Katrina Halili joins the cast of GMA Films’ “Sundo” by special request

Katrina Halili joins the cast of GMA Films' "Sundo" by special request

Young sexy actress Katrina Halili will be part of Robin Padilla’s next movie for GMA Films, Sundo.

This Monday, August 4, ang story conference ng pinakabagong horror movie ng GMA Films, ang Sundo, from the same creative tandem behind Ouija, director Toffel Lee and scriptwriter Aloy Adlawan. It will star Robin Padilla in his first mainstream horror movie; isang suspense-thriller ang kanyang unang digital movie na Blackout with Iza Calzado noon.

Makakasama ni Robin sa Sundo sina Sunshine Dizon at Rhian Ramos. Upon Robin’s special request, ipinasok na rin sa movie si Katrina Halili.

Parang pinakinggan ng GMA Films ang patawang pagtatampo ni Katrina noong tinanong siya during her OctoArts Films launching kung bakit hindi sa GMA Films siya pumirma gayong Kapuso star siya. Ang naging sagot ng two-time FHM Sexiest Woman ay baka hindi raw interesado sa kanya ang film arm ng kanyang home studio.

Naipagpaalam na raw sa Octo Arts, kung saan pumirma si Katrina ng exclusive multi-picture contract, ang paggawa ng young sexy actress sa GMA Films. Mas mauuna pa nga itong magsimula at ipalabas kesa sa dalawang announced movies niya for OctoArts—ang One Night Only for the 2008 Metro Manila Film Festival at ang remake ng Miss X, na originally ay tinampukan ni Ms. Vilma Santos.

DINNO ERECE
Philippine Entertainment Portal

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: