Jennylyn Mercado will not allow Patrick Garcia to see their son

Jennylyn Mercado will not allow Patrick Garcia to see their son

“Hindi po magbabago ang sagot ko, hindi ko po ipakikita sa kanya ang baby ko. Akin lang po si AJ at dala niya ang surname na Mercado, hindi surname niya [Patrick]. Nang mag-fill-up po ako ng birth certificate niya, sa ‘name of father,’ ang isinulat ko ‘NA [Not Applicable],”” relates Jennylyn Mercado about her decision not to allow ex-boyfriend Patrick Garcia to see their son, Alex Jazz.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Jennylyn Mercado sa taping nila ni Mark Herras para sa Dear Friend kagabi, October 29, humingi kami ng permiso sa young actress if we can ask personal questions about her two-month-old son Alex Jazz or AJ at sa kasong isinampa niya sa dati niyang handler na si Mel Pulmona. Pumayag naman ang young actress.

Ipakikita ba ni Jennylyn ang anak niya sa ama ng bata na si Patrick Garcia?

“Hindi,” mabilis na sagot ni Jennylyn. “Ayoko po, hindi ko ipakikita sa kanya si AJ.”

Paano kung mag-insist si Patrick dahil anak naman nito si AJ?

“That guy?” natatawang wika ni Jen. “Hindi ba, tawag nila sa akin noon ‘that girl’? Hindi po magbabago ang sagot ko, hindi ko po ipakikita sa kanya ang baby ko. Akin lang po si AJ at dala niya ang surname na Mercado, hindi surname niya [Patrick]. Nang mag-fill-up po ako ng birth certificate niya, sa ‘name of father,’ ang isinulat ko ‘NA [Not Applicable].”

Nagpapasalamat nga raw si Jennylyn na hindi nagpaparamdam si Patrick.

Since may contract pa si Patrick sa GMA-7, paano kung mag-offer kay Jennylyn ng isang soap na magkakasama silang tatlo nina Patrick at Mark?

“Puwede naman po, trabaho ‘yon. Pero ang gusto ko sa ending ng story, kay Mark ako mapupunta at hindi sa kanya [Patrick],” sabi ni Jennylyn, na ex-girlfriend ni Mark.

Kapansin-pansin na sexy na muli si Jen at parang hindi siya nagsilang kay AJ. Paano ang ginawa niya?

“Breastfeeding po at saka diet,” sagot ni Jen. “Bumalik na po ang dati kong weight na 108 lbs. One heavy full-meal lang po tuwing lunch ang kinakain ko daily. Kapag nakaramdam ako ng gutom, umiinom lang po ako ng water.

“Hindi naman po puwedeng hindi ako kumain kasi nga nagbi-breastfeed ako. Kapag may trabaho po ako tulad ngayon, may six bottles po ng milk ko ang nasa freezer. Actually po, sobra-sobra ‘yon, pero mas mabuti na pong sobra kaysa magutom ang anak ko,” lahad ng dalagang ina.

LOYAL TO GMA-7. May kumakalat na balitang interesado sa kanya ang ABS-CBN. Ano ang masasabi ni Jennylyn dito?

“May naririnig nga po akong ganyan. Pero wala naman silang offer, wala rin pong sinasabi ang manager ko [Becky Aguila]. Saka nag-swear po ako sa GMA Network, through Ma’am Wilma [Galvante, Senior Vice President for GMA TV] na hindi po ako aalis sa kanila. Dumalaw po kasi si Ma’am Wilma sa bahay at binisita kami ni AJ. Tuwang-tuwa po siya dahil ang taba na ng anak ko. Sa ngayon po, I’m just waiting for my exclusive GMA Network contract,” sabi ni Jennylyn.

JEN’S FORMER HANDLER. Last October 28, nag-file ng 19 Counts of Qualified Theft thru Falsification of Commercial Documents and 9 Counts of Falsification of Documents si Jennylyn sa Quezon City Regional Trial Court laban sa dati niyang handler na si Mel Pulmano. Pero pingabawalan siya ng kanyang abogado na si Atty. Jojo Alonso na magsalita tungkol sa kaso.

Pero nalungkot din daw si Jennylyn sa nangyari sa kanila ni Mel.

“Nakakahinayang din po kasi pinagtiwalaan ko talaga siya,” seryosong wika niya. “Authorized po siyang mag-issue ng checks ko at mag-withdraw sa ATM ko. Siguro po less than 500,000 thousand din ‘yong laman ng ATM ko.

“Sabi niya, mahal niya ako. Pero sana kung talagang mahal niya ako, dapat naging honest siya, o nagsabi sana siya sa akin kung kailangan niya ang pera para hindi umabot sa ganito.”

NORA CALDERON
Philippine Entertainment Portal

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: