Becky Aguila says she has documents to prove former aide stole money from Jennylyn

Becky Aguila says she has documents to prove former aide stole money from Jennylyn

“Some quarters of media have been very unfair, if not downright cruel. They have not bothered to verify the truth in all the accusations thrown at me and my artists, which have nothing to do with the case filed by Jennylyn. They have trivialized the truth and exploited anything that will sell,” states Becky Aguila in an official statement sent to PEP.

Nagsampa na ng kasong qualified theft at falsification of documents si Jennylyn Mercado sa kanyang dating handler/road manager na si Rowena “Mel” Pulmano, ngunit naninindigan pa rin si Mel na ang manager ni Jennylyn na si Becky Aguila ang siyang may kasalanan. (CLICK here to read related story.)

Si Mel ay lumabas sa Startalk at nagbigay ng statement sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na naniniyak na si Becky ang puno’t dulo ng problema.

May buwelta ngayon si Becky.

Kumpleto raw ang dokumentong ipipresenta niya sa husgado para linisin ang kanyang pangalan at dignidad. Ipinakita ng talent manager sa reporter na ito ang mga tsekeng diumano ay pineke ni Mel ang pirma, pati na ang diumanoý dokumento ng current or checking account ni Jennylyn sa UCPB (United Coconut Planters Bank).

Ipinakita ng talent manager ang sinasabi niyang petsa kung kailan nag-open si Jennylyn ng UCPB account. Ang young actress ang nagsabing si Mel ang kasama niya nung time na yun.

Ayon sa paglalahad ni Becky, nang mabuntis si Jennylyn ay ipinamahala na niya sa young actress ang paghawak ng sarili nitong pera. Kaya yung sinasabi raw ni Mel na sa bangko ay may “or” si Jen at si Becky—na nangangahulugang kahit sino sa dalawa ay maaaring magpasok at maglabas ng pera rito—ay natapos na raw nitong January 2008. Kaya raw nakapag-open na rin ang young actress ng sarili nitong account noong January 15, 2008.

Si Mel din daw ang naka-authorize kumuha ng check book ni Jennylyn. Ito na rin diumano ang pinagwi-withdraw ni Jennylyn sa bangko kapag kailangan ng aktres ng pera.

Liban sa pakikipag-usap sa reporter na ito, nagpadala rin ng official statement si Becky sa PEP kaugnay ng mga pahayag ni Mel. Narito ang kabuuan ng kanyang statement:

“I am hurting and I can’t even shield my twins and my very sick mother from all these defamatory statements made by someone who has been advised by her own doctor to see a psychiatrist.

“Some quarters of media have been very unfair, if not downright cruel. They have not bothered to verify the truth in all the accusations thrown at me and my artists, which have nothing to do with the case filed by Jennylyn. They have trivialized the truth and exploited anything that will sell.

“Nonetheless, something good has come out of this controversy. It has strengthened my personal and professional relationship with Jennylyn. When we discovered that the management contract purportedly signed by Jennylyn and given to me by Mel is a forgery, Jennylyn signed another [management] contract for three years, because she continues to trust me.

“Meanwhile, Jennylyn and I have agreed to postpone the release of her much talked about coffeetable book. Our plans have changed. Thank you to the people and media who have handled this controversy only with objectivity and neutrality.”

Nakatakdang magsampa ng hiwalay na kaso si Becky Aguila laban kay Mel Pulmano sa mga susunod na araw.

ROLDAN CASTRO
Philippine Entertainment Portal

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: