Ryan Agoncillo’s guest stint on “Eat Bulaga!” canceled

Ryan Agoncillo's guest stint on "Eat Bulaga!" canceled
TV host-actor Ryan Agoncillo was supposed to guest today, July 31, on Eat Bulaga! to promote the program’s Los Angeles show. But it was canceled because it might affect his upcoming shows in ABS-CBN.

Nakatanggap ng text mesaage ang PEP (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa guesting ni Ryan Agoncillo sa Eat Bulaga! ngayong araw, July 31, para i-promote ang airing ng Eat Bulaga! Grand Fiesta Special na ginawa sa Los Angeles Sports Arena noong July 19. Mapapanood na kasi sa GMA-7 sa August 2 and 4, Saturday and Monday, ang naturang palabas kung saan nag-guest si Ryan at ang kanyang fianceé na si Judy Ann Santos.

Isa pang rason ng guesting ni Ryan dapat sa Eat Bulaga! ay para mag-host ng segment na “Sa Pula, Sa Puti” kung saan sila ni Judy Ann ang host nito sa show sa Los Angeles.

Bago pa masulat ng PEP ang tungkol doon, isa uling text ang natanggap namin at ipinaalam na hindi na matutuloy ang guesting ni Ryan sa Eat Bulaga! mamaya. Hindi raw pinayagan si Ryan dahil baka maapektuhan ang dalawang shows niya sa ABS-CBN.

Naintindihan ng TAPE lady boss na si Ms. Malou Choa-Fagar ang sitwasyon ni Ryan. Sabi niya, “If it will endanger Ryan’s position in ABS-CBN, we understand. But we’re open to Ryan, any time he’s safe to guest in Eat Bulaga.”

Pero mukhang matagagalan maging “safe” si Ryan para makapag-guest sa Eat Bulaga! dahil magiging busy siya sa dalawang shows niya sa ABS-CBN at isang show sa TV5 (formerly ABC-5).

Sa Friday, August 1, ipakikilala na si Ryan as the host of Pinoy Fear Factor. Ang balita ay sa first week na ng August ang alis niya at kanyang crew para mag-shoot sa isang bansa sa South America. Si Ryan din ang gaganap na bida sa TV remake ng Pieta.

Sa TV5 naman, siya ang host ng Talentadong Pinoy, ang Filipino adaptation ng 30 Seconds To Fame. Isa ang talent show sa maraming shows na ilu-launch ng network via a musical extravaganza on August 9.

Hindi pa kasama sa calendar ni Ryan ang pelikulang gagawin nila ni Judy Ann sa Regal Entertainment, to be directed by Joey Reyes. Pero paano pa kaya maisisingit ito ni Ryan gayong kaliwa’t kanan ang projects niya?

NITZ MIRALLES
Philippine Entertainment Portal

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: