Bubbles Paraiso finally speaks up about “sikuhan” issue with Jewel Mische

Bubbles Paraiso finally speaks up about "sikuhan" issue with Jewel Mische

“There’s no reason to gang up on her, kaya gulat ako sa isyu. I’ve never worked with her pa. Magkakilala kami but she’s not my friend and not my enemy either. We’re acquaintance,” says Bubbles Paraiso about Jewel Mische (inset).

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang model-turned-actress na si Bubbles Paraiso noong October 30, sa isang restaurant sa may Tomas Morato, Quezon City. Pumayag siyang magsalita tungkol sa “sikuhan” issue sa kanila ni Jewel Mische sa inauguration ng GMA Network Studios noong October 17.

Matatandaang lumabas sa ilang tabloids at maging dito sa PEP ang report na siniko diumano ni Bubbles si Jewel sa event ng kanilang home network, ang GMA-7.

Sabi ni Bubbles, kinailangan na niyang magsalita dahil marami na ang nadadamay at patuloy na lumalaki ang isyu. Kung noon ay dine-deadma lang daw niya ang isyu thinking na hindi na ito lalaki, this time, kinailangan na niyang humarap sa press dahil apektado na siya.

“Last Wednesday [October 29], sa taping ng Codename: Asero, humagulhol na talaga ako and for 20 minutes akong umiyak. Hindi ko na makayanan, napu-frustrate ako sa mga nangyayari dahil pati mga kaibigan ko nadadamay na,” saad ng maluha-luhang si Bubbles.

Totoo bang siniko niya si Jewel, itinago nila ang bag nito, at tinapakan niya ang suot nitong gown?

“Wala akong siniko,” tanggi ni Bubbles. “Ang alam ko, nagte-table hopping kami. Paikot-ikot kami and we didn’t stay long in one place. Kung may tinamaan ako, I’m sorry. It was not intentional. I didn’t intend to elbow anyone at kung meron nga, I’m sorry. Kung may tinamaan ako, wala akong magagawa kundi mag-sorry. Kung may nasiko ako at may nag-ouch, I’ll say sorry. Kung intentionally ko siyang nasiko, lilipad siya dahil malaki ako. Pero hindi, wala talaga at hindi ko alam kung saang parte ko raw siya nasiko.

“Hindi ko alam ang bag issue, hindi ko alam ang bag na yun dahil busy ako with my bag. Wala rin akong tinatapakang gown. Ang gown ko pa nga ang natapakan at sa sobrang dumi, four days kong ipina-dry clean bago ko isauli kay Randy Ortiz. Ako ang tinapakan, hindi siya [Jewel],” lahad ng dalaga.

Dala ni Bubbles kanina ang black gladiator Zara shoes na suot niya sa inauguration ng bagong building ng Kapuso network. Four-inches ang heels ng naturang sapatos at kung hindi man mabutas, tiyak na masisira ang gown na maaapakan nito.

Pinagtulungan daw ni Bubbles at mga kaibigan niya si Jewel?

“There’s no reason to gang up on her, kaya gulat ako sa isyu. I’ve never worked with her pa. Magkakilala kami but she’s not my friend and not my enemy either. We’re acquaintance,” sabi ni Bubbles.

Maglalabas daw ng statement ang GMA-7 at ipagtatanggol si Jewel. Any comment?

“I will defend myself,” sagot ni Bubbles. “Wala talaga akong alam na may isyung ganito. Ang daming allegations and accusations na pati ako nagugulat kung saan galing. It started as as a single allegation and all of a sudden, kasama na sina Chynna Ortaleza, Bianca King, Ehra and Michelle Madrigal, at Rhian Ramos. And all these stories crop up. Saan galing ito? Bakit ang daming nadadamay? All of a sudden, mean girl na ako.”

Nagugulat din si Bubbles na may mga taong nagki-claim na witness sila sa mga ginawa niya kay Jewel. Paano raw magkakaroon ng witness kung wala namang nangyari.

“Nagtataka si Chynna kung bakit siya nasama sa isyu, wala naman akong inabot sa kanya. Sino ang source nito at iba-iba ang pinagsasabi,” patuloy ni Bubbles.

Nagbigay na rin ng pahayag si Chynna sa PEP. Itinanggi rin niya na may kinalaman siya sa isyu.

THE FIAMMA INCIDENT. Isyu rin ang presence ni Bubbles sa Fiamma Bar sa Makati City na pinangyarihan naman diumano ng kumprontasyon nina Richard Gutierrez at Aljur Abrenica. Ayon sa isang source ng PEP ay si Bubbles daw ang yumakap kay Richard para raw awatin sa pang-aaway kay Aljur.

Ayon kay Bubbles, totoo na niyakap niya si Richard, pero hindi raw para awatin.

“I was in Fiamma, but I left early dahil pagod ako dahil wala akong kinain. Niyakap ko si Chard, parang hello yun as a brother at hindi dahil inawat ko siya. Walang pagnanasa ang yakap na yun. Niyakap ko rin sina Raymond [Gutierrez, Richard’s twin brother], at Michelle.

“Nakita ko rin dun si Aljur at kinausap ko pa siya and how is he enjoying Fiamma. Umalis ako agad kaya hindi ko alam ang away-away na ‘yan. Ang alam ko, si Marco [Alcaraz] pa ang naghatid kay Aljur, kaya nagulat ako na may isyung away na,” kuwento ni Bubbles.

BUBBLES WANTS TO CLEAR HER NAME. Paano niya gustong magtapos ang isyung ito?

“Gusto ko ma-clear ang isyu dahil wala naman akong ginawa. Gusto ko ma-clear ang name ko. I don’t expect na after this magiging friends kami ni Jewel, but I’m willing to talk to her. Ang liit ng showbiz and we’re all in Channel 7. Sooner or later, magku-cross ang path namin at baka magkasama pa kami sa trabaho. Ang pangit kung nasa dressing room kami at hindi nagpapansinan,” pahayag ni Bubbles.

Payag ba siyang matawag na “Siko Queen”?

“Ang pangit naman noon, ibahin natin,” pakiusap nito sa press.

Wala pang next project si Bubbles sa GMA-7 pagkatapos ng Codename: Asero, na malapit nang magwakas. Kung may choice siya, gusto niya raw mag-try ng comedy.

Paano kung pagsamahin sila ni Jewel sa isang show at gawin siyang kontrabida nito?

“Okey lang! Basta trabaho, hindi ako tatanggi,” sagot niya.

Bago matapos ang interview ng PEP kay Bubbles, may humabol na isyu na may kumakalat na text message at tinukoy si Pauleen Luna as the young actress from GMA-7 na source ng “imbentong balita” kina Jewel at Bubbles. Any comment?

“May bago na namang nadadamay sa isyu, ang daming nadadawit na hindi dapat. Kaya kailangang matapos na ito at kung talagang may nasiko ako, hindi ko yun sinasadya,” pagtatapos ni Bubbles.

NITZ MIRALLES
Philippine Entertainment Portal

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: