Sharon Cuneta says only daughter KC Concepcion has the right to revive her songs and movies

Sharon Cuneta says only daughter KC Concepcion has the right to revive her songs and movies

“Siya [KC Concepcion] lang ang may karapatan. Selfish ako ‘pag para sa ‘kin! Songs ko, movies ko, siya lang ang may karapatan. Kasi lahat ‘yon, bahagi ng important moments in my life,” declares Megastar Sharon Cuneta about reviving her songs and remaking her old films.

New look ang Megastar na si Sharon Cuneta nang pumasok sa Ruby Ballroom ng Crowne Plaza last July 25, para sa presscon ng kanyang Megathirty concert. Gaganapin ang anniversary concert ni Sharon sa Araneta Coliseum sa August 8, kung saan iti-trace ang mga kaganapan sa buhay niya in 30 years magmula nang pumasok siya sa showbiz.

Isa sa ups ng buhay ni Sharon for 30 years ay ang pagkakaroon ng anak na tulad ni KC Concepcion. Isa raw ito sa ipinagmamalaki niya kahit kanino. Kuwento pa ng Megastar, “very touching” ang duet na gagawin nila ng anak sa concert niya.

Sinagot din ni Sharon ang lahat ng tanong tungkol sa kanyang 23-year-old daughter na pinasok na rin ang showbiz. Isa sa itinanong sa kanya ay kung ano ang ibibigay niyang rating kay KC as a recording artist. Ang debut album ni KC na a.K.a. Cassandra mula sa SonyBMG ay nasa top sales ng Odyssey Records, ayon sa reports.

“Eleven?” sagot ni Sharon. “Her whole album, siya mismo ang nag-conceptualize; kahit ang music video, siya ang nag-shoot noon. Siya rin ang namili ng lahat ng songs. She’s very, very creative, innovative, and very talented. I think nakuha niya iyon on her papa’s [Gabby Concepcion] side. Her great grandfather is an Arellano. She gets her artistic side from that side, I guess. The musicality and everything else, it’s on my side,” at napahalakhak si Sharon.

“No, but really, she’s artistic, much more talented than I am,” pahabol niya.

Marami nang nagre-revive ng mga awiting pinasikat ni Sharon. Alin sa mga ito ang gusto niyang i-revive ni KC sa mga susunod nitong album?

“Lahat!” bulalas niya. “Siya lang ang may karapatan. Selfish ako ‘pag para sa ‘kin! Songs ko, movies ko, siya lang ang may karapatan. Kasi lahat ‘yon, bahagi ng important moments in my life.

“The early parts of my life, kahit bugbog ako, emotional and kahit financially, when the marriage [with Gabby] broke up, it was just really me and KC. Siya ‘yong without her consent, without her knowledge even. Parang she was just born into a celebrity parent. She had no choice, and it was a tough time, a hard time for me to balance things for her.

“Parang she was dragged into all the gulo,” this time medyo seryoso na si Sharon. “You know when you separate, people think you know exactly what’s happening. At mali lang ang iba na if you just keep quiet, it doesn’t mean it’s a yes. Kung disente ka, ayaw mo naman nung washing your dirty linen in the public. Hanggang ngayon naman wala pang nakakaalam kung ano talaga ang dahilan ng paghihiwalay naming [ni Gabby], at kung may pagkakamali man akong nagawa sa pag-aasawa ko nang maaga, napakaganda naman ng ibinigay niyang anak sa akin.”

SHARON IN FAVOR OF RICHARD FOR KC. Tinanong na rin si Sharon kung payag ba siyang maging boyfriend ni KC si Richard Gutierrez, na katambal ngayon ng anak sa first movie nilang For The First Time ng Star Cinema?

“Oh, yes, he impresses me,” mabilis na sagot ni Sharon. “He’s very decent. I always adore naman Tito Eddie [Gutierrez] and Tita Annabelle [Rama] dahil maganda nilang napalaki ang mga anak nila.

“Basta ako, kung sinuman ang makapagpapaligaya sa anak ko, kung sino ang magmamahal talaga nang husto sa kanya at mamahalin din ng anak ko, hindi ako tututol. She became 23 naman na wala akong naging problema sa kanya, walang negative na bagay siyang nagawa. Hindi siya nasasangkot sa iskandalo, no drugs, hindi naglalasing… Oh, yes, minsan she drinks, social drinking, kapag may social functions na kasama kami ni Kiko [Sen. Kiko Pangilinan, Sharon’s husband]. And most of all, talagang tinapos muna niya ang college niya bago siya pumasok sa showbiz,” very proud na sabi ni Sharon tungkol sa panganay na anak.

Paano kung isang araw, sabihin ni KC sa kanya na “Mommy, buntis ako?”

“Okay lang, pero siguro sasabihin ko sa kanya, naging 23 years old ka na, bakit ngayon lang?” napahalakhak si Sharon.

“Ako naman, ibinigay ko lang sa kanya ang lahat ng ikagaganda ng buhay niya in the future. Kaya kung mabuntis siya, wala na akong magagawa. But no, I think hindi niya gagawin ‘yon. Minsan nga na magkausap kami, sinabi niya sa akin, ‘I’m not so sure I’m the marrying kind.’ Pero siguro dahil marami pa siyang gustong gawin, marami siyang commitments kaya wala pa sa isip niya ang mag-asawa agad kung may boyfriend na siya, na wala pa naman siyang sinasabi sa akin.

“For me, siguro, i-enjoy muna niya ngayon ang pagiging single and I’m praying na bigyan siya ng isang partner na mahal na mahal siya at mamahalin din niya. I want her to end with the real love of her life,” saad ni Sharon.

NORA CALDERON
Philippine Entertainment Portal

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: