PEP sources say Richard Gutierrez-Aljur Abrenica confrontation really happened

PEP sources say Richard Gutierrez-Aljur Abrenica confrontation really happened

According to several sources, the reported confrontation between Kapuso stars Richard Gutierrez (right) and Aljur Abrenica (left) at a high-end bar in Makati City was true. Young actress Jewel Mische (inset), according to several sources, is also involved.

Bago pa man magbigay ng official statement si Richard Gutierrez kaugnay ng nabalitang confrontation nila ni Aljur Abrenica sa isang high-end bar ay nag-imbestiga muli ang PEP upang kumuha ng karagdagang impormasyon mula sa iba pang sources.

Base sa mga impormasyong nakalap ng PEP, mas may malalim pa palang kuwento sa likod ng balitang ito.

Pinaninindigan ng PEP ang unang nai-report dito na may kumprontasyong naganap sa pagitan nina Richard at Aljur sa Fiamma bar sa Makati City. Ito ay naganap noong madaling-araw ng October 18, Sabado, pagkatapos ng inauguration ng GMA Network Studios sa gabi ng October 17, Biyernes.

Inamin ni Richard sa kanyang statement na pinaalis niya si Aljur sa mesa na pinag-uumpukan nina Richard at mga kaibigan nito. Pag-amin ito na may namagitang tensiyon sa dalawang talents ng GMA-7, sapagkat nag-uumpukan ang maraming tiga-Siyete at Dos sa bar ng gabing iyon. Sa salita ng isang artistang naruon, “Parang one big instant party, ang saya, lahat kami tuwang-tuwa sa pagdating ng kahit sino!”

Ganunpaman, inaamin ng PEP ang pagkakamali nito sa naisulat na kasama ni Aljur si Jewel Mische nang mangyari ang insidente. Wala si Jewel sa naturang bar sa Jupiter St., Makati City, at hindi siya kasama ni Aljur.

Ngunit naninindigan ang PEP na ang dahilan ng kumprontasyon nina Richard at Aljur ay may kaugnayan kay Jewel. Ito ay taliwas sa pahayag ni Richard na walang kinalaman si Jewel sa nangyari sa kanila ni Aljur.

GMA NETWORK STUDIOS INAUGURATION. Bagamat wala si Jewel sa Fiamma bar, si Aljur ang nagsilbing escort ng young actress sa inauguration ng GMA Network Studios, na naganap ilang oras bago ang kumprontasyon nina Richard at Aljur.

Ayon sa ilang sources na naroon sa inauguration, nakita nilang sina Jewel at Aljur ang magkatabi sa iisang mesa bago magsimula ang show. Sa mismong parada ng GMA-7 stars during the show ay kapareha naman ni Jewel si Hero Angeles, samantalang ang kasamang maglakad ni Aljur ay si Kris Bernal.

Sa inauguration, marami ang nakakitang magka-holding hands sina Jewel at Aljur. Ayon sa dalawang GMA-7 insiders, sinadya raw ito ni Jewel para pagselosin si Richard na naroon din sa naturang okasyon. Wala naman daw kasing kaugnayan talaga sina Jewel at Aljur, liban lang sa magka-batch sila sa reality star search na StarStruck. Si Jewel ang itinanghal na Ultimate Sweetheart at si Aljur naman ang nanalong Ultimate Hunk.

(Ang pinakahuling exposure ng dalawang baguhan ay ang sumusunod: Nagkaroon ng maikling papel si Jewel bilang babaeng niloko ni Wendell Ramos sa bagong primetime series ng GMA-7 na La Lola. Si Aljur naman ay napanood sa mga fantaseryeng Zaido, Dyesebel, at kasama rin sa sisimulang soap na Luna Mystica.)

Pero sina Richard at Jewel ay matatandaang na-link nang maging magkapareha sila sa Kamandag, isang fantaserye ng GMA-7. Bagamat hindi umamin ang dalawa na naging sila, ilang network insiders ang nagpapatunay na may namagitan sa dalawa at, higit doon, na hanggang ngayon ay meron silang “on-and-off relationship.”

Ngunit may mga report din na walang boto kay Jewel para kay Richard sa mga kaibigan ng binata. Matapos ang inauguration ng bagong building ng GMA-7, nagkaroon pa ng report na na-playtime daw si Jewel ng mga kaibigan ni Richard, partikular na si Bubbles Paraiso.

Sinasabing “siniko” at “tinapakan” ni Bubbles si Jewel nang kunwari ay may iaaabot siyang bagay kay Chynna Ortaleza. Itinago rin daw ng grupo ang bag ni Jewel bilang katuwaan, at halos harangin ang dadaanan ni Jewel.

Bukod dito, sinabihan daw ni Bubbles si Jewel ng: “I am the worst bitch you will meet in your life!” Umiyak na lang daw si Jewel sa ginawa sa kanya ng grupo nina Bubbles.

May natanggap na impormasyon ang PEP na dahil sa pangyayari, maghahain daw ng complaint sa GMA-7 ang ina ni Jewel laban kay Bubbles.

Samantala, sa panayam ni Bubbles kay Allan Diones, na lumabas kahapon, October 28, sa Abante Tonite, ay itinanggi ng model-turned-actress na pinagtulungan nila si Jewel sa inauguration. Wala raw insidenteng ganun. Ngunit sinabi rin ni Bubbles na hindi siya magsasalita hangga’t hindi magsasalita si Jewel, na nagpapahiwatig na may namagitan nga sa kanila.

THE FIAMMA INCIDENT. Pagkatapos ng inauguration ng GMA Network Studios, ayon sa kuwento ng isang Kapuso insider, tumuloy si Richard at ang grupo nito sa Fiamma bar, kung saan sila nag-after-party celebration.

Sa paglalarawan ng aming source, sa open area ng second floor ng Fiamma bar pumuwesto sina Richard. Marami pang tiga-showbiz, kabilang ang ilang direktor at mga artista, ang nagsiratingan doon, at masayang nagkamustahan ang mga ito.

Matapos daw ang ilang sandali ay dumating din si Aljur kasama ang co-star niya sa Dyesebel na si Marco Alcaraz. Ayon sa network insider pa rin, galing daw sina Aljur at Marco sa Chili’s restaurant sa Tomas Morato, Quezon City. Nag-dinner sila roon kasama ng ilan pang Kapuso stars na nanggaling din sa inauguration rites.

May nakarinig kay Marco nang yayain niya si Aljur na pumunta sa Fiamma bar. Si Aljur naman daw ay nagsabing hindi pa siya nakakapunta sa Fiamma, na sinasabing “It place” ngayon. Di naglaon, nakita na nga ang dalawa sa Fiamma.

Pinabulaanan ng insider ang sinabi ni Richard na sa table niya umupo si Aljur “uninvited.” Si Aljur daw ay nakiumpok sa katabing table nina Richard.

Sa puntong ito, isang source na naroon ang nagsabi sa PEP na napakasikip daw ng lugar at dikit-dikit ang mga mesa at tao, na uupo, tatayo, iinom, lilipat. At dahil malaki ang grupo ni Richard, sinabi nitong bagamat hindi niya napansin talaga, maaaring sakop nga rin ng mga Gutierrez ang katabing table na inupuan ni Aljur.

Sa pagpapatuloy ng kuwento ng insider, sinabi nito na habang nag-iinuman sa magkatabing mesa ay bigla raw tumayo si Richard. Lumapit ito kay Aljur. ‘Tapos, walang warning daw ay kinutusan diumano ni Richard si Aljur. Dalawang beses daw itong ginawa ni Richard.

Nagulat daw si Aljur at napatayo. Sabi ng insider, tiningnan daw ni Aljur sa mata si Richard, pero bago ito makapagsalita, tinanong siya nang pagalit ni Richard: “Sino ka? Ano’ng gusto mo? Babae? Lalake?”

Ang tanging naisagot daw ng nawindang na si Aljur ay: “Wala po, sir.”

Ayon naman sa isang source na customer din doon, nakapagtanong pa si Aljur ng, “Ano ang problema mo?” Na sinagot naman daw ni Richard ng, “Ikaw, ano ang problema mo?”

Di naglaon, tumayo si Bubbles, na nasa table nina Richard, at niyakap si Richard. Kumbaga, sabi ng insider, maliksing inawat ng dalaga ang binata.

Nang mga sandaling iyon, nag-extend ng arm si Aljur at hinawakan ang likod ni Richard. Kumbaga, sabi ng insider, parang conciliatory gesture.

Ngunit sa puntong iyon, ayon pa rin sa insider, nag-walkout si Richard.

Nang nangyari ang insidente, naroon daw sina Raymond Gutierrez, JC de Vera, Michelle Madrigal, Rhian Ramos, at ilan pa.

ADDITIONAL INFORMATION. Ayon sa isa pang source, habang nangyayari ang insidente ay biglang nawala si Marco Alcaraz, ang kasabay ni Aljur dumating. Pero ang bali-balita ay nagkita na raw ang dalawa at mukhang maayos naman sila.

Samantala, isang artistang nakakuwentuhan ng PEP ang nagsabing naroon siya sa Fiamma ng gabing iyon. Ang ganda nga raw ng mga kaganapan doon, parang “paradise” ang atmosphere, dahil nagsama-sama ang mga matagal nang hindi nagkikita. “Wala, nag-text-textan lang kami,” sabi niya.

Nang tanungin siya kung totoong may “kutusan” at “sakalan” na nangyari, itinanggi niya ito. Sabi ng artista, “Wala, wala akong nakitang ganyan. Nagpe-playfighting lang kami. Si Richard parang judo, ang iba boxing, kung ano-ano. Magkakaibigan kaming lahat.”

Sinabi rin ng artista na nakita niyang dumating si Aljur na “may mga kasama pero di ko na maalala.” Pero wala raw talaga siyang nakita sa sinasabing pananakit ni Richard kay Aljur. Ang nakita niya ay maraming models, foreigners, at kapwa artista doon na nagkakaigihan lahat.

Dahil nagbigay na ng statement si Richard, kung saan pinabulaanan niya ang unang report ng PEP, sinubukan din naming kunan ng pahayag ang GMA Artist Center, na siyang namamahala sa careers nina Aljur at Jewel. Pero ayon sa nakausap ng PEP, hindi muna raw sila magbibigay ng pahayag.

Nakatanggap din ng impormasyon ang PEP na isang meeting ang ginanap kagabi, October 28, sa tanggapan ng SVP for Entertainment TV ng GMA-7 na si Ms. Wilma Galvante. Humarap daw sina Aljur at Jewel kasama ang mga magulang nila kay Ms. Galvante upang ilahad ang kanilang panig. Ayon sa aming source, depende raw sa pag-uusap nila kung maglalabas ng official statement ang dalawang StarStruck graduates.

ERWIN SANTIAGO
Philippine Entertainment Portal

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: