Dingdong Dantes doesn’t want to talk about Annabelle Rama’s comments regarding “Blackout”

Dingdong Dantes doesn't want to talk about Annabelle Rama's comments regarding "Blackout"

“I do not know her that much to criticize or to judge her feelings towards what happened, that’s why, I do not want to talk anything about that,” says Dingdong Dantes.

Few days after the Blackout: Bench Denims and Underwear Show sa Araneta Coliseum ay patuloy pa ring pinag-uusapan ang isyung kung sino raw ang mas pinalakpakan nang husto.

Last July 30, sa grand opening ng Centerstage Jupiter Place, sa Jupiter St., Bel-Air Makati City ay nakapanayam nga PEP (Philippine Entertainment Portal) ang hottest star at hottest topic ngayon na si Dingdong Dantes. He was with his girlfriend Karylle, and other business partners na siyang may-ari pa rin ng second and newest branch ng Centerstage, the first one is located at Timog corner Tomas Morato in Quezon City.

BLACKOUT COMMENTS. Sa puntong yun, hindi na nga maiiwasan ni Dingdong na kahit paano ay magbigay ng ilang comment din sa kasalukuyang mga naglalabasan sa kauna-unahang pagrampa niya sa isang Bench fashion show.

Umpisa pa lang, Dingdong told PEP, “Masaya ko sa nangyari sa fashion show. After knowing yung response ng tao pagkatapos mismo ng fashion show. Pero during that time [the show itself], wala talaga akong kaalam-alam talaga kasi nga yung focus ko, sa pagrampa ko.

“Kumbaga, lahat ng comments, these are all comments. Kumbaga, iba-ibang tao ang nagsasabi sa akin. Maaaring yung nagsabi sa akin, yun ang tumili. Walang nagsabi sa akin na tumili. Lahat sinasabi nila, nagustuhan nila.

“But on the other hand, para sa akin, hindi importante sa akin kung ano ang naging reaction. Basta ginawa ko ang kailangan kong gawin as a model. Nag-rehearse naman ako.”

Speaking of rehearsal, wala raw lihim sa naganap niyang pagre-rehearsal.

“Hindi lihim yun. I even rehearsed on the day itself. I don’t think, there’s an artist who rehearsed on the day [of the show] itself. Pero, ako, nag-rehearse pa ‘ko sa mismong araw na yun.”

UNFAIR TREATMENT. Two days after ng Bench event, lumabas na ang isyung hindi raw naging fair ang Bench sa kanilang mga celebrity endorsers, most especially sa exposures ng pagrampa ng mga artista, ano’ng masasabi niya sa bagay na ito?

“You know what, Bench is an institution. It’s a global company that wouldn’t engage itself to intrigues or whatever that will jeopardize its beauty or the brand. They should know better.

“Para sa akin, hindi sila magpapagulo kahit kanino, lalo na sa akin na bago lang ako. Sino ba naman ako? Bago lang ako sa Bench family. Ako, I gave what was assigned to me. With artistry and taste, para sa akin, yun lang…kasi, meron akong gustong gawin. Meron akong gustong patunayan and it ends there, without meron akong gustong patunayan sa iba, wala…kundi para sa sarili ko lang.”

OWN OPINION. Kinuhanan na rin ng PEP ng reaction si Dingdong sa statement diumano ni Annabelle Rama na kaya raw hindi niya pinahintulutang makasabay sa finale number ng anak na si Richard Gutierrez sina Dingdong at Piolo Pascual ay sa dahilang mas matanda na raw ang dalawa sa anak niya at ‘di hamak naman daw na mas bigger star si Richard than the two.

Sey ni Dingdong, “People will always have their own interpretation. And I respect that. What matters most to me is that ginawa ko kung ano ang gusto ko. Allowed, verified and patented by Bench. Para sa akin, that’s all that matters. Nag-enjoy ako. Nag-enjoy ang pamilya ko. Nag-enjoy ang mga mahal ko sa buhay na nanonood. Para sa akin, yun ang importante dahil nang rumarampa ako, wala naman akong ibang naririnig.”

Dugtong pa niya, “People will always have their own opinion no matter what. Even the best thing in the world, may be the worse for other people. As long as, for those who believe that this is good, as long as it matters… and for me, I believe that what happened to me was good. For people na nandoon para tumangkilik, it was good din and thank you sa kanila.”

SABOTAGE. Sa lahat nang ito, hindi na maitatanggi na sa kanya bumabagsak yung isyu na tipong may pinaboran daw ang Bench among them kung kaya’t tila may nasabotahe raw or nadehado.

Pero ayon nga kay Dingdong, hindi naman daw siya naniniwala sa bagay na ito.

“Unang-una, I don’t believe na may sabotage na nangyari. Because kung meron man, kahit ako, hindi ako papayag. Because in everything that I do, I’m fair. With what explained to us, we just follow all the rules and wala namang nangyaring ganoon.”

How does he feel now with Richard’s mom, Annabelle?

“I do not know her that much to criticize or to judge her feelings towards what happened, that’s why, I do not want to talk anything about that.”

How about Richard?

“Richard never said any bad things about me. Since he started, I’ve been his supporter. In fact, bilib ako on how he handles his career. Even before the show, we’ve been supporting each other.”

Nagbigay rin naman ng pahayag si Richard na happy siya for whatever is happening to Dingdong’s career. In fact, during the Bench event, nag-wish pa nga raw ito ng good luck at nag-congratulate din after.

“Oh, yes, ako rin naman…In fact, in every endeavor of his, kino-congratulate ko siya because we’re on the same industry. I know he has his own niche and to his niche, he excels. No one else will replace him. Nag-umpisa siya, inalagaan niya at nag-iisa siya riyan.”

TEAMMATES THAN RIVALS. Obviously, hindi na nga maiwasang silang dalawa ngayon ang pinagkukumpitensiya. Parang sa bawat gagawin nila, nandoon ang tila “pagsasabong” sa kanilang dalawa. Ano’ng masasabi niya sa bagay na ito?

“Alam n’yo, sana huwag, e…kasi, ako I consider ourselves as teammates rather than rivals. The truth is, we’re on the same network. So…in fact, naging director pa niya ‘ko nang maging star siya ng Kakabakaba. At noon pa lang, nakita ko na ang potensiyal niya and honestly, natutuwa ako sa lahat ng nangyayari.

“I believe we’re part of the same team, so, sana huwag naman lagyan na parang pag-personalin kaming dalawa.”

LOOKING AT THE BRIGHTER SIDE. Noon pa ma’y sinabi na niyang pinaghahandaan niya nang husto ang Bench fashion show. Isang buwan siya halos na under his trainor, gym, at talagang sobrang strict diet, reason naman kung bakit na-achieve nga niya ang kanyang desirable body. In fact, ang mga tao na sa paligid niya at that time ang tila naaawa sa ginagawa niyang sakripisyo at preparation, pero, heto nga ngayon at obviously, naiintriga pa ang anumang magandang response or sukli ng mga tao sa ginawa niya.

Was he hurt by all these?

“Hindi ko alam, eh… I feel that instead of us, pondering on the time na ma-hurt tayo, dapat hindi, eh. Dapat we should actually look at the brighter side of it. Na there’s a possibility for us na magkasama-sama na kaming mga Kapuso at Kapamilya. Kasi, bihirang mangyari yun. Let just do it for fun.

“Malayo kasi sa interpretasyon nila yun. Nirerespeto ko yun. Wala akong kinokontra. But at the end of the day, there are facts and there are people who will attest to what they believed in. So, hindi natin puwedeng baguhin yun. But, I do not take it against anybody.

“At the end of the day, I will respect kung anuman ang sabihin nila, much more, my friendship with the gentleman, Richard Gutierrez,”

Sa huli, PEP asked Dingdong kung ano naman ang mensahe niya sa mga detractors niya?

Aniya, “In the end, the truth shall prevail,” very educated nga niyang mga pahayag.

ROSE GARCIA
Philippine Entertainment Portal

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: