Melissa Ricks does not believe “sex video” and “gay-sex” rumor about Matt Evans

Melissa Ricks does not believe "sex video" and "gay-sex" rumor about Matt Evans

“Kung halimbawang totoo, siguro ang masasabi ko na lang, past is past,” says Melissa Ricks when asked about the rumors involving her love- team partner Matt Evans.

Itinanggi ng young star na si Melissa Ricks na may non-showbiz boyfriend siya nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos ng ASAP 08, kahapon, Linggo, July 27.

Sabi ni Melissa, “Paano akong magkakaroon ng boyfriend? E, wala ngang nanliligaw sa akin.”

Baka naman kaya siya nagdi-deny ay para protektahan ang kanyang love team with Matt Evans?

“Hindi ako nagdi-deny lang. Kung halimbawang may boyfriend na nga ako, aaminin ko naman yun. Kaso wala talaga. Promise,” pangungumbinsi pa ni Melissa sa PEP.

Hiwalay na si Matt kay Olyn Membian. Hindi ba nagpaparamdam sa kanya si Matt na gusto siya nito?

“Hindi siya nagpaparamdaman. Walang ganoon.”

Paano kung one of these days ay ligawan siya ni Matt, may maaasahan ba ito sa kanya?

“What if? Hindi ko pa masasagot ang tanong na yan, e. Hindi ko pa alam kung ano’ng magiging reaction ko kung halimbawang manligaw nga siya sa akin.”

Kung sakali bang makikipagrelasyon na siya, ano ang mas gusto niyang maging boyfriend, taga-showbiz or non-showbiz?

“Sa akin naman kahit sino. Ke taga-showbiz siya or non-showbiz, basta mabait, funny, at may paggalang sa parents ko,” sagot ng ABS-CBN talent.

May usap-usapang may sex video si Matt, nakita na ba niya ito?

“Hindi ako aware na may sex video siya. At hindi ako naniniwala. Tsismis lang siguro yun!”

May tsismis din na noong hindi pa raw artista si Matt ay nagpatikim diumano ito sa isang bading. Naniniwala ba rito si Melissa?

“Lahat naman ng mga artistang lalaki na nagsisimula pa lang sa showbiz ay may ganyang tsismis, di ba? Basta hindi rin ako naniniwala na pumatol sa isang gay si Matt.”

Paano kung totoo, pandidirihan niya ba si Matt?

“Kung halimbawang totoo, siguro ang masasabi ko na lang, past is past.”

Kasama si Melissa sa seryeng Iisa Pa Lamang. Gumaganap siya rito bilang nakababatang kapatid ni Diether Ocampo. Sa nasabing serye ay nag-two piece si Melissa. Kaya niya na rin bang mag-pose ng sexy sa isang men’s magazine?

“Ay, ayoko! Hindi kaya ng powers ko yung ganoon. Hanggang sa TV lang
ako magsusuot ng two-piece.”

ROMMEL PLACENTE
Philippine Entertainment Portal

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: