Becky Aguila refutes claims of her former aide

Becky Aguila refutes claims of her former aide

“Yung mga sinasabi niya na paninira sa akin, iharap niya sa korte ang proof, wala akong kinatatakutan because I’m clean. Sa korte na lang tayo and stop giving false information sa tao. Lalo lang niyang dinadagdagan ang kaso niya,” says talent manager Becky Aguila (in photo, with Jennylyn Mercado) about former employee Mel Pulmano.

Nagsampa na ng kaso si Jennylyn Mercado laban sa kanyang dating handler/road manager na si Rowena “Mel” Pulmano sa Quezon City Prosecutor’s Office noong Martes, October 28, bandang alas-singko ng hapon. Kasama ang abogadong si Atty. Joji Alonzo at manager na si Becky Aguila, 19 counts of qualified theft thru falsification of commercial documents and nine counts of falsification of documents ang ikinaso nila kay Mel.

After All Saints Day, si Becky naman ang magsasampa ng kaso sa dating staff.

“Kung kinausap lang niya kami nang maayos, inamin ang kanyang kasalanan at humingi ng kapatawaran, baka hindi pa humantong sa ganito,” bulalas ni Becky nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Pero nanginig ang laman niya sa mga paratang at kuwento ni Mel sa Startalk at itinuturo niyang si Becky ang may kasalanan.

“What she said was all fabricated lies. Mga bits and pieces of information na nilagyan niya ng twist,” deklara ng manager. “Unang-una, sinabi niyang nag-recommend daw ako sa kanya ng valium, walang ganun at walang katotohanan yun. Ni hindi nga kami nagkakausap that time dahil galit ako sa kanya because may hiniram siyang pera sa friend ko without my knowledge.

“Kung uminom siya ng valium, wala akong kinalaman dun and hindi nga niya dapat ginawa yun dahil malinaw na pagtakas yun sa kanyang responsibilidad. Nagpunta kami ni Jen sa bahay niya para kumprontahin siya because that time, may mga na-discover na nga kami at hindi siya magising-magising,” lahad ni Becky.

JENNYLYN’S HOUSE. Ibinulgar din ni Mel na pinursige diumano ni Becky na mabili ang bahay ni Jen para magkaroon ito ng pera at tanggihan ang offer na contract ng GMA-7 worth three to four million pesos.

Pero ayon kay Becky, “Alam ni Mel na kaya ko binili ang bahay ni Jen ay para isalba si Jen at matulungan. She needed money that time para sa kanyang pregnancy and panganganak because magla-lie low na nga siya. In-assume ko ang utang sa bangko ng bahay na six and a half years, and I gave Jen one million [pesos] in two installments para nga magamit niya sa kanyang pregnancy leave. Bago pa man dumating ang contract ng GMA-7, nabili ko na ang bahay ni Jen at nakakahiya naman sa GMA-7 na may ganitong issue.

“Regarding sa offer ng GMA-7, the offer was nice naman except that ang haba ng length. May mga bagay na hindi napagkasunduan and nagkaroon na lang kami ng compromise sa management na Jen will stay put as long as mapapangalagaan nila si Jen. Anyway, she’s a homegrown artist naman and first StarStruck Survivor.”

“FIGHT” WITH ANGEL. Exaggerated din daw ang ibinunyag ni Mel na araw-araw ay nag-aaway sina Becky at Angel Locsin.

“Open book naman sa lahat na ours is not a perfect relationship,” sabi ni Becky. “Parang mother and daughter, may mga arguments but to say na araw-araw kaming nag-aaway is exaggerated dahil unang-una, hindi naman kami nagkikita ni Angel araw-araw. Nahihiya ako kay Angel at sa family niya dahil na-drag pa ang name niya rito while wala naman siyang kinalaman.”

MEL’S INTERVIEW. Nilinaw rin ng manager ang sinabi ng former staff na wala siyang maipasuweldo kaya umalis ang mga tauhan niya. Pero nagtawanan lang daw ang ilang staff ni Becky sa kanyang opisina nang mapanood nila sa YouTube ang interview na yun ni Mel dahil updated daw sila sa suweldo.

Sabi ni Becky, “That was the time na nagagalit ako kay Mel because she borrowed money from my friend using my company without my knowledge. So, nag-usap-usap silang mga tauhan ko na friends din naman ni Mel, and two of my staff resigned through text. They were asking for their salary and I told them na makukuha nila ang salary after they sign a quit claim at makukuha rin nila ang 13th month pay.

“Mel did not resign at ang sabi niya, magbabakasyon lang siya. So nag-report siya ng Monday ulit, pero I was mad pa that time sa kanya so hindi kami masyadong nagkakausap. Until dumating na nga yung time na na-discover ni Jen ang mga nagtatalbugang checks niya.”

CASINO HABIT. Tungkol sa akusasyon sa kanyang lulong siya sa casino, aminado si Becky na dalaga pa lang daw siya ay nagka-casino na siya. Pero sariling pera niya raw ang kanyang ginagamit.

“Wala akong ginagalaw na pera ng ibang tao and karapatan naman ng kahit sino ang mag-enjoy. Also during the past few months, sinasamahan ko ang mother ko para malibang because she’s sick,” sabi ni Becky.

Pahayag pa ng manager, harapin na lang daw ni Mel sa korte ang kaso at kung may ikakaso raw sa kanya ay willing naman siyang harapin.

“Go ahead, yung threat nila na magkakaso sila sa DOLE [Department of Labor and Employment], go ahead. Basta dun tayo sa korte. Yung mga sinasabi niya na paninira sa akin, iharap niya sa korte ang proof, wala akong kinatatakutan because I’m clean. Sa korte na lang tayo and stop giving false information sa tao. Lalo lang niyang dinadagdagan ang kaso niya,” paghahamon pa ng manager.

Aminado rin si Becky na si Jennylyn ang pinakaapektado at napuruhan sa pangyayaring ito dahil nasaid ang pera niya sa bangko.

“Close to 500 thousand ang nawawalang pera ni Jen plus the missing checks in Fanatxt. Had she [Mel] not used it, may pera pa sana si Jen hanggang January. ‘Tapos sasabihin niya, mahal niya si Jen? Kung mahal niya si Jen, bakit niya nagawa ‘yan?”

Right now, pinahiram ulit ng pera ni Becky si Jen para raw may magamit itong pansimulang muli.

“Ang pagkakamali ko lang, naging mapagtiwala akong masyado at ipinaubaya ko ang pagha-handle ng talents sa mga handlers. Kung may ginagawa akong hindi maganda sa mga talents, tulad ng ibinibintang ni Mel na ako ang gumagalaw ng pera ng mga talents ko, bakit nasa akin pa rin silang lahat?” pagtatapos ni Becky.

ROLDAN CASTRO
Philippine Entertainment Portal

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: