Ogie Alcasid says “magic” of girlfriend Regine Velasquez will never diminish

Ogie Alcasid says "magic" of girlfriend Regine Velasquez will never diminish

“The magic of a person or a human being will be considered diminished if the person has declared that it has already diminished. All of us are given talents, e. We should not put down anyone for that matter. May kanya-kanya tayong maise-share para ma-appreciate ng ibang tao. Ipagmalaki at iangat pa natin ang magagawa ng mga artist,” says Ogie Alcasid about girlfriend Regine Velasquez.

Malakas ang dating sa publiko ng bagong inilabas na album ng Universal Records na nagtatampok sa maraming local classics, sa interpretasyon ni Ogie Alcasid. Sa Mall of Asia idinaos noong Sabado ng gabi, July 26, ang isa sa earlier parts ng promo tour ng The Great Filipino Songbook. Dito nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang singer-songwriter.

“Magaan lang ang interpretation ko sa karamihan ng songs,” sabi ni Ogie. “Sinadya ko talagang maiba ang style, na ang dating, pabulong daw ako kung kumanta. Intentional yun dahil hindi ko naman kayang i-match ang vocal performances nina Basil Valdez, Rico J. Puno, Hajji Alejandro, at iba pa. Mga idol ko ‘yan, at hindi ko sila magagaya. Kaya kung ano yung interpretation ko, sa sarili ko nang style yun. Para maiba ang texture, at hindi maging tunog-old school.”

May sariling tatak si Ogie sa kantahan. Pero ang prime aim talaga sa pagkakabuo ng nasabing album ay yun ngang sariwain ang legacy ng mahuhusay na singers at composers, na para kay Ogie ay magiging tragic kung basta na lang kalilimutan yun ng bagong generation.

“Yung pag-idolize ko kina Ryan Cayabyab, Willy Cruz, George Canseco, Rey Valera, at iba pa, yung influences na yun ang nag-shape sa music ko. Hanggang ngayon, hindi naman yun mapapantayan. Sila kasi ang nag-pave ng way sa bagong generation of musicians, like me,” pahayag ng singer-songwriter.

Mukhang maganda ang outcome ng bentahan ng album, pati ang airplays ng “Kung Sakali” ay lumalakas. Kasama rin sa album ang sariling rendition ni Ogie ng mga awiting “Ikaw Lang ang Mamahalin,” “May Minamahal,” “Ngayon,” “Nais Ko,” “Bato sa Buhangin,” “Doon Lang,” at marami pang iba.

May plano na raw ilabas ang Volume 2 nito bilang follow-up dito.

REGINE’S COMEDY STYLE. Natawa naman si Ogie sa obserbasyon ng marami na mukhang naimpluwensiyahan na niya nang husto si Regine Velasquez sa pagku-comedy, at hit na hit ang kanyang kasintahan sa GMA-7 primetime series na Ako si Kim Samsoon.

“I don’t want to take the credit for it, kahit si Reg na mismo ang nagsasabi na natuto raw siya sa akin na para maging effective ang comedy, dapat ay poker-faced lang ang delivery, parang deadma. But how she was able to characterize Kim Samsoon, sarili niyang interpretation ‘yon, humanga talaga ako.

“Pinapanood ko nga palagi mula pa sa first episode. Ang galing-galing-galing niya. Endearing ang character niya, nakakaiyak. Nakakatuwa, and the whole cast is very, very good,” papuri ni Ogie.

REGINE’S MAGIC. Mawawala na sa ere ang Songbird sa GMA-7, prompting observers to point out na nawawala na ang magic ni Regine. Ano ang comment ni Ogie rito?

“For one season lang talaga yung show na yun. Sa timeslot niya, okey pa rin naman yung audience share na ganoon.

“Pero sa Ako si Kim Samsoon, gusto siya ng mga tao, kasi kakaiba talaga siya. Nakitaan ng malaking pagkakaiba ng fans niya yung ginagawa ni Reg doon. Parang alam na rin kasi ng mga tao kung gaano siya kagaling kumanta.

“Tanggap na siya sa ganoon. E, yung sa comedy, sineryoso niya this time. Reinvention yung ginawa niya, without doing it consciously. May talent siya roon, at alam niyang kakayanin niya,” saad ni Ogie.

Dugtong pa niya, the magic of Regine Velasquez will never cease or diminish.

“The magic of a person or a human being will be considered diminished if the person has declared that it has already diminished. All of us are given talents, e. We should not put down anyone for that matter. May kanya-kanya tayong maise-share para ma-appreciate ng ibang tao. Ipagmalaki at iangat pa natin ang magagawa ng mga artist.

“Hindi maganda ang ganoong talks, na kesyo nawala na ang magic. Magpasalamat na lang tayo na may kanya-kanya tayong gifts,” pagwawakas ni Ogie.

ARCHIE DE CALMA
Philippine Entertainment Portal

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: