Maricar de Mesa and husband Don Allado experiencing marital problems

Maricar de Mesa and husband Don Allado experiencing marital problems

“Ayoko nga sanang magkuwento dahil baka kung anu-ano ang maging interpretation, pero ayoko namang magsinungaling. Hindi nga kami masyadong nakakapag-usap, at nasa States nga siya. Parang ngayon lang yata nangyari ang ganito,” says Maricar de Mesa when asked about the status of her marriage with Talk N’ Text player Don Allado.

Isang taon at kalahati nang kasal si Maricar de Mesa kay Don Allado ng Talk n’ Text basketball team, pero wala pa silang anak. Ayon kay Maricar, kapwa raw hindi pa sila ready na magka-baby.

Pero napag-alaman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) mula mismo kay Maricar nang dumalaw kami sa set ng Dyosa, sa taping nito sa Trinoma, kung saan gumaganap bilang isa sa mga kontrabida ang aktres, na medyo may problema silang mag-asawa.

“Nagpaalam naman siya sa akin na aalis siya, pupunta muna sa States,” kuwento ni Maricar. “Parang may LQ [lovers quarrel] kami, pero hindi ko naman maintindihan, kasi, two weeks na kaming hindi nagkakausap man lang.

“Ayoko nga sanang magkuwento dahil baka kung anu-ano ang maging interpretation, pero ayoko namang magsinungaling. Hindi nga kami masyadong nakakapag-usap, at nasa States nga siya. Parang ngayon lang yata nangyari ang ganito,” pagtatapat pa ni Maricar.

NO IDEA. Bago sila nagpakasal ni Don, naging mag-on muna sila ng boyfriend niya for four years.

“I don’t exactly know if we really need space. Kasi, mula nang maging mag-boyfriend kami, lagi kaming magkasama. Halos magkadikit kami. ‘Tapos, mararanasan namin itong two weeks, hindi kami magkasama, hindi man lang nakakapag-usap.

“I feel naman na hindi ito seryoso. May misunderstanding kami noon, pero maliliit na bagay lang, na napapalagpas namin.

“Nagkataong off-season siya sa basketball kaya walang laro, so he asked naman my permission kung puwede siyang mag-Amerika muna. Para ngang napilitan pa siya alukin ako para sumama, e. Alam niyang hindi naman akong makakasama dahil may commitments ako, lalo na itong sa Dyosa, na marami pa naman akong mga eksena rito,” pahayag ni Maricar.

Nakakalungkot nga raw sa bahay nila. Kadalasan, wala pa siya sa bahay nila dahil nagtatrabaho siya.

“Inaasahan ko na lang na babalik siya this August dahil kailangan na rin nilang mag-practice sa basketball.

“No, there’s no third party involved. Wala. Hindi ko naman puwedeng sabihing basta na lang kami nagkasawaan.

“May nagsasabing baka ang kulang sa amin ay ang magka-baby. Pero, pareho naman kaming hindi pa ready para doon. Maski siya, sinasabi niya, pero kung nariyan na rin naman, bakit hindi namin aalagaan yung baby at palalakihin, di ba?

“Kaso nga, ang iniisip ko, ayoko rin yung magkakaanak, ‘tapos, baka mayroong hindi magandang mangyari, maghihiwalay. Sometimes, naiisip ko rin ang bagay na ‘yan,” pagtatapat pa ni Maricar.

May kumakalat na chika na isa nga raw sa kanila ni Don ay baog.

“Wala naman siguro. Basta ako, nagpa-check ako sa doctor, wala raw akong diperensiya. Healthy ako. Sinabi ko nga sa kanya, bakit hindi siya magpa-check? Masyado rin kasi siyang naging busy sa basketball noon, kaya hindi pa siya nakakapag-medical check up,” sabi pa niya.

Paano kung malaman niyang may anak pala sa ibang babae si Don?

“Hindi ko matatanggap,” at biglang lumamlam ang mga mata ni Maricar. “Nilinaw na niya sa akin ang lahat-lahat ng posibleng magkasabit siya, pero wala talaga. Huwag lang sanang mangyari na may ganoon.”

TURNING COLD. Dumating nga sa puntong maliliit na bagay, napagtataasan na nila ng boses. Dito nag-umpisang magkaroon ng tila panlalamig sila sa isa’t isa.

“Ang lagi ko kasing naiisip, siya rin ang susuko. Laging ganoon kasi. I have the stronger personality. Naiisip ko palagi, siya naman ang susuko. But, this time, it’s different. Ang alam ko, nasa L.A. siya ngayon at nagbabakasyon, pero matagal-tagal na ang two weeks,” sabi pa ng aktres.

Hindi pa rin nga raw alam ng mommy niya ang tungkol sa sitwasyon nila. Ayaw naman niyang magpakapraning tungkol dito, kaya isinusubsob ni Maricar ang sarili sa trabaho, sa taping ng Dyosa at katatapos lang din niya ng indie film from Viva, ang Torotot, na dinirek ni Maryo J. delos Reyes, kung saan gumanap siya bilang nilokong asawa ni Anton Bernardo.

ARCHIE DE CALMA
Philippine Entertainment Portal

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: