pa yung ibang ibang tao? Paano pa yung mga alaga niya?”

Pero ayon kay Mel, bukas pa naman siya sa pakikipag-usap at pakikipag-ayos kina Becky at Jen.

“Willing akong makipag-usap. Tinext ko si Becky. Ang sagot sa akin ni Becky, ‘See you in court.’ Guilty si Becky Aguila! Alam niya kasi wala siyang ano e… alam niya malinis siya. Alam niya hindi ako magsasalita. Kaya kinukuha niya yung atensyon ni Jennylyn at ng mga artista niya.

“Sabi ni Becky, ‘See you in court.’ Paano niya ako isi-see you in court, e, hindi niya ako idinemanda. So, idedemanda ko siya, ganun, para mag-see you in court kami. Sige, Becky Aguila, see you in court. Kasi, di ba, talaga namang magkikita kami sa court? Kasi alam ko sasamahan niya si Jen.

“Kasi bakit si Jen ang pinu-push niya na magdemanda? Bakit ang kinuha niyang lawyer, lawyer niya? Para hindi siya idemanda ni Jen, di ba? Kumuha siya ng mag-o-audit ng payment ni Jen simula 2004, bakit accountant din niya? E, di malinis. Ganun pala yun,” saad ni Mel.

GLEN P.SIBONGA
Philippine Entertainment Portal

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: