Chynna Ortaleza vehemently denies involvement in Bubbles-Jewel “encounter”

Chynna Ortaleza vehemently denies involvement in Bubbles-Jewel "encounter"

“I’m really surprised na nadamay na ako sa issue. Hindi ko naman kasalanan na nakisalamuha ako sa mga co-stars ko ng Codename: Asero [like Bubbles]. It’s normal for an observer to piece together a false issue. I just had to clarify my name,” says Chynna Ortaleza about being dragged to the issue involving Bubbles Paraiso and Jewel Mische.

Hangga’t maaari, ayaw na sanang magsalita at ma-involve ng young actress na si Chynna Ortaleza sa diumano’y “pangbu-bully” ni Bubbles Paraiso sa isa ring Kapuso star na si Jewel Mische sa inauguration ng GMA Network Studios noong October 17.

Katuwiran ni Chynna, wala naman daw siya talagang kinalaman sa isyung yun kaya’t nagtataka siya kung bakit nadadawit ang pangalan niya. Siyempre pa, natural lang na hindi nagustuhan ni Chynna lalo na nang mabasa raw niya ang pangalan niya na tila “accomplice” ang dating sa isang krimen, gayong wala naman siyang ginawa ng gabing yun.

Lumabas din kasi rito sa isang article ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na siniko diumano ni Bubbles si Jewel habang may inaabot itong bagay kay Chynna.

Ito ang dahilan kung kaya’t kinuha ng PEP ang side ni Chynna noong October 29, sa pamamagitan ng telepono. Inamin ni Chynna na hindi niya nagustuhan ang lumabas dahil nadadamay raw siya sa isang isyu na wala siyang kinalaman.

Aniya, “I initially did not want to comment on the issue because I am not a part of it. I just felt the need to speak out now because I want to set the record straight. Hindi ko naman hahayaan na masama ako sa bagay na hindi ko naman ginawa. I hope maayos nila ang issue soon at sana rin ma-clear, especially yung mga names na wala naman talagang kinalaman sa sinasabing incident na yun.”

Ayon kay Chynna, “totally fabricated” yung sa part na may inabot sa kanya si Bubbles, may bag na itinago, at hinarang si Jewel. Wala raw talagang ganoong pangyayari.

“I really do not know what happened between Bubs and Jewel,” sabi ni Chynna. “Kung meron man, I guess wala namang ibang puwedeng tanungin or magsalita about that but Jewel and Bubbles. Sila talaga ang nakakaalam what really happened there.

“As for me, ang masasabi ko lang, wala akong kinalaman sa isyu. Ang kasama ko talaga sa table that night ay sina LJ Reyes at Ryza Cenon. Lumapit ako sa table nila nang makita ko si Tita Dorothy [Laforteza, Sunshine’s Dizon’s mom]. Nakita ko na wala siyang kausap, so I approached her. I talked to her at nag-thank you ako sa kanya dahil siya ang isa sa nag-recommend sa akin na makasama ni Shine sa Obra.

“So, yun lang yun. That’s why I’m really surprised na nadamay na ako sa issue. Hindi ko naman kasalanan na nakisalamuha ako sa mga co-stars ko ng Codename: Asero [like Bubbles]. It’s normal for an observer to piece together a false issue. I just had to clarify my name.”

Dagdag pa ni Chynna, “Iwas ako sa mga away kasi parang ate na nila ako sa GMA Artist Center. If I was really angry at Jewel Mische, she would know because I’d tell her straight up and face to face. I’m that type of person.”

ROSE GARCIA
Philippine Entertainment Portal

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: