Gretchen Barretto: “Tapos na ‘yang Bong at Gretchen na ‘yan. It’s so over!”

"Tapos na ‘yang Bong at Gretchen na ‘yan. It's so over!"

“You know what, kasi parating nagiging isyu kapag kami ni Bong. Parang ayoko na yata ng isyu. Gusto kong magbagong-buhay,” says Gretchen Barretto when asked if she’s willing to be Bong Revilla’s leading man on his next movie.

May matitinding patutsada sa mga bagong intriga na kinasasangkutan niya ang kontobersiyal na aktres na si Gretchen Barretto sa The Buzz last Sunday, July 27.

Unang isyu kay Gretchen ay ang balitang natensiyon siya nang makita niya ang mag-asawang Bong Revilla at Lani Mercado sa party ni Cristy Fermin last July 22 sa Metro Bar.

“Bakit naman ako matetensiyon, hindi naman kami magkaaway?” sabi ni Gretchen.

Nababalita rin na may offer daw na pelikula kay Gretchen kung saan ang magiging leading man niya ay walang iba kundi si Bong, na kumpirmado ring may napirmahang kontrata para sa Star Cinema.

“You know what, kasi parating nagiging isyu kapag kami ni Bong. Parang ayoko na yata ng isyu. Gusto kong magbagong-buhay. Tapos na ‘yan. Tapos na ‘yang Bong at Gretchen na ‘yan. It’s so over! Fifteen years over na kami,” diin ni La Greta.

Pero sinabi rin ni Gretchen na kung papipiliin siya kung sino ang leading man na gusto niyang makasama sa pelikulang nakatakda niyang gawin niya sa Star Cinema.

“Parang baka si Piolo [Pascual]. Kasi magaling din siya,” ngiti ni Gretchen.

Nagbigay rin ng pahayag si Gretchen sa pagkakaugnay ng pangalan ni Ara Mina sa isang negosyanteng iniuugnay ang pangalan sa kanya—si Dody Puno.

“I don’t know anything about that,” saad ni Gretchen. “So, mahirap naman akong mag-commet, di ba? And it’s really naman not my problem, di ba? Hindi ko naman business ‘yon. Ganun ang showbiz, di ba? You’re linked to anyone and everyone, so okey lang.”

Samantala, sa Christian dedication ng anak nina Claudine Barretto at Raymart Santiago na si Santino, muling nagsalita si Gretchen sa isyung kinasangkutan ng nakababatang kapatid na si Claudine at ni Angel Locsin.

“‘Yan ang wish ko, magkaayos na sila. Because alam mo itong business natin, parang we all have room naman for new talent, for whatever. Lahat naman basta may talento, welcome naman sa show business, di ba?” pagtatapos ni Gretchen.

JULIE BONIFACIO
Philippine Entertainment Portal

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: