Dennis Trillo on Cristine Reyes: “Magkaibigan lang talaga kami.”

"Magkaibigan lang talaga kami."

Sa panayam ng PEP kay Cristine Reyes na inilabas noong ika-24 ng Hulyo, heto ang sinabi ng dalaga tungkol sa relasyon nila ni Dennis Trilli (in photo): “Hindi pa nga po officially, pero ganoon na rin po iyon, hindi ba?”

Hindi pa naman daw ganoon kalalim ang friendship na namamagitan kina Dennis Trillo at Cristine Reyes. Nasabi ito ni Deenis noong nakausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng I.T.A.L.Y. (I Trust and Love You), na ginanap sa 7107 Island Cruise sa Pier 6 ng Maynila.

Ayon sa aktor, may pinagsamahan sila ni Cristine, pero hindi sapat na dahilan yun para humantong ang lahat sa mas malalim na relasyon.

“Alam din natin na may gulong nangyari dati,” ang sabi ni Dennis. “Naayos na yun, kaya okey na sa amin ni A’a [Cristine] yung ganito, nagkikita kami…Pero hindi totoong may malalim na kaming relasyon. Magkaibigan lang talaga kami.”

Very vocal si Cristine sa pagkukuwento tungkol estado ng pagkakaibigan nila ni Dennis. Okey naman daw sila ni Dennis ngayon, pero ang interpretasyon sa mga sinasabi ng dalaga ay mayroon na ngang developments sa kanila.

“Magkaiba naman kasi kami ni Cristine. As much as possible, gusto kong maging pribadong tao. Ganoon lang,” ang sabi ng Kapuso talent.

Dagdag pa niya, “Pagdating doon sa mga sinasabi niya, hindi ko naman mai-express yun ng ganoon din. Ayoko ring ma-misinterpret, as much as possible.”

Alam naman ng karamihan na medyo marami ang hindi nagkakagusto sa ugnayan nila ni Cristine kaya’t negatibo ang dating nito. Hindi kaya, parang umiiwas si Dennis sa anumang maging epekto nito sa career niya?

“Hindi ko alam,” pakiusap na lang ni Dennis. “Siguro, hindi ko na lang sasagutin. Pasensya na. Hindi lang magandang sagutin. Wala naman kasing pressure. Okey lang kami ni Cristine.”

Pero hindi man magsalita si Dennis, halata naman na gusto nitong ipaglaban si Cristine.

“Ganoon naman kasi dapat, eh. Yung friendship, ipaglalaban ko pa rin. Marami kasing negative na naririnig at nasusulat, kaya kung ano yung totoo, yun lang ang sinasabi ko,” tahasang sabi pa ni Dennis.

Gustong linawin ni Dennis na hindi niya kinokontra ang sinasabi ni Cristine.

Aniya, “Hindi lang ako basta nagku-comment. Sabi ko nga, iba ako sa kanya. Kasi, iba-iba ang pupuwedeng sabihin, at nag-iingat lang naman ako. There was a time na hindi nga kami madalas magkita. Pero, hindi ko sinasbaing hindi na kami nagkikita. Ayoko lang pag-usapan, kasi, makatutulong ba yun sa akin, dito sa movie namin, o maski sa kanya?”

Pero hindi rin naman kasi maiiwasang tanungin siya tungkol sa nakababatang kapatid ni AraMina dahil yung huling balita, nakita pa silang magkasama.

“Napapasama lang kasi, inilalabas ng kabilang network. Wala naman silang ginawa kung hindi pasamain ang image ng artista. Kasama lang ‘yan sa network war! Nalalagyan ng malisya. Maliliit na bagay, pinupuna, para makitaan ng butas. Trabaho nila yun, kaya okey lang,” paliwanag niya.

Magtatapos na ang Magdusa Ka at ang kasunod nito ay Gagambino, kung saan si Dennis ang magdadala ng naturang project. Si Katrina Halili pa rin daw ang leading lady niya sa bagong teleseryeng ito ng GMA-7, na pang-primetime na.

“Ipapalabas na rin daw yung sa amin ni Judy Ann [Santos], yung Kulam,” dugtong pa ni Dennis. “Horror yun, na natagalan din kami sa pagtatapos niyon.”

ARCHIE DE CALMA
Philippine Entertainment Portal

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: