Blind Item: “Komedyana, nasobrahan ang yabang?”

Maraming naaangasan sa komedyanang dikit nang dikit ngayon sa isang aktres na bida sa isang teleseryeng kinabibilangan niya, mula raw nang magkaroon na ng mga proyekto sa telebisyon ang komedyana ay sumobra na ang kanyang yabang, ang dahilan kung bakit gusto siyang bigyan ng mag-asawang sampal ng mga baklitang kasamahan niya sa mga comedy bar na pinupuwestuhan niya.

“Juice ko! Inaway niya ang isang kasamahan namin nang dahil lang sa micro­phone, hindi naman sinadyang mabagsak nung kasamahan namin ang mama­halin daw niyang mic, tinalakan na niya!

“Kung anu-ano nang masasakit na salita ng panlalait ang sinabi niya, akala mo na siya kung sino ngayon, maangas na siya dahil napasali siya sa isang TV series.

“Walang pinakamabait sa kanya ngayon kundi ang bida ng series na kasama siya, sumisipsip siya, para nga naman sa susunod na project ng sinisipsipan niya, join pa rin siya!

“Maraming naiinis sa kanya ngayon, sumobra na kasi ang kayabangan niya, samantalang dati, e, binabatuk-batukan nga lang siya dun!” kuwento ng aming impormante.

Marami ring nagsasabi na walang utang na loob ang nasabing komedyana, tinalikuran niya ang manager na nagpaka­hirap sa kanya, napaka­lakas pa raw ng loob niyang magsabi ngayon na ang mismong mana­ger niya ang nag-endorso sa kan­ya sa isang company para i-manage siya.

“Naku, hindi totoo yun! Masamang-masama ang loob sa kanya ng dating manager niya, tinuwaran niya yung tao, nagpa-manage siya dun sa kumpanya nang hindi man lang nagpapaalam sa taong nagpala sa kanya!” agad na sangga ng aming source.

Clue: Masarap kainin ang kanyang pangalan, matamis na matamis ang brand ng pagkaing kapa­ngalan niya, napaka­daling hulaan kung sino siya.

CRISTY FERMIN
Pilipino Star Ngayon

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: