“Survivor Philippines” castoff Nikki Dacullo takes the plunge and enters showbiz

"Survivor Philippines" castoff Nikki Dacullo takes the plunge and enters showbiz

Former call-center agent Nikki Dacullo has decided to join showbiz after being voted out of Survivor Philippines. She has just signed a contract with GMA Artist Center, along with other castaways.

“Survivor Philippines” castoff Nikki Dacullo takes the plunge and enters showbiz

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Nikki Dacullo, ang ika-walong castaway na natanggal sa Survivor Philippines. Ito ay naganap sa press conference na ipinatawag ng GMA-7 para sa mga castaways ng reality show last Friday, October 31, sa Executive Lounge ng GMA Network Center.

Leona Rica Dacullo ang tunay na pangalan ni Nikki, na agent ng isang call center sa Cebu City. Ipinanganak siya sa Tacloban City, Leyte. Nursing student si Nikki, pero huminto siya at naging call-center agent.

Aminado si Nikki na mahiyain siya, kaya naman tinanong namin siya kung sino ang nag-convince sa kanya para mag-audition sa Survivor Philippines.

“Kung ang family ko po ang tinanong ko, hindi nila ako papayagan,” sabi ni Nikki. “Mahiyain daw kasi ako. Ang mga friends ko po at kasama sa trabaho ang pumilit sa akin. Sila po ang nagsabi sa akin na mag-join daw ako sa audition.

“Pumayag naman akong mag-try, at nag-audition ako sa SM Cebu. Siguro po, gusto ko ring patunayan na kaya ko ang mga challenges na pagdaraanan namin. Pero nagulat din po ako nang tawagan nila ako para mag-report sa Manila.”

Pagtatapat ni Nikki sa PEP, “Medyo nahirapan akong magpaalam sa work ko kasi may confidentiality nga ito [Survivor], at hindi ko puwedeng sabihin kung bakit ako pupunta sa Manila. Nang finally ay tinawagan na nila ako as one of the 18 castaways, nag-resign na ako sa trabaho dahil hindi puwedeng matagal na mag-absent sa call center. I live alone naman sa Cebu kasi nasa Tacloban ang family ko, kaya hindi nila alam ang pagpunta ko ng Manila.”

Sa bagay na personal, inamin ni Nikki na hindi niya kilala kung sino ang kanyang tunay na ama.

“Nasa tiyan pa po ako ng mommy ko nang iwanan daw kami ng father ko, kaya wala po akong alam kung sino siya. Kaya sa Tacloban na po ako born and raised dahil doon na nagkaasawa ang mother ko,” sabi ng 20-year-old Survivor Philippines castoff.

Dagdag niya, “Mahilig din po akong mag-join sa mga beauty contest, at iyong huli, ang Miss Tacloban, na naging third runner-up ako.”

Ngumiti na lang si Nikki nang sabihan siyang hindi kaya biglang may magpakilalang ama niya ngayong artista na siya.

ON JC TIUSECO. Nabanggit ni Nikki noong ma-vote out na siya, na she will wait for JC Tiuseco, isa sa mga natitirang castaways. Crush ba niya si JC o may na-develop na sa kanila noong nasa island pa siya?

“Wala naman po,” sagot ni Nikki. “Noon lang dumating kami sa island, kami po ang unang nagkapalagayang-loob kasi biniro agad kami ng mga kasamahan namin na ako raw si ‘School Girl’ at si JC daw po naman si ‘School Boy.’

“Mabait po si JC, pero hindi pa kami nagkaroon ng chance na magkausap nang matagal dahil magkaiba kami ng tribe; nasa Jarakay ako, siya naman sa Naak. At bago nag-merge ang dalawang tribe, natanggal na nga po ako, kaya hindi pa rin kami nagkakausap talaga. May nagtanong lang po sa akin kung sino raw ba ang crush ko sa Naak, ang birong sagot ko, ‘Hihintayin ko munang lumabas si JC.'”

Ngayong nasa showbiz na siya, sino naman ang crush niya?

“Si Polo Ravales po,” sagot ni Nikki. “Crush ko po ang looks niya, pero hindi ko pa siya nakikita nang personal. Hindi ko pa rin nami-meet ang iba pang Kapuso male stars.”

NIKKI ENTERS SHOWBIZ. Si Nikki ang 8th castaway na natanggal last October 24. Pero kasama na siya sa pinapirma ng managerial contract ng GMA Artist Center last Tuesday, October 28, kasama ng iba pang castaways na sina Jace Flores, Vevherly Gador, Veronica Domingo, Kiko Rustia, Chev Macias, Patani Dano, at Kaye Alipio. Sa kasalukuyan ay hindi pa natatanggal sa Survivor Philippines sina Veronica, Kiko, at Kaye.

Ngayong nasa showbiz na si Nikki, ready na ba siya sa intriga?

“Narito na po ako, kaya ready na ako,” nakangiting sagot ni Nikki.

During the presscon ay in-announce ng Survivor Philippines host na si Paolo Bediones na unang assignment ni Nikki ang pagiging co-host ng GMA-7 early morning show na Unang Hirit. Magsisimula na si Nikki bukas, November 3.

Ano ang feeling niya ngayong may panibagong challenge na naman sa kanya?

“Ninenerbiyos nga po ako at hindi ko pa alam kung ano ang gagawin ko. Siguro naman po makatutulong sa akin ang pagiging call-center agent ko,” sagot ni Nikki.

May nakapagsabi sa PEP na sa showbiz news segment ng Unang Hirit siya ilalagay at makakasama niya roon sina Lhar Santiago, Suzi Entrata, Lyn Ching, at Jolina Magdangal. Kaya ipinayo ng PEP sa kanya na dapat ay mag-homework siya at magbasa ng latest showbiz news.

“Salamat po. Mabuti na lang mahilig po talaga akong magbasa ng showbiz news. Gagawin ko po ‘yon,” saad ni Nikki.

NORA CALDERON
Philippine Entertainment Portal

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: