Sid Lucero would rather bare in films than in pictorials and fashion shows

Sid Lucero would rather bare in films than in pictorials and fashion shows

“It’s so hard to appreciate Photoshop stuffs, e. Wala naman silang ginawa kundi mag-Photoshop ng picture. Hey, I can tell. No, no… I mean, c’mon man, ang babaw! I’m not saying they are hiding anything but it’s part of it. It’s normal na, e. I’m saying the guy who Photoshop, it sucks!” opines Sid Lucero.

Inamin ni Sid Lucero na going strong pa rin ang four-year relationship nila ng kanyang girlfriend. Seryoso na raw siya sa girlfriend niya ngayon kaya naman tumagal sila ng apat na taon. Involved din sa filmmaking ang kanyang girlfriend kaya more or less ay naiintindihan daw nito ang trabaho ni Sid.

“She really wants to be a part of the film industry. And she’s medyo behind the scene siya. She wants to be a filmmaker. We’re both into films, so madaling pag-usapan. ‘Tsaka she met me, I was already doing this job and she knew how dedicated I was.

“I already told her I’m willing to go as far as possible. So as long as siyempre I have to respect her opinion also, and I would rather she tell me the truth than hide it, di ba? Even though naman may mga opinion siya na hindi ako naniniwala minsan, she still listens to what I believe as long as I believe na hindi ko ibinebenta yung sarili ko for no reason, fine,” saad ni Sid sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa launching ng Cinema One Originals kahapon, July 24, sa 9501 restaurant ng ABS-CBN.

ROXANNE’S COVER PICTORIAL . Ito ang dahilan kung bakit kahit inili-link si Sid ngayon sa kanyang leading lady sa Ligaw Na Bulaklak na si Roxanne Guinoo ay hindi raw nagseselos ang girlfriend niya.

“Professional ang ang relationship namin [Roxanne],” diin ni Sid.

Nakita na raw ni Sid ang ginawang pagpapeksi ni Roxanne sa cover ng isang men’s magazine. Nang hingin ang kanyang reaksiyon, “okay” lang ang nasabi ng aktor.

Bakit “okay” lang?

“Why? Everyone does, you know, magazines like that,” sagot niya.

Hindi niya na-appreciate ang pictorial ni Roxanne sa cover?

“It’s so hard to appreciate Photoshop stuffs, e,” diretso niyang sabi. “Wala naman silang ginawa kundi mag-Photoshop ng picture. Hey, I can tell. No, no… I mean, c’mon man, ang babaw! I’m not saying they are hiding anything but it’s part of it. It’s normal na, e. I’m saying the guy who Photoshop, it sucks!”

Hindi niya type ang pagkaka-Photoshop ng picture ni Roxanne sa cover?

“No, I just don see any point. Wala namang point, di ba? What for?” saad ni Sid.

Ayon kay Sid, hindi raw nila napapag-usapan ni Roxanne ang tungkol sa pag-pose ng young actress sa cover ng magazine kapag nasa set sila ng Ligaw Na Bulaklak.

“Because the way they wrote the story, medyo hiwalay yung characters namin, e. And then, I’m always in Unit II pa, e, si Roxanne sa Unit I,” paliwanag ng anak ng aktor na si Mark Gil.

How does he find Roxanne?

“She’s beautiful. Actually, she’s sweet.”

He just doesn’t like the way she was Photoshopped sa cover ng magazine?

“Oo, yeah.”

Hindi ba mas nakakagulat kung totally topless na si Roxanne sa cover?

“Ang alam ko nga, bathing suit talaga yun, e. Tinanggal lang nila ata, e. You can tell by just looking at it.”

NO TO SEXY PICTORIALS & MODELING. What about him? Papayag ba siya na mag-pose ng naka-underwear lang sa cover ng magazine?

“I’m an actor, e. I’d rather do my job,” sagot ni Sid.

E, yung rarampa na naka-brief lang sa isang fashion show?

“No, I’d rather act na lang.”

Ano ang masasabi niya sa mga artistang nakasuot lang ng underwear sa billboard?

“Wala, that’s want they like to do.”

Marami ang naseseksihan kay Sid, but does he find himself sexy?

“Not really.”

Paano kapag may nagtaray sa kanya at sinabi na sa pelikula niya na Tambolista nga ay nagpakita na siya ng behind niya?

“Grabe yun! Wala lang, I mean, it was part of it. But no, I enjoyed doing that movie talaga.”

Ano para sa kanya ang pagkakaiba ng pagpapakita ng puwet sa screen at pag-pose ng naka-underwear sa billboard?

“Well, that’s [acting] my job. Modeling is not my job. I’m not a model, e. I just like to act and then basically, I really like the character [in Tambolista] because medyo you wouldn’t…wala siyang boundaries for himself, e. There’s no good and bad. And then, for him to survive, he will do anything, even sell himself.

“So, Direk Adolf [Alix Jr, direktor ng Tambolista] and I didn’t have any problems with that [butt exposure]. He didn’t even have to defend himself to me because reading the script alone it was…gagawin talaga ng character niya yun, e. So, I didn’t have any qualms about doing that,” pahayag ni Sid.

Pagkatapos niyang magpakita ng behind sa pelikula, may mas daring pa kaya doon na gagawin niya sa mga susunod niyang pelikula?

“I don’t know.”

What about doing frontal nudity sa pelikula?

“Parang hindi ko ‘ata kayang mag-frontal.”

But what if kailangan sa eksena?

“Yeah, it’s my job. Pero may problema nga doon sa trabaho natin. Minsan, bold is bold. Minsan wala nang rason kung bakit ganun yung treatment, di ba? And it’s hard to defend a role that needs to have frontal. Yung kailan ba nagkakaron ng pelikula na kailangan ng frontal?

“Well, I guess it’s normal, yeah. Pero depende pa rin talaga, e. I mean, hindi naman ako ganun pumili ng role. ‘Okay, may love scene dito, ayoko; okey dito meron, okey ito.’ Hindi ganun. I just like to read it and then ‘pag okey kay Ricky [Gallardo, his manager]. Doon magma-matter, if it’s really okay with me or if I really wanted to do it. So that one, I want to do it, yun na. But never had anything to do with whom I’m working with, or who’s directing, or what I have to do to accomplish a role.”

May gusto ba siya na makatrabaho sa pelikula?

“I’d like to work with a lot of people, really. There’s one person I’m really curious to work with, like si Maja [Salvador]. I remember my first award, she won the same thing. And that made my curiosity and I saw that movie and I was so impressed so. I’d like to work with her,” pagtatapos ni Sid.

JULIE BONIFACIO
Philippine Entertainment Portal

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: