Blind Item :Magandang aktres, 3 buwang buntis

NAKUMPIRMA ko sa isa sa mga taong malapit sa isang magandang aktres na nagdadalantao na ito.
Ayon sa aming source, tatlong buwang buntis na ang magandang aktres pero hindi pa siya kasal sa kanyang non-showbiz boyfriend.
Wala akong ideya kung sino at ano ang drama ng non-showbiz boyfriend ni magandang aktres, pero may halong foreigner ito.
Itong si magandang aktres ay hindi rin purong Pinay at lumaki ito sa ibang bansa.
May mga nakarelasyon itong guwapong aktor pero hindi nagtagal at natapos din ang mga relasyong iyun.
Ngayon ay medyo nagpaka-daring na siya pagkatapos niyang magpalit ng pangalan. Kaya lang, tila lumamlam ang career niya.
Ilang beses kong tinawagan ang handler ni pretty actress pero hindi sumasagot. Pati si pretty actress mismo ay dedma sa mga tawag ko.
Ang latest na narinig ko, may news blackout sa isyung ito kay aktres kaya mukhang tahimik lang ito.
Nakatakda na siyang bumalik sa bansang pinanggalingan niya para doon niya iluwal ang kanyang ipinagbubuntis.
Inaabangan ng ilang reporters na nakaalam kung kailan ang alis ng aktres para makunan siya ng pahayag sa kanyang kalagayan.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: