BITS: Regine at Binoe, highest paid kapuso stars?

Nakita ko na naman kahapon ang bagong pictorial ni Gabby Concepcion para sa t-shirt na ini-endorso niya.

Hindi ko talaga type ang hairdo ni Gabby ‘huh! Ewan ko ba kung sino ang nagbigay sa kanya ng ilusyon na bagay ang bangs sa kanya.

Dapat maghanap ng bagong stylist si Gabby. Stylist na magpapaliwanag na hindi bagay sa kanya ang may bangs dahil nagmumukhang wig ang buhok niya.

Pinuna ko na noon ang hairstyle ni Gabby nang magkita kami sa burol ni Daddy Rollie. Natuwa nga ako nang makita ko na binago ni Gabby ang hairstyle niya nang iburol ang kanyang ama.

Pero ibinalik niya uli ang kanyang bangs. Kung hindi makikinig si Gabby sa aking opinyon, darating ang araw na magiging magkapareho na ang hairdo nila ni Mayor Antonio Sanchez! The who si Mayor Sanchez? Mag-research na lang kayo dahil kulang ang space kung ikukuwento ko ang kanyang life story! (Lolit Solis – Pilipino Star Ngayon)

***

May kokontra kaya kung sasabihin namin na sina Regine Velasquez at Robin Padilla ang pinakamataas ang talent fee among the Kapuso stars?

Ang suwerte naman ng girlfriend ni Ogie Alcasid! Kahit hindi na mag-concert si Regine at umasa na lamang ito sa kanyang kinikita sa kanyang home studio ay maaari pa rin siyang mamuhay ng marangya. Kahit hindi rin gumawa ng pelikula si Robin ay mananatili siyang matatag kung tuluy-tuloy lamang ang kanyang trabaho sa GMA. (Aster Amoyo – Pilipino Star Ngayon)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: