Annabelle Rama laments Richard’s ‘unfair’ exposure in Blackout

Annabelle Rama complains about son Richard Gutierrez's "unfair" exposure in Blackout

“Si Richard, pagod na pagod, galing pa sa Greece pero nagpunta ng rehearsal nang walang reklamo at nag-stay siya talaga doon ng apat na oras. Wala naman siyang bayad dito. Wala namang bayad ang mga artista pero ginawa pa rin nila, sana binigyan na lang sila ng konting importansiya, hindi lang si Richard,” says Annabelle Ram about what she feels was unfair exposure of son Richard Gutierrez (inset) at Blackout.

Annabelle Rama is seriously considering not to renew Richard Gutierrez’s contract with Bench.

On the warpath again ang matriarch ng mga Gutierrez na nag-surprise visit sa presscon ng Regal Entertainment and Studio Max’s Loving You last Sunday night, July 27, sa Imperial Palace Suites. This time, it’s about the Blackout event ng Bench last Friday, July 25, sa Araneta Coliseum.

Nagkakaroon kasi ng comparison ang palakpak na natanggap ng mga prime stars who walked the ramp for the event at tila nadehado si Richard compared to the other stars. Wala kasing preparation or at least a signal na si Richard na ang lalabas kung kaya’t hindi agad siya nakilala ng audience, specially with his makeup that darkened his complexion.

Somehow, prepared ang audience sa paglabas nina Sam Milby, Rafael Rosell, and Dingdong Dantes when it was time for them to go on stage. Nag-angat ang mechanical ramp pataas bago lumabas si Sam. Nasa big screen si Rafael na nakahubad at nakatalikod bago siya tumayo, at ipinakita sa likod ng translucent curtain. Nag-slide show naman ang mga posters ni Dingdong bago ito pumasok sa stage. These three actors got the biggest applause kung iku-kumpara sa pagpasok ni Richard na parang nag-last walk lang talaga at may mga babaeng models na sa stage still posing.

Paliwanag ni Annabelle sa PEP (Philippine Entertainment Portal), “‘Eto sinabi na sa akin ni Richard [Gomez] na nag-meeting na sila bago pa lang ang event, dapat huwag lagyan ng makeup ang mga artista para makilala sila. O kaya, lagyan ng pangalan sa screen na si ano na o si ano ang lalabas para handa ang mga tao.

“Hindi nila ginawa,” patuloy niya. “Hindi lang ito para sa anak ko, para na rin sa lahat ng mga artista. Sana naglagay sila ng mga names na lumalabas para alam ng tao.

“Tanungan nang tanungan, ‘Sino ‘yan?’ sabi ni Dr. [Vicky] Belo, ‘she’s pretty.’ Si Bubbles Paraiso na pala yung tinatanong niya. Si Nitz [Miralles, PEP contributor] nagtanong pa sa kasamahan niya kung si Richard na ba yun. Nasa malapit na sila ng stage ha, paano pa yung nasa bleacher?”

It was explained to Annabelle na never nagkaroon ng names ng mga naglalabasang artista sa mga naunang biennial event ng Bench.

“Wala na kung wala, pero bakit yung iba, ipinakita muna ang posters bago lumabas?” sabi ni Annabelle. “Hindi naman ito kailangan ng anak ko. Sabi niya nga sa akin na huwag na lang akong magsalita, pero unfair talaga ang ginawa sa kanya.

“Paano mo naman makuku-compare si Richard sa iba? Hindi naman siya naghubad, hindi nagpakita ng briefs? Hindi niya ito kailangan. Pati ba naman kasi ito pag-uusapan pa?” saad ni Annabelle, na ang tinutukoy ay kung sino ang nakatanggap ng mas malakas na palakpak.

Dagdag niya, “Si Richard, pagod na pagod, galing pa sa Greece pero nagpunta ng rehearsal nang walang reklamo at nag-stay siya talaga doon ng apat na oras. Wala naman siyang bayad dito. Wala namang bayad ang mga artista pero ginawa pa rin nila, sana binigyan na lang sila ng konting importansiya, hindi lang si Richard.”

It was later learned that Dingdong was given a separate time for rehearsal dahil walang nakakita sa kanya na mag-rehearse. Nang natapos daw ang rehearsal at umuwi na ang lahat, saka naman isinalang si Dingdong.

“Hindi kami humingi ng ganito,” ulit ni Annabelle. “Nag-stay si Chard ng apat na oras kahit pagod na siya. Kung may gusto silang i-promote o i-launch, sige walang kaso sa akin. Nagsabi na nga ako na huwag nang isama si Chard sa show, pero pinilit pa rin. Sige, di gawin. Pero sana nga respeto naman na lang sa anak ko.

“Si Richard dapat ang sa Jag. Hinihingi siya noon, dapat siya ang makaka-partner ni Angel [Locsin]. Nagpaalam na ako kay Dougs [Douglas Quijano], pero sabi huwag daw umalis sa Bench kasi dito siya nagsimula. Loyalty na lang daw. Sige stay kami, pero tingnan mo naman ang ginawa sa kanya?”

Along this line, someone asked kung pararampahin niyang muli si Richard sa susunod na event ng Bench, which will happen two years from now.

“Ay hindi na, tatanggalin ko na siya sa Bench!” tahasang sabi ni Annabelle.

We have to repeat the question kung, for the record, aalisin na niya si Richard as Bench endorser.

“Baka hintayin ko na lang matapos ang contract. Bukas malalaman ko kung hanggang kailan pa siya,” sagot ni Annabelle.

At press time ay sinusubukan ng PEP na kunin ang panig ng Bench tungkol sa mga pahayag ni Annabelle.

DINNO ERECE
Philippine Entertainment Portal

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: