Ogie Alcasid defends “Pinoy Idol” against critics

Ogie Alcasid defends "Pinoy Idol" against critics

“I take all those things constructively. Opinyon ‘yan ng mga tao, na kailangang pinapakinggan din. Idol is such a huge franchise. A lot of expectations are going into it,” says Ogie Alcasid on criticism about Pinoy Idol.

Ibinalita ni Ogie Alcasid sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na all systems go na para sa nalalapit na 20th anniversary concert niya sa Araneta Coliseum, ang 20/20 sa September 27. Natutuwa nga si Ogie dahil ngayon pa lang, marami na raw ang bumibili at nagpapareserba ng tickets.

“Magge-guest siyempre si Regine Velasquez [Ogie’s girlfriend],” sabi ni Ogie. “Kasama sina Gary Valenciano, Piolo Pascual, Michael V., Marian Rivera, Kyla, Jaya, and more.”

OGIIE’S OPM ALBUM. Finally, nag-number one na sa charts at airplays ang carrier single ni Ogie na “Kung Sakali.” Kabilang ito sa iba pang revivals sa hit album niya na The Great Filipino Song Book produced by Universal Records. Alay ito ni Ogie sa mga kompositor na nakaimpluwensiya nang husto sa kanyang musika, gaya nina Ryan Cayabyab, Rey Valera, Willy Cruz, George Canseco, Louie Ocampo, at iba pa.

“Personal favorites ko sa album yung songs ni Rey Valera,” pag-amin ni Ogie. “Kay Vic Sotto yung ‘Kung Sakali,’ and I like it. Naaalala ko noong kinakanta pa yun ni Pabs Dadivas. Ang lakas-lakas niya sa radyo, at maski sa malls kapag nagpu-promote ako, nararamdaman ko ang pagtanggap ng mga tao, and I’m so happy.

“Sa YouTube nga, I’m so surprised, maganda ang comments ng mga bata. Nakakatuwa dahil maganda ang response doon sa ‘Kung Sakali’, lalo na’t yung music video, kami ni Marian Rivera ang magkasama, di ba?” nangingiting banggit ng singer-songwriter.

Gustong magbalik ni Ogie sa pinagkunan ng inspirasyon niya sa paggawa ng mga awitin.

“Mas kilala na kasi ako ngayon as a songwriter,” sabi niya. “First love ko, singing, kaya gusto ko lang balikan. Palagay ko, okey naman ang response ng new generation. For the past twenty years din kasi, tinutugtog ako. Ngayon, inilabas itong bagong album at yung carrier single, talagang marami ang nagre-request. Mukhang tanggap siya ng mga kabataan. Nasa approach din. Binago ko kasi ang interpretation. Mahirap tularan yung mga original, so I have to sing it na magaan lang pakinggan.”

CELEBRITY DUETS. Naibalita ni Ogie na ibabalik din pala ang Celebrity Duets nila ni Regine. Magkakaroon ito ng Season 2 pagkatapos ng Pinoy Idol, kung saan isa sa judges si Ogie, at pagkatapos din ng Ako si Kim Samsoon na si Regine naman ang bida.

“This is why nahirapan kaming isingit ang schedule para sa movie na dapat ay gagawin namin ni Regine for Viva and GMA Films,” ani Ogie. “Hindi ko rin alam kung ano ang pupuwedeng mangyari. Let’s just wait and see, kasi tingnan mo naman ang support sa amin ng GMA-7. Pareho kaming hindi na nawawalan ng trabaho ni Regine, kaya yung ibang offers, talagang mahirap isingit.”

PINOY IDOL. Speaking of Pinoy Idol, kung anu-anong batikos na ang tinatanggap ng programang ito. Ano ang masasabi ni Ogie about it?

“I take all those things constructively,” sagot niya. “Opinyon ‘yan ng mga tao, na kailangang pinapakinggan din. Idol is such a huge franchise. A lot of expectations are going into it.

“Mayroon namang positive comments. Lately, medyo gumaganda na ang mga nasasabi, kaya ibig sabihin, we’re taking the criticisms well. We’re learning.

“Yung mga batikos kina Jolina [Magdangal] at Wyngard [Tracy], ang tingin ko kasi riyan, walang maling comments. Opinyon ‘yan na dapat ay nirerespeto rin naman natin. Kung sinasabi rin ng iba na mali ang sinabi ni Jolens o ni Wyngard, rerespetuhin din namain yun. Marami rin kasing factors that we have to consider.

“Habang naroroon kami sa gala, iba yung tunog. Sa TV, iba rin yung tapon. May aspects na ganoon that we really have to consider. All in all, maganda ang resulta ng ratings namin, kaya happy na rin kami roon.”

Very frustrated si Ogie kapag may napapatalsik na mas deserving contestants, na ma-retain sana sa Pinoy Idol.

“I can’t hide the feeling,” sabi niya. “Wala naman sigurong bayarang nangyayari, kasi malinaw naman ‘yan na text votes ang pagbabasehan ng lahat. Nakakalimutan lang ng ibang contestants na hindi lang ito talent search. You really have to campaign. It’s part of the mechanics.

“Ngayon, kung hindi ka nangampanya, matatanggal ka. Si Gian Magdangal sa Philippine Idol, binanggit niya ‘yan sa akin, na on his own, kailangan niyang mangampanya. Ganoon din sa American Idol. Kung walang bumoboto roon sa magagaling, baka may kasalanan din sila. Hindi puwedeng mag-rely na lang sila sa galing nila,” paliwanag ni Ogie.

ARCHIE DE CALMA
Philippine Entertainment Portal

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: