Pinoy Fear Factor, bawal ang panget at hindi sexy

"Pinoy Fear Factor" reveals 5 of the 12 'participantes'

Hindi pala puwede ang tsaka (read: hindi maganda) sa Pinoy Fear Factor South America. Isa pala yun sa agreement na pinirmahan ng ABS-CBN sa kontrata. Kaya nga raw matagal ang naging process of elimination nila.

Kasama sa final contestant sina LJ Moreno (Age: 27/Occupation: Preschool teacher, Actress/Greatest Fear/s: Deep water, Cockroach); Phoemela Barranda (Age: 27/Occupation: TV Host, Actress, Model/Greatest Fear/s: Snakes, insects), Ram Sagad (Origin: Quezon City/Age: 23/Occupation: Model, student/Greatest Fear/s: Heights, unusual and exotic edibles); Jamie Ann Dominguez (Age: 18 Occupation: TV host, Glutathione sales agent/Greatest Fear/s: Spiders, closed spaces (claustrophobia), Marion Angelo dela Cruz (Age: 21/Occupation: Student/ Greatest Fear/s: Heights). Sila pa lang ang pinangalanan na kasama sa 21 katao na contestants and staff ng Pinoy Fear Factor na nagpunta sa Argentina, South America kamakailan kung saan tumira sila sa isang boot camp (tinatawag nilang El Campo Miedo) para sa nasabing reality show (12 contestants and 9 staff and crews).

Pero walang puwedeng mag-leak ng information kung ano ang nangyari sa kanila roon dahil nagkakahalaga ng limang milyong piso ang babayaran sa kontrata oras na may magsalita.

Forty two days silang nag-stay doon, except for Ryan Agoncillo, host ng Pinoy Fear Factor dahil thirty eight days lang siya sa nasabing bansa kung saan kinunan ang buong one season na magsi­simulang mapanood sa November 10, Monday.

Malaking halaga ang nakataya rito. Two million pesos ang premyo with house and lot pa.

Anyway, parati kasing naka-two piece ang contestants sa kabuuan ng contest kaya dapat maganda ang mga katawan nila.

Speaking of Ryan, kasama niyang bumalik sa presscon ng PFF si Judy Ann Santos the other day. Sandali lang siyang naka-tsika ni Tita Ethel Ramos at sinabi ng aktres na ok lang na mas busy sa kanya si Ryan dahil concen­trated muna naman siya sa pag-aaral uli ng culinary. Sinasabi kasing mas may career na si Ryan ngayon samantalang noon, sinasabing ginagamit lang ni Ryan si Juday noon.

SALVE ASIS
Pilipino Star Ngayon

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: