Jake Cuenca not bothered by not so warm reception he received in “Blackout”

Jake Cuenca not bothered by not so warm reception he received in "Blackout"

“Naiintindihan ko naman na hinahanap nila ang ginawa ko dati, pero, naging test din naman po sa akin ito na at the end of the day, parang siyempre, nandoon yung question sa utak ko na baka tinitilian lang nila ako dahil naghubad ako. Pero, alam ko naman po na ang mga taong nagpupunta sa Bench fashion show, gustong makakita ng naka-brief. Doon ako masaya,” says Jake Cuenca.

Nakapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) noong July 30, ang young actor na si Jake Cuenca bago ito umalis patungong Amerika for his 10 days stint with the Coverboys in a series of shows na gagawin nila sa iba’t ibang lugar doon.

AFTER THE BLACKOUT. Kinumusta agad ng PEP si Jake after ng naganap na Blackout fashion show ng Bench. Aniya, masaya raw siya sa nangyari rito.

“Okay! Masayang-masaya po ako sa nangyari sa Bench. Siyempre, masaya rin ako na masaya ang network ko sa akin. Napaka-weird nung night. Siyempre, ang daming pressures sa lahat ng artista, pero, masayang-masaya po ako sa lahat ng nangyari.”

Naramdaman ba naman niya na naging fair ang Bench sa kanilang lahat na celebrity endorsers nito?

“Sobra! Sa akin, bale, binigyan po ako ng dalawang finale spot at salamat sa Diyos na sa dalawang finale spot ko naman po, mukhang nagustuhan naman ng mga tao. In fairness, nakadamit naman po ako roon at hindi ako naka-brief, kaya sabi ko, masayang-masaya ako. Sabi ko nga, ako po kasi, pagdating sa Bench, ibibigay ko pong lahat dahil nagsimula naman talaga ang lahat ng ito sa Bench, e.

“Doon ako nakita, doon ako nadiskubre…”

WHERE IS “DARING”? Pinaalala ng PEP kay Jake na sa huling interview namin sa kanya, nagpahayag siya na more daring Jake ang puwedeng mapanood sa kanya. So, what happened at obviously, ‘di hamak na napaka-tame ng ginawa niya ngayon kung ikukumpara sa Bench Fever two years ago?

“‘Yun nga, e…yun nga. Pero siyempre, ibinigay ko na po yun sa mga taong nag-underwear. Hindi naman po ako pupunta roon para manapaw ng ibang stars. Siguro, yung ipinakita ko po roon, yun lang naman po ang kulang na hindi ko pa ipinapakita, e. Bale, nagawa ko na ang lahat.

“What I did is, nag-50/50 ako at hindi ako nag-overboard tulad ng palagi kong ginagawa. Pero, siyempre ano rin, hindi ako magdi-disappoint ng mga taong nag-aabang, naghihintay ng gimmick. Sa tingin ko, hindi ko naman sila nabigo dahil wala naman po akong naririnig na masama.”

COMPETITION AMONG MODELS. Ika-apat na Bench event na raw ito na kasama si Jake. Posible nga raw at hindi maiiwasang may kumpetisyon talaga sa pagrampa. Although, personally, hindi raw siya nakikipag-compete kahit kanino.

“Ako po, personally, hindi po ako nakikipagkumpitensiya. Kasi ako po, bago po ako makipagkumpitensiya, gusto ko munang maayos ang trabaho ko. Bago ko makipag-compete sa kanila gusto ko na maayos ko muna ang trabaho ko. At yun naman ang tinitingnan ko palagi, ang trabaho ko.”

Pero dugtong din niya, “Siyempre, meron…may healthy competition, pero, more than anything else, ako kasi, ayoko ng nakikipagkumpitensiya dahil nakakaragdag lang ng pressure. Siyempre, kapag nagko-compete ka, masyado kang nagmamadali. At the end of the day, madarapa ka rin sa kakamadali mo. Mas mainam na yung iniisip mo lang kung ano ang kailangan mong gawin.”

NOT AS WARM. Bagama’t masasabing isa si Jake sa mga artistang nakatanggap ng tili at palakpak, hindi maitatanggi na meron pa ring nagsasabi na hindi na raw kasing-init ng mga natanggap niya sa kanyang mga nakaraang pagrampa ang na-receive niya ngayong tili’t palakpak.

Pero para kay Jake, “Basta ako, masayang-masaya na ako sa naging reaction ng tao sa akin. At masaya ako dahil nandoon ang nanay ko, tatay ko. First time nila kong nakita sa ganoong klase ng environment. At pag-uwi ko naman, proud naman sila sa akin.

“At maging ang mga tao sa ABS, they called me, they said, it was a good show. At least daw, hindi ako sumobra. Masaya! Everyone was happy.”

As compared sa last year, mas happy raw siya na kahit may damit siyang rumampa ngayon, nandoon pa rin daw pala ang magandang pagtanggap sa kanya ng mga manonood.

“May nabasa nga ako sa isang diyaryo na laos na daw kami nina Sam [Milby], nina Diether [Ocampo]…ang sa akin lang, hindi ako mag-e-elaborate kung tinilian ako or hindi. Napakapangit naman no’n. Siguro doon na lang tayo sa rami ng tao sa Araneta. Since sold-out siya, alam nila ang totoong nangyari at lahat naman, happy.

“Naiintindihan ko naman na hinahanap nila ang ginawa ko dati, pero, naging test din naman po sa akin ito na at the end of the day, parang siyempre, nandoon yung question sa utak ko na baka tinitilian lang nila ako dahil naghubad ako. Pero, alam ko naman po na ang mga taong nagpupunta sa Bench fashion show, gustong makakita ng naka-brief.

“Doon ako masaya…” sey nga niya.

KARMA. May naglitanya pa raw na “karma” niya kung hindi man nga siya tinilian ngayon as compared before sa Bench?

“Kung meron man nagsasabi na kinarma ako sa Bench fashion show, nagpapasalamat ako dahil napakaganda ng karma ko nung gabing yun dahil lahat ng gusto kong mangyari ay nangyari nung gabing yun.

“Well, all I could say is I’m happy with what happened with Bench. I gave my best and I gave my 100% at na-appreciate ko po ang suporta ng gabing yun sa Araneta.”

Bago namaalam ay binanggit nito na pag-uwi niya from the States ay sisimulan na niya ang pagsasamahan nilang soap opera ni Shaina Magdayao.

ROSE GARCIA
Philippine Entertainment Portal

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: