Angeli Pangilinan and Annabelle Rama ends rift over Heart Evangelista

Angeli Pangilinan and Annabelle Rama ends rift over Heart Evangelista

Angeli Pangilinan saw Annabelle Rama with Eddie, Ruffa, and Raymond Gutierrez at the concert of her husband Gary Valenciano. She approached Annabelle, hugged her and said “I love you” to her. Angeli and Annabelle had a falling out when Heart Evangelista (a former talent of Angeli) transferred to Annabelle.

Hindi lingid sa showbiz ang pagkakaroon ng gap ng dalawang managers na sina Annabelle Rama at Angeli Pangilinan ng Genesis Entertainment. Nag-ugat ang kanilang hidwaan sa pag-alis ng dating talent ng Genesis Entertainment na si Heart Evangelista at lumipat ng pagma-manage kay Annabelle.

Ilang araw bago naganap ang second repeat ng His Love concert ng mister niyang si Gary Valenciano sa Music Museum (July 30 and 31), masayang ikinuwento ni Angeli ang pagbabati nila ni Annabelle.

Naganap ang pagbabati nina Angeli at Anabelle sa book launch ng Comedy King na si Dolphy titled Hindi Ko Ito Mararating Ng Mag-Isa sa The Fort, Taguig City, last week.

“Good news! Tita Anabelle and I hugged each other,” sabi ni Angeli sa text message na ipinadala niya sa amin.

Ang mister daw muna ni Annabelle na si Eddie Gutierrez ang nakakita kay Angeli. Bumati muna si Gary kay Eddie at saka sumunod si Angeli. That time wala pa si Annabelle nang maganap ang batian nila with Eddie.

Hanggang sa nakita ni Angeli si Annabelle na nakatalikod. Nilapitan ni Angeli si Annabelle at niyakap nang mahigpit, sabay sabi ng “I love you” sa nanay ni Ruffa Gutierrez.

“Tumawa si Ruffa. Sabi raw ni Tita Annabelle may tampuhan kami. Kasi she hugged me and said, ‘Hi, Angeli.’ Ruffa and Raymond [Gutierrez] are so happy. God is really good.”

Happy din si Angeli na nagkuwento about her new career. Public speaker na raw siya ngayon pagkatapos ng sunud-sunod na imbitasyon sa kanya sa iba’t ibang organizations.

Kamakailan ay nagsalita siya sa Muntinlupa Chamber of Commerce. Sumunod sa Diabetes Awareness week sa opening ng Coping With Diabetes sa Glorietta para sa Philippine Center for Diabetes Education Foundation.

She’s a board member now sa Association of Certified Public Accountants and Public Practice Accountancy Week Program (ACPAPP) with a theme of “Path of Life, Fullness of Joy.”

Kagagaling lang din ni Angeli sa matagumpay na concert ni Gary V sa Zamboanga ng His Love.

JULIE BONIFACIO
Philippine Entertainment Portal

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: