Rhian Ramos says sexy photos on the Net are from “Marimar” audition, not from Singapore pictorial

Rhian Ramos says sexy photos on the Net are from "Marimar" audition, not from Singapore pictorial

“I remember those photos na. Kuha ‘yan when I auditioned for Marimar last year. That happened in one of the studios in GMA-7. Hindi kuha ‘yan sa Singapore,” says Rhian Ramos the sexy photos (insets) that came out on the Net.

May mga kumakalat na sexy photos sa Internet ang isa sa mga bida ng pelikulang I.T.A.L.Y. (I Trust And Love You) ng GMA Films na si Rhian Ramos. May titulo na “Tikiman Sa Singapore” ang naka-attach sa mga photos na ito ni Rhian.

Ayon sa blog site kung saan matatagpuan ang mga naturang larawan ni Rhian—pero naka-block na ito ngayon—ay mga kuha raw ‘yon nang magpunta ang young actress sa Singapore kasama ang celebrity lensman na si Jay Tablante. May ginawa raw sila roon na special pictorial at may mga na-involve pang ibang mga pangalan ng mga lalake.

Ipinakita ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Rhian ang mga litrato niya at naalala niya kung saan galing ang mga sexy photos na ‘yon, kung saan nakasuot siya ng puting Swiss eyelet-laced top at puting sarong.

“I remember those photos na. Kuha ‘yan when I auditioned for Marimar last year. That happened in one of the studios in GMA-7. Hindi kuha ‘yan sa Singapore. Noong unang nasabi sa akin about these photos, hindi ko na ma-remember kung kelan ako nag-pose nang sexy. Never pa naman ako nagpapakuha na naka-two piece bikini. Now, that I’ve seen the photos, alam ko na.

“When they asked me nga to audition, wala akong dalang ganyang ka-sexy na damit. E, kailangan pala kaya sila na nag-provide. Sa totoo lang, I was really nervous noong pinasuot nila sa akin ‘yan. Kaya noong nasa dressing room ako, just for fun na mawala ang kaba ko for the audition, nagpakuha ako sa camera phone ko. Kumbaga, I was just playing around. Kasama ko pa nga ang isang stylist na kumuha ng picture.

“‘Tsaka kung ano ‘yang suot ko, pinasuot din nila ‘yan sa ibang nag-audition for Marimar. Well, eventually the role when to Marian Rivera. Kaya old na ang mga photos na ‘yan,” lahad ni Rhian nang makusap siya ng PEP sa second presscon ng I.T.A.L.Y. kagabi, July 28, sa 7101 Island Cruise na nakadaong sa Pier 6 ng Manila North Harbor.

May idea na raw si Rhian kung paano kumalat ang personal photos niyang ito.

“Nawala kasi yung phone ko na laman ang mga pictures na ‘yan,” paliwanag ni Rhian. “I don’t know if somebody stole my phone or na-misplace ko and somebody hacked into it kaya nakuha nila ang mga laman ng phone ko. Nakalimutan ko na nga ang mga photos na ‘yan, e. Plus, hindi lang naman mga pictures ang nakuha nila roon but a lot of text messages from friends na kabiruan ko. So yun ang reason why this it all happening again sa akin.”

Hindi kasi ito ang unang pagkakataon na nasangkot si Rhian sa mga ganitong klaseng intriga. Ayon kay Rhian, hindi na siya magpapaapekto sa mga taong gustong sumira ng kanyang pangalan.

“I don’t want to get affected anymore kasi alam ko na natutuwa sila kapag umiiyak ako sa TV or nagagalit ako. Para kasing napagbibigyan ko sila. I’m praying for them na lang. Bahala na ang Diyos sa mga ginagawa nila sa akin at sa ibang tao.

“Basta ako, I’m working and doing what I know is best. If that is not enough for them, it’s fine. As long as wala akong nasasaktan na mga tao, nothing can break my spirit,” pahayag ni Rhian.

RUEL MENDOZA
Philippine Entertainment Portal

1 Comment »

  1. 1

    rhian ang ganda2x mo……………………
    idol na idol talaga kita!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
    be lated happy birthday………….
    good job……………..
    kumusta mo na lang me kay jc de veyra


RSS Feed for this entry

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: