Bianca Lapuz arestado sa kasong estafa

Inaresto kamakalawa ng pulisya dahil sa kasong estafa ang aktres at dating asawa ni Vhong Navarro na si Bianca Lapuz.

Ayon sa isang ulat ng ABS-CBN, nagkakape si Bianca sa Eastwood City sa Libis, Quezon City nang dakpin siya ng mga pulis.

Nabatid sa pulisya na isang korte sa Antipolo, Rizal ang nagpalabas ng arrest warrant laban kay Bianca dahil sa kinakaharap niyang kasong estafa na isinampa noon pang taong 2005.

Sinabi naman ni Bianca na ang kaso ay may kaugnayan sa P150,000 hiniram niya para sa isang kaibigan na nangangailangan ng pera.

Akala niya ay binayaran na ng naturan niyang kaibigan ang utang na iyon.

“Akala ko kasi naayos na nila iyong problema, kaya hindi ko naman alam na aabot sa ganito,” sabi pa ni Bianca.

Nabatid kay Antipolo Public Information Officer Inspector Maria Louisa Pedroza na nagharap na sa presinto sina Bianca at ang taong nagdemanda laban dito.

Nakalaya pansamantala ang aktres sa pamamagitan ng P6,000 piyansa.

Pilipino Star Ngayon

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: