Andrew Schimmer on Jake Cuenca: “Mayabang naman talaga yun.”

"Mayabang naman talaga yun."

“Ang yabang niya nung gabing yun, akala mo kung sino. May taga-sindi siya ng sigarilyo, may alalay. Hindi naman siya ganoon nung nagsisimula pa lang kaming lahat,” narrates Andrew Schimmer (left) about his encounter with Jake Cuenca (right) in an awards night.

There’s no love lost between former best friends Andrew Schimmer and Jake Cuenca.

Very visible ngayon si Andrew at palaging nakakausap ng mga press dahil sunud-sunod ang pelikula niyang ginagawa at ipalalabas. In fact, this August, he has three movies to be shown—Project X from Leo Films na showing on August 3; Torotot ng Viva Films, showing on August 20; at Eskandalo ng Sun Flower Production, August 27.

Iba-iba naman ang papel ni Andrew sa tatlong pelikula. He plays a straight impersonator involved in a sex-video scandal sa Project X (dating Pinoy Deep Throat) kasama si Mon Confiado at ang ipinakikilalang si Angelina Roa. Sa Torotot ni Direk Maryo J. de los Reyes, he plays a dog trainer na naging kabit ni Maui Taylor. Sa Eskandalo naman ni Direk Joven Tan, isa siyang kabit ng bakla played by Emilio Garcia.

Andrew belonged to the G4 or Gwapings Forever, ang grupong binuo ni Douglas Quijano noong early 2000 as follow-up to the original Gwapings. Apat sila noon including Jay Aquitania na nag-i-indie movie na rin just like him; Benjamin Basa, now plain Benj Basa who is a Star Magic talent; and the inactive Kiel Rodriguez.

Sa usapan namin para sa promotion ng Project X last Tuesday lunch, July 29, sa Max’s Roces, nabanggit niyang gustung-gusto niya sanang makasama sa katatapos lang na denim and underwear fashion show ng Bench, ang Blackout. Pero hindi siya pinayagan ng kanyang endorser na Paddocks. He used to be part of the show at na-miss niya raw ang unang pagpapa-sexy ng kanyang kaibigan na si Benj na rumampa sa Blackout.

Bigla naming napagkuwentuhan si Jake Cuenca, ang dati niyang best friend at nakasama sa ilang programa ng GMA-7. He heard that Jake did not get the same applause he got the last time. When we confirmed this, nagulat kami sa unang sagot ni Andrew: “Buti nga sa kanya, yabang niya kasi.”

We asked Andrew if we can continue this line of conversation dahil baka masabihan siyang gumigimik, lalo na’t considered important star pa rin si Jake ngayon.

“Hindi, okay lang. Mayabang naman talaga yun, e. Karma niya, akala niya palagi siyang sikat,” diretsahang sabi ni Andrew.

Tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Andrew kung saan ito nagsimula. Ayon sa kanya, sa isang awards night.

“Matagal kaming hindi nagkita. ‘Tapos, hindi na nga ako pinansin na parang hindi naman kami naging magkaibigan, pagdaan niya sa akin, tinabig pa ako,” kuwento ni Andrew.

Baka naman biro lang ito, paalala namin kay Andrew.

“Hindi, talagang hindi niya ako pinansin na parang may ginawa ako sa kanya. Sabi ko nga, ulitin niya pa yun masasapak ko siya noong gabing yun.

“Ang yabang niya nung gabing yun, akala mo kung sino. May taga-sindi siya ng sigarilyo, may alalay. Hindi naman siya ganoon nung nagsisimula pa lang kaming lahat,” pagsisiwalat ni Andrew.

At press time ay sinusubukan ng PEP na kunin ang reaksiyon ni Jake Cuenca sa mga pahayag ni Andrew.

DINNO ERECE
Philippine Entertainment Portal

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: