Janno Gibbs and Bing Loyzaga dating again after problems in their relationship

Janno Gibbs and Bing Loyzaga dating again after problems in their relationship

Janno Gibbs and Bing Loyzaga were seen dating at the last Bench show. “Bihira ang ganitong mga pagkakataon na magkasama kami ni Janno,” says Bing when PEP caught up with the ex-estranged couple. Janno says he is sincerely doing his best to make things right and work thing out in their marriage.

Huling-huli ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang pagde-date ng dating estranged couple na sina Janno Gibbs at Bing Loyzaga sa kagaganap lamang na Bench Blackout fashion show sa Araneta Coliseum, nung Friday, July 25.

Nasa bandang dulo nakaupo sina Janno at Bing para mabilis silang makalabas kapag tapos na ang show. Pero naabutan pa rin namin ang dating estranged couple at nahingan ng konting panayam.

“Bihira ang ganitong mga pagkakataon na magkasama kami ni Janno,” ngiti pa ni Bing nang kausapin na ng PEP.

“Usually kasi kasama namin ang mga bata. Pero hindi kasi sila puwedeng manood nitong Bench show. Kaya kaming dalawa na lang. Date ba na matatawag ito? Siguro nga, kasi kaming dalawa lang at wala namang masama, ‘di ba?”

Nag-agree nga si Janno sa sinabi ni Bing na bihira ang mga pagkakataon na silang dalawa ang magkasama. Kaya hangga’t maaari ay ini-enjoy nila ang mga sandaling iyon.

“Bukod kasi sa pareho kaming busy ni Bing kasi may soap drama ako sa GMA-7 [Codename: Asero], meron din siya sa ABS-CBN 2 [My Girl], pinipipili rin namin ang mga lugar na pupuntahan namin.

“We don’t usually go sa may mga maraming tao kapag dalawa lang kami. Pero dahil nga mga kaibigan namin ang nandito sa Bench show kaya nanood talaga kami. Suporta na rin ito sa mga friends namin.

“Akala ko nga walang makakakita sa amin! Nabuking pa rin pala kaming dalawa!” sabay tawa ni Janno.

So ibig sabihin ba nito na maayos na ang lahat para sa dalawa?

“Noon pa naman, maayos na. Ito lang naman ang nagpapagulo!” tawa ni Bing sabay turo kay Janno. “Kung hindi niya kasi ginugulo, walang magiging problema, ‘di ba?

“Pero seriously, okey naman kami even before. Parati naman kaming nag-uusap tungkol sa mga bata and alam naman ng lahat na yung mga times na naghiwalay kami ay hanggang doon lang. Hindi naman kami umabot sa magpa-annul ng kasal namin. So, technically, mag-asawa pa rin naman kami.”

Sey naman ni Janno ay ginawa naman daw niya ang lahat para mabuo ulit ang pagsasama nila. Successful naman daw siya sa ginawa niyang iyon.

“Bing knows naman na sincere ako sa kanya at sa mga bata. Alam niya na sila ang priority ko parati. Kaya I did my best para maayos ang lahat. Nag-promise naman ako na we will work things out. Kaya heto, date-date na kami ulit,” pagtatapos pa ni Janno Gibbs.

RUEL J. MENDOZA
Philippine Entertainment Portal

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: