Blind Item: TV personality parang may bulok na daga sa bituka

Tuwing ginagawa ng isang make-up artist ang isang kilalang personalidad ay halos hindi na siya humihinga. Para siyang swimmer na sisisid nang matagal sa ilalim ng tubig na nag-iipon ng hangin sa kanyang baga.

Napakadaldal pa naman ng male personality na ito habang nagpapa-make-up, salita ito nang salita, habang ang make-up artist naman ay humihinga sa pamamagitan ng kanyang bibig at hindi sa ilong.

“Sumasakit ang ulo ko kapag naaamoy ko ang hininga niya! Nakakasakit talaga ng ulo ang kabahuan! Matindi ang bad breath niya, parang may bulok na daga sa bituka niya, nakakaloka talaga ang kabahuan ng hininga niya!” sabi pa ng make-up artist.

Mr. BB kung tawagin ng mga make-up artists ang may edad nang male personality, kapag magpapa-make-up na ito para sa kanyang regular na programa, kani-kanyang tulakan at turuan na ang mga babae kung sino sa kanila ang magkukulapol ng pulbos sa mukha ng male personality.

“Nagtutulakan kami dahil ang hirap niyang gawin, sumisiksik sa balat ang bad breath niya. Kung puwede lang sana kaming gumamit ng gas mask habang ginagawa siya, matagal na siguro naming ginawa yun!

“Ang nakakapagtaka lang, parang hindi niya pa alam na ganun kabaho ang hininga niya! Salita pa siya nang salita habang nakaharap sa amin, parang wala siyang pakialam kung mamatay man kami sa kabahuan ng hininga niya!” kuwento uli ng make-up artist.

At kapag nag-iinterbyu ang male personality (inuulit namin, lalaki siya, hindi bading) na ito ay halos magkapalitan na sila ng mukha ng kinakausap niya sa sobrang lapit ng kanilang distansiya.

“Naku, kung alam lang niya kung paano siya kainisan ng mga nagiging guest niya, masuka-suka ang mga yun pagkatapos niyang interbyuhin, talagang amoy na amoy ang bad breath niya!

“May asawa naman siya, bakit kaya hindi man lang siya sabihan ng wife niya na ang bahu-baho ng hininga niya? Immune na raw kasi yung girl sa amoy ng hininga niya, pero kahit pa, intindihin naman sana nila ang mga taong bahong-baho kapag naaamoy na ang malaimburnal niyang hininga,” reklamo pa ng make-up artist.

Minsan na rin naming nakausap nang malapitan ang male personality na bida sa kuwentong ito. Totoong-totoo, napakabaho ng kanyang hininga, isa yun sa mga meron ang isang tao na hindi maaaring itago, lalo na’t hindi naman pipi ang male personality at madaldal pa nga.

Ang programa noon ng male personality na ito ay merong oras. May binabanggit na oras sa titulo ng kanyang programa ilang taon na ngayon ang nakararaan.

CRISTY FERMIN
Pilipino Star Ngayon

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: