Valerie Concepcion would love to work with her former Kapuso co-stars again

Valerie Concepcion would love to work with her former Kapuso co-stars again

“Sana naman matuloy, gusto ko ring makita ang mga dati kong kasamahan sa GMA. Maganda naman ang naging paalam ko sa kabila [GMA-7] kaya wala rin kaming naging problema ng mga dati kong kasama. Kaya sana matuloy ang movie namin ni Katrina,” says Valerie Concepcion about the movie One Night Only.

Second presscon na ang ibinigay ng Slenda for their endorser Valerie Concepcion earlier tonight, August 2, sa ABS-CBN compound. May bago kasing exercise DVD si Valerie to complement the said slimming product.

A co-host in Wowowee exactly one year ago—pumasok daw siya sa noontime show ni Willie Revillame noong August 1, 2007—muli siyang mapapanood sa big screen via the 2008 Metro Manila Film Festival entry of OctoArts, ang One Night Only co-starring Katrina Halili. Huling napanood si Valerie sa big screen si Valerie sa Supah Papalicious ng Star Cinema shown earlier this year.

Nagulat din si Valerie at ang manager niyang si Becky Aguila nang tinanong siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kung may katotohanang ipu-pull out ang mga Star Magic talents sa One Night Only.

“Wala pang nagsabi sa akin niyan,” sabi ni Becky. “Ang huling usapan namin, hinihintay na lang namin ang script. Kung totoo man ito, baka naman hindi kasali si Valerie dahil hindi naman siya Star Magic.”

Si Valerie naman ang tinanong namin tungkol dito. Hindi rin niya alam na may ganitong balita and she felt sad kung totoo man ito.

“Sana naman matuloy, gusto ko ring makita ang mga dati kong kasamahan sa GMA,” saad niya. “Maganda naman ang naging paalam ko sa kabila [GMA-7] kaya wala rin kaming naging problema ng mga dati kong kasama. Kaya sana matuloy ang movie namin ni Katrina.”

Dagdag ni Valerie, never naman naging problema sa kanya na makasama niya ang mga taga-GMA-7 dahil she remained friends and in contact with some of them.

DINNO ERECE
Philippine Entertainment Portal

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: