Valerie Concepcion astounded by rumor that she’s going back to GMA-7

Valerie Concepcion astounded by rumor that she's going back to GMA-7

“So, hindi po totoo. Wala pong katotohanan na babalik ako ng GMA-7, happy naman po ako rito bilang Kapamilya. Marami naman pong blessing na dumarating,” says Valerie Concepcion.

Mismong Si Valerie Concepcion na ang nag-inform na wala pa raw siyang bagong project na ginagawa ngayon, pero may bago raw siyang endorsement na ilo-launch. Nagulat at itinanggi rin niya ang nagiging topic sa isang forum na kunsaan, pinag-uusapan dito ang balitang babalik daw siya ng Kapuso network. At ang tanong nga ay kung dapat daw bang i-welcome muli si Valerie ng GMA-7.

GOING KAPUSO AGAIN? Obviously, nagulat ang isa sa mga co-host na ito ng Wowowee. Aniya, “Wala! Walang ganoon. Saan naman kaya nila nakuha yun?”

Siya na rin naman ang nag-isip ng posibleng dahilan.

“Baka kasi yung Banana Split namin, hindi pa rin lumalabas. Sabi nila July, na-move na naman ng August. So, yun ang hinihintay ko. Hopefully matuloy dahil may negotiation na movie for MMFF na sana matuloy for OctoArts.

“So, hindi po totoo. Wala pong katotohanan na babalik ako ng GMA-7, happy naman po ako rito bilang Kapamilya. Marami naman pong blessing na dumarating.”

Nasulat noon na isa siya sa mga pinagpipiliang young actress ng Dos para gumanap sa role na Betty La Fea. Nagpakita na siya ng matinding excitement when the entertainment press asked her reaction about it. But as it turned out, we all know na kay Bea Alonzo na nga napunta ang naturang soap-opera.

PEP asked Valerie kung nakaramdam ba siya ng frustration or disappointment because of that?

“Hindi naman…kasi, it wasn’t naman really…naririnig ko lang, usap-usapan, pero wala namang formal offer. At saka, dito sa Wowowee, hindi rin naman ako pinapayagan na mag-soap for some reasons. Puwede naman kaya lang, nagkakaroon ng conflict sa schedule. What if, hindi pumayag yung soap na mag-Wowowee muna ‘ko.

“Eh, siyempre, mas priority ko naman ang Wowowee, di ba?”

DIRTY OLD MEN. Natatawa naman si Valerie kung bakit may isyu naman daw sa kanyang mabenta siya ngayon sa mga D.O.M (dirty old men). Aniya, isang bagay raw ito na hindi naman niya ginagawa, ang pumatol nga sa mga D.O.M.

“Hindi ko talaga alam kung bakit may ganoong isyu. Kasi, like kapag may mga corporate events, kapag nagho-host ako, siguro may ilang executives, kakausapin nila ‘ko and they will say, ‘Hey, you’re so pretty in Wowowee.’ Ganoon, ganyan…parang nag-a-admire, but not really D.O.M. na nag-o-offer ng something.

“So far, wala pa naman akong nae-encounter na may mga D.O.M. na nag-o-offer.”

Ine-expect na raw niya na kapag nakuha na niya ang pangarap niyang makabili na ng sariling bahay para sa kanilang pamilya, tiyak na mas lalong lalabas ang isyu ng D.O.M. sa kanya.

“Handa na ‘ko sa magiging isyu, pero, okey lang, kasi kung malinis naman ang kunsensiya ko, na wala akong D.O.M. I don’t have to worry about everything.”

NO BOYFRIEND BECAUSE OF WOWOWEE? Five days naman na mawawala si Valerie at ang buong production ng Wowowee dahil magkakaroon sila ng show sa New Jersey. Mag-isa lang daw siyang aalis at kahit ang mommy niya ay hindi niya makakasama, but it has nothing to do with the ruling na bawal magsama ng boyfriend, na tulad nga ng in-impose na rule noon kay Lara Quigaman na siyang ikinaalis nito from the show. Nakita kasi ng host na si Willie Revillame ang boyfriend ng former beauty queen na nanonood ng show sa loob ng studio.

“Hindi naman…sa boyfriend, siyempre, I date, lumalabas din paminsan-minsan, pero, wala naman kasi talaga ‘kong boyfriend kaya hindi ko iniisip yun or mangyayari sa akin yun at saka, love ko yung trabaho ko, ‘no!” natatawa niyang sabi.

“”Yung sa mommy ko naman, puwede ko naman siyang isama kaya lang, naisip din niya since may plano nga kaming bumili ng bahay, e, huwag na lang sumama kasi, sayang din, di ba?”

ROSE GARCIA
Philippine Entertainment Portal

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: