KC Concepcion okay with interview with Bianca Gonzalez

KC Concepcion okay with interview with Bianca Gonzalez

“Oo naman. Nagkita na kami ni Bianca and okey naman siya, sobrang bait. No issue, sobrang okey sa akin si Bianca,” says KC Concepcion about her ex-boyfriend’s ex Bianca Gonzalez.

Naging honest si Sharon Cuneta sa pag-amin na iniwasan niya talaga na magkrus ang landas nila ng dating asawang si Gabby Concepcion sa nakaraang birthday bash ni Cristy Fermin. Ayon sa Megastar, para na rin daw iwas-intriga at huwag silang pagpiyestahang parang karnabal ng media kaya niya ginawa iyon.

Samu’t saring mga reaksyon ang natanggap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa naging aksyong ito ng Megastar, may ilang nagsabi na tama lang ang ginawa ni Ate Shawie para nga naman maiwasan na rin nito na patuloy na maungkat pa ang nakaraan nila ng ex-hubby. May ilan din namang nagsasabi na mukhang hindi pa raw yata nakaka-move on talaga ang aktres sa kinauwian ng pagsasama nila ni Gabby.

STILL HOPING. Sa nakaraang presscon ng For The First Time ng Star Cinema, agad naming hiningan ng reaksyon si KC Concepcion tungkol dito.

“Naiintindihan ko siya sa nararamdaman niya, naiintindihan ko yung gusto niyang mangyari at ayaw niyang mangyari, naiintindihan ko ang mom ko. Anyway, sobrang ‘di ako involved sa kung ano ang nangyari sa marriage nila, yung history nila or yung past nila. Basta ako, good vibes lang ako lagi. Talagang nandito ako para maging tulay sa kanilang dalawa at nangyari naman yun, nakapag-usap na rin sila at okey naman. Respeto na lang po sa pamilya namin.”

KC is not also closing the possibility na maaaring isang araw talaga ay magkita at makapag-usap uli ang mga magulang.

“Kung mangyayari yun, mangyayari talaga. We have faith in God, the fact na nandito yung papa ko after thirteen years, si God talaga ang gumagawa ng lahat ng yun. May plano si God sa relationship naming tatlo and bahala na lang talaga. Kung anuman ang mangyayari, Yun ang hahayaan naming mangyari.”

DUET WITH MEGA. Kumpirmado na may special number sina KC at Sharon sa Megathirty concert ni Ate Shawie kung saan, makikipag-duet si KC sa isang theme song ng isang pelikula ng mga magulang. Sa tanong namin kung okey ba sa kanya na pumunta ang ama at manood dito, heto ang pahayag sa PEP ni KC.

“Of course, welcome siya kung gusto niyang magpakita ng suporta. Yun nga lang may mga complications if ever na pumunta siya.

“May malaking surprise na hinanda sina Tito Louie Ocampo. Magdu-duet kami ng mom ko ng magandang kantang kilalang-kilala ng lahat. Basta may kuneksyon sa pagpasok niya sa pelikula bilang artista for the past thirty years.”

SWEETNESS WITH RICHARD. Kapansin-pansin ang sobrang sweetness nina KC at Richard na halos ‘di na umaalis ang kamay ng aktor sa bewang at kapansin-pansin din ang paghawak-hawak nito sa hita at braso ng kapareha. Aminado naman si KC na sobrang kumportable siya talaga sa aktor, marami siyang natutuhan dito pero sa ngayon ay ayaw nilang madaliin ang mga bagay-bagay.

“Kumportbale ako sa kanya and kumportable siya sa akin. Ang dami ko ring natutuhan kay Richard kasi matagal na rin siyang nagtatrabaho ditto. But more than that, masaya naman ako na nakapag-bonding nga kami and like he said, araw-araw may pinag-uusapan kaming magaganda, at masaya yung experience na first movie ko dahil masaya-masaya ‘ko. So thankful ako for that kasi forever ko na yung maaalala sa bawat pelikula na gagawin ko. Siyempre yung pinaka-first yung maaalala mo lagi.”

INTERVIEW WITH BIANCA. Open book that after Bianca Gonzalez and Direk Lino Cayetano’s relationship ay naging girlfriend ng huli si KC. ‘Di maiiwasang isipin na kahit papaano ay may rift sa pagitan nina Bianca at KC, bagay na agad nilinaw ni KC and nagbigay pa ito ng pahayag na handa siyang magpa-interview sa TV host kung saka-sakaling may ganitong oportunidad.

“Oo naman. Nagkita na kami ni Bianca and okey naman siya, sobrang bait. No issue, sobrang okey sa akin si Bianca.”

MELBA LLANERA
Philippine Entertainment Portal

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: