Surprises and celebrations await Dingdong Dantes and Marian Rivera on their birthday month

Surprises and celebrations await Dingdong Dantes and Marian Rivera on their birthday month

Dyesebel stars Marian Rivera and Dingdong Dantes will celebrate their respective birthdays in August. Their home network, GMA-7, is preparing a series of celebrations and surprises for one of the hottest love teams in the country.

Pagkatapos ng matagumpay na pagrampa ni Dingdong Dantes for the very first time as Bench Body model sa katatapos na Blackout: The Bench Denim and Underwear Fashion Show sa Araneta Coliseum noong Friday night, July 25, PEP (Philippine Entertainment Portal) found out na mas marami pang nakahandang sorpresa sa kanyang mga tagasubaybay ang dapat abangan sa isa sa hottest young actor ngayon in connection sa kanyang birthday month sa August.

Dingdong is turning 28 on August 2, pero magsisimula ang mga bonggang selebrasyon sa kanyang birthday sa August 3, Sunday, kung saan after a long absence ay muli siyang mapapanood sa Sunday musical-variety show ng GMA-7 na SOP. Makakasama ni Dingdong ang kanyang perennial screen partner na si Marian Rivera, as they will both celebrate their birthdays on the show. Marian will be turning 24 on August 12.

Balita ng PEP, halos buong show raw ng SOP ay devoted para sa birthday special ng isa sa hottest love teams ngayon.

August 3 is a big day for Dingdong because after SOP, diretso naman siya para sa yearly fans day cum birthday treat niya for his loyal fans. Yun nga lang, to be announced pa raw kung saan ang exact venue nito. But definitely, all of Dingdong’s fans are welcome to the said event.

But from what we heard, ang pinaka-highlight ng buong araw ng August 3, a day after his actual birthday, ay ang big event daw na magaganap sa gabi kung saan may connection sa kanyang career and, of course, birthday pa rin.

Dahil parehong August celebrators sina Dingdong at Marian, balita ng PEP na may pine-prepare na month-long celebration ang Kapuso network para sa dalawa. Sa buong buwan ng August ay mapapanood sina Dingdong at Marian sa lahat ng Kapuso shows tulad ng SiS, Nuts Entertainment, Mel & Joey, Songbird, at marami pang-iba.

Dingdong and Marian’s biggest treat naman to their fans ay magaganap sa August 27 sa Araneta Coliseum to culminate their birthday month. The show is free and open for all kung kaya’t walang ticket na dapat bilhin.

Since it’s a grand show, sa pagkakataong ito mapapanood ang dalawa na hindi lang umaarte sa telebisyon bilang sina Fredo at Dyesebel kundi mas closer na to their fans. Napag-alaman din ng PEP na ang naturang special show sa Big Dome ay ieere rin sa GMA-7 on a more latter date.

Bukod pa rito, from a very reliable source, dalawang TV commercials pa ni Dingdong ang mapapanood sa August.

Ibinalita naman sa amin mismo ni Dingdong na sa July 30 ay ang grand opening naman ng ikalawang branch ng Centerstage, which he co-owns with girlfriend Karylle and some other partners, sa Jupiter St., sa Makati.

ROSE GARCIA
Philippine Entertainment Portal

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: