Marian at Dingdong, paghihiwalayin na ng GMA-7

LAST na teleseryeng pagsasamahan na nina Dingdong Dantes at Marian Rivera ang Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang.

Ito mismo ang kinumpirma sa amin ni Dingdong nang dalawin namin sila ni Marian sa shooting ng One True Love sa may Sucat.

“Kasi sunud-sunod na ang naging pagtatambal namin ni Marian sa teleserye. After Marimar at Dyesebel panghuli na namin itong Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang for the meantime. Mas maganda kasi ‘yong itatambal naman kami ni Marian sa ibang artista para hindi naman manawa sa amin ang mga tao,” paliwanag ni Dingdong.

Hindi pa raw alam ni Dingdong kung kanino naman siya itatambal na artista pagkatapos ni Marian, pero mas gusto raw niya ng bago sexy at magandang tulad ni Marian. Wala rin daw kinalaman ang mga tsismis tungkol sa kanila ni Marian ngayon kaya nagdesisyun ang GMA-7 na paghiwalayin muna sila.

“Unang-una na, wala namang katotohanan ang tsismis. Wala naman kaming relasyon ni Marian. Kung merong problema sa amin ni Karylle ngayon, definitely walang kinalaman du’n si Marian. She’s not the bad girl here kaya sana huwag naman siyang pasamain nang husto ng mga tao at fans,” pagdedepensa pa ni Dong sa ka-love-team niya.

Marami ang naniniwalang torn between two loves ngayon si Dingdong at ayaw lang niya itong aminin sa public.

“Ako mai-in love nang sabay sa dalawang babae? There is no such thing para sa akin. Puwede ka lang ma-in love one at a time. Hindi puwedeng sabay. Eventually may isang magiging mas matimbang sa ‘yo.

“Alam mo, mabait si Karylle. I don’t think nagpapakamartir siya. Kaya nga she doesn’t deserve all these speculations. Hayaan ninyo na lang na magsalita na kami nang sabay tungkol sa isyu. Magkakaroon din ng linaw ang lahat tungkol sa amin. Just be patient,” paliwanag pa ni Dingdong.

Nahihiya rin siya at nasasabit din si ZsaZsa Padilla sa isyu sa kanila ni Karylle. Kaya ngayon pa lang ay humihingi na siya ng paumanhin sa mommy ni Karylle.

TONEE CORAZA
Journal Online

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: