Boy Abunda dismisses rumors that “Boy & Kris” will be axed

Boy Abunda dismisses rumors that "Boy & Kris" will be axed

“Hindi totoo ‘yon and the show is okay and so far so good. Although hindi ko sinasabi na panghabambuhay ang Boy & Kris, hindi naman. Everything comes to an end, pero hindi totoo ang balita,” says Boy Abunda about rumors that his show with Kris Aquino (in photo, carrying Baby James) will soon get axed.

Unaffected ang TV host na si Boy Abunda sa tsismis na mawawala na sa ere ang morning show nila ni Kris Aquino sa ABS-CBN na Boy & Kris. Pinabulaanan ni Boy ang balita nang dalawin siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng Boy & Kris para sa week-long pagdiriwang ng first anniversary ng show nila—na nagsimula noong Lunes at matatapos sa Biyernes—sa Fernwood Gardens last Tuesday, July 29.

“We’re celebrating our first year now at wala naman silang sinasabi,” sabi ni Boy na nagmamadali nang mag-change ng outfit para sa spiels nila ni Kris. “Kung meron man [katotohan sa balita], I think we deserve to be informed. Pero wala naman.

“Hindi totoo ‘yon and the show is okay and so far so good. Although hindi ko sinasabi na panghabambuhay ang Boy & Kris, hindi naman. Everything comes to an end, pero hindi totoo ang balita,” diin niya.

May tsismis din na ang bagong show ni Lorna Tolentino na isang talk show din daw ang ipapalit sa Boy & Kris.

“If the show will come to an end, if LT has a talk show, I don’t know. Boy & Kris will stay,” saad ni Boy.

Nakadagdag pa sa isyu ang balitang pagpunta sa U.S. ni Kris kasama ang kanyang mister na si James Yap.

“No, they’re going to take a vacation. Nakapag-tape na kami ng magagandang episodes,” paliwanag niya.

Kumusta ang samahan nila after one year sa Boy & Kris kasabay ng mga pinagdaanang personal issues ni Kris?

“E, kasama ko naman ‘yan ang tagal-tagal na.”

May nagbago ba kay Kris?

“Okay naman. She’s beter now. Alam n’yo ang pananaw ko lang sa buhay, I think we all ought to be the best and sometimes it’s hard. It takes a journey to be the best. And you can’t be the best tomorrow. Para sa akin, ang mahalaga, you have to be better than the last minute. You should be better than what you used to be and becoming whoever you are. Ang mahirap kasi yung nagde-degenerate ka. You should always aim to be better.”

KRIS VS. AI-AI. Tinanong namin si Boy kung type niyang mag-comment sa nababalitang tampo raw ng talent niya na si Ai-Ai delas Alas kay Kris.

“Hindi, ah!” kasunod ang buntunghininga ni Boy. “Ang comment ko diyan is not really about Kris, it’s about James [Yap]. Kasi sabi ni Aileen [real name of Ai-Ai), hindi naman niya talaga babawiin. I explained that to Aileen, you know, na hindi babawiin ni Aileen and she will stand by what she said because she said what she said on behalf of Kris.”

Nasusulat din sa mga pahayagan na iniiwasan ni Ai-Ai si Kris na makita. Totoo ba ito?

“Ai-Ai is Ai-Ai. I mean, I will have to respect that also. Pero sa tagal namin ng pagsasama ni Aileen, ‘pag napapaliwanagan ‘yan nang husto at bigyan mo ng tamang panahon, may mga bagay na nauunawaan ‘yan. Pero may mga bagay din ‘yan na pinaninindigan.

“Pero ang alam ko, ang problema ni Ai-Ai si James dahil doon sa nangyari nga. Pero huwag na nating balikan ‘yon. Tapos na ‘yon,” pakiusap ng TV host-talent manager.

Sa tingin ba niya ay maaapektuhan siya ng kung anumang gap ngayon between Ai-Ai and Kris?

“Ang dami nang nag-away, nagkabati sa gitna ng aking buhay. Hindi ako natibag, hindi ako naapektuhan dahil I come from the point of view of true and friendship. Hindi tootoo ‘yan. Ang dami talaga, ang dami-dami nang close friends ko ang… mula kay Dawn [Zulueta] at Gretchen [Barretto]…ang dami.”

GRETCHEN’S MOVIE. Speaking of Gretchen, tuloy na ba ang movie na gagawin niya sa Star Cinema?

“Until it’s there, it’s not tuloy. But I’m hoping na matuloy. Hangga’t hindi nag-uumpisa at hindi natatapos, di ba, hindi tuloy ‘yon.”

Totoo rin ba na si Sen. Bong Revilla Jr. ang makakapareha ni Gretchen sa pelikulang gagawin niya sa Star Cinema?

“I don’t know.”

Tanggapin kaya nila ni Gretchen ang proyekto?

“Oo naman! I think Gretchen is okay with that. Gretchen and Bong are friends.”

Pero ang gusto raw ni Gretchen na makatambal sa pelikula ay si Piolo Pascual.

“Alam mo naman yun. Go, go, go! Alam mo naman ako, kunsintidor!” natatawang sabi ni Boy.

JULIE BONIFACIO
Philippine Entertainment Portal

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: