Sharon Cuneta reveals most difficult moment in her 30 years in showbiz

Sharon Cuneta reveals most difficult moment in her 30 years in showbiz

“Actually, ang pinakamahirap na dinaanan ko, nung nasira yung marriage ko nung una. Pero finished na ‘yon. Pero obviously, masakit ‘yon. ‘Tapos ang daming imbento left and right. Pero tapos na ‘yon,” says Sharon Cuneta.

Sa panayam ni Sharon Cuneta sa The Buzz last Sunday, July 27, ay sinabi niya na gusto niyang makatrabaho ang Comedy King na si Dolphy at ang Star For All Seasons na si Vilma Santos bago siya magreatiro. Ganun din ang anak niya si KC Concepcion at si Robin Padilla ulit. Kapag nakatrabaho raw niya ang mga nabanggit ay puwede na raw mag-retiro sa showbiz ang Megastar.

“Okey na po ako,” sabi ni Sharon. “Pero alam ko si Lord, lagi na lang [may extension]! Pero yun po talaga ang dream ko, like si Tito Dolphy. And we’re doing that next year.

“And yeah, with my daughter [KC]. Kasi I really want na, well, she’s also like this, e. Di ba, nagsama kami sa commercial? Nakapag-establisado na rin siya ng pangalan niya sa commercials saka kami gumawa. So, sa movies din, ganun din muna ang gusto ko.”

Bakit gusto ulit niyang makatrabaho si Robin?

“Si Robin kasi… Kasi kami ni Richard [Gomez], gagawa na kami ng very, very nice project. Baka Gutierrez yun!” biro niya.

“Si Robin, when you’re on the set with Robin… Kasi at this point sa career ko, parang when you make a movie, hindi lang movie. It’s an experience that will take about three to whatever long years of your life. So, gusto ko mag-enjoy na lang ako.

“Kapag si Robin, well, hindi ko alam ngayon ang state of mind niya, pero parang ‘pag kasama ko siya, parang ikaw lang ang nag-iisang babae sa mundo. Lahat kayo, 500 na babae, ganun ang pinaparamdam sa inyo. Pero alam ko naman ang pinaka, sa tingin ko, sa katambal, sila ni FPJ [Fernando Poe, Jr.] yun.

“Pero si FPJ, walang malisya sa akin. Pero kay Robin, meron! Matindi! Pero ngayon, wala na. Mahiya naman kami!” natatawang sabi ni Sharon.

THIRTY YEARS IN SHOWBIZ. Sa loob ng 30 taon niya sa showbiz, ano ang pinakamahirap na pinagdaanan niya?

“Actually, ang pinakamahirap na dinaanan ko, nung nasira yung marriage ko nung una. Pero finished na ‘yon. Pero obviously, masakit ‘yon. ‘Tapos ang daming imbento left and right. Pero tapos na ‘yon.

“Ngayon, yung aking pagreretiro, inisip ko yun nung bago mag-Madrasta [1996]. Ang sagot ni Lord, Madrasta. Naisip ko lang na mag-i-slow down na ako para lang sa family. Every year or two years gagawa ng movie. Naano ko rin dahil si Vilma Santos, di ba? Hindi naman sa nakiki-level, pero yun ang plano ko sana. Na parang slow down lang, ‘tapos ang sign naman ni Lord, Caregiver,’” lahad ni Sharon.

Ano naman ang happiest moment niya sa loob ng 30 years sa showbiz?

“Mahirap, hindi ko masasabing isa,” aniya. “Kasi parang I don’t want to ano, e, ayokong maliitin yung iba pa sa dami. Lahat talaga, ang laking biyaya sa akin na nakasama ko sa pelikula, mga direktor na humawak sa akin. Nakasama ko sina Direk Leroy [Salvador Jr.], si Direk Lino [Brocka], Direk Eddie Garcia, Tito Danny Zialcita… Lahat sila bahagi ng aking buhay. ‘Tsaka ang hirap na yung mga bata ngayon, I wish lang na naabutan sana nila.”

MAJOR CONCERT. Pero meron daw isang binabalik-balikan si Sharon, sabi ni Boy Abunda.

“Kuya Boy, ha! Wala akong binabalikan,” sabi naman ni Sharon.

Pero ang tinutukoy pala ni Boy ay ang pagkanta ng Megastar. Sa katunayan, sa August 8 ay magkakaroon ng major concert si Sharon sa Araneta Coliseum to celebrate her 30th year in showbiz, ang Megathirty.

“Oo, pero hindi balik-balikan ang pagkanta,” sabi ni Sharon. “You know what, it’s going very depressing in the sense na akala ko kasi people will turn their back on me. Sabi ko, if it comes up, this will be a great bonus na lang. I really treat it like to be another celebration considering how Caregiver did and blah-blah-blah.

“So, parang yung 30 ko, ‘eto na yung… I think, this is gonna be the biggest night of my whole career. Kasi yung 30 years na yung katatapos ko ng movie na ganun kaganda, sa awa ng Diyos, na ang laki ng pasasalamat ko kay Tita Malou [Santos, managing director ng Star Cinema] talaga.

“Magdu-duet kami ni KC ng… Pero ano po talaga yun, secret. Pero masasabi ko na isang theme song na isa sa movies namin na ginawa nung co-producer ko sa kanya,” sabi ni Sharon.

NEAR ENCOUNTER WITH GABBY. Ipinaliwanag namang muli ng Megastar ang iwasan diumano nila ng dating asawang si Gabby Concepcion sa birthday party ni Cristy Fermin sa Metro Bar noong July 22.

“Well, I don’ think naman… I can’t speak for him because I know kararating lang niya. It was Ate Vi [Batangas Governor Vilma Santos] who said na, ‘O, si Gabby darating.’ Sabi ko, ‘Anong oras daw?’ E, tuloy na ako tuloy nagpaalam na ako kay ‘Nay [Cristy]. ‘Tapos ako talaga umiwas. Hindi ko man lang siya nakita,” pag-amin ni Sharon.

Nakausap din daw ni Cristy si Gabby at manager nito na si Mrs. Rose Flaminiano at sinabi na hindi nila alam na nandun si Sharon.

“Buti na rin,” sabi ng Megastar. “Para hindi na rin niya na-feel na parang ganun. Pero when I left, parang alam ko na paglalaruan kami. Dyusko, pugad ng press yung party. Lahat nandoon, ang daming camera. Takot ako.”

Sa dinami-dami ng bagong mukha at pangalan na dumating sa showbiz, nakatutok pa rin sa kanila ni Gabby ang mata ng publiko.

“Ay, oo naman. Kahit ako fan ng Sharon-Gabby, e, na loveteam, di ba? ‘Tsaka without him naman, wala akong KC,” pagtatapos ni Sharon.

JULIE BONIFACIO
Philippine Entertainment Portal

1 Comment »

  1. 1

    5rThank’s for greate post.1e I compleatly agree with last post. mwj
    ламинированный паркет 9d


RSS Feed for this entry

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: