Karylle shocked by the impact of Dingdong’s exposure in “Blackout”

(FOR TOMORROW) Karylle shocked by the impact of Dingdong's exposure in "Blackout"

“I’m proud of the show because it was done in good taste and I’m proud of Dong because he really worked out for this show. Nakakatuwa naman that the whole Araneta Coliseum really cheered for Dong. I am so happy for him talaga,” says Karylle about boyfriend Dingdong Dantes after Blackout.

Hindi mawala ang ngiti sa mga labi ng girlfriend ni Dingdong Dantes na si Karylle nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) right after ng pagpapakitang-gilas ni Dingdong sa Blackout: The Bench Denim and Underwear Fashion Show last July 25 sa Araneta Coliseum.

“I was shocked talaga! Hindi ko alam na ganito ang magiging impact ng pagsampa ni Dong sa stage,” masayang sabi ni Karylle.

“I was here din sa Big Dome during his rehearsal and I’ve seen him work out talaga to look his best. Alam ko na ninenerbiyos siya but I told him na relax and have fun. It’s his first time to do it kaya kailangan memorable ang lahat ng gagawin niya ngayong gabi.”

Hindi rin daw matanggal ni Karylle ang kanyang titig kay Dingdong, lalo na noong tanggalin na ng boyfriend niya ang mga bling-bling sa leeg para makita ang magandang hubog ng katawan niya, lalo na nang alisin ni Dong ang kanyang jeans.

“I’m proud of the show because it was done in good taste and I’m proud of Dong because he really worked out for this show. Nakakatuwa naman that the whole Araneta Coliseum really cheered for Dong. I am so happy for him talaga,” saad ni Karylle.

Nag-celebrate sina Dingdong at Karylle after ng show sa Big Dome. Wala naman daw kasing after-party kaya kasama na lang daw nila ang ibang mga kaibigan nilang nanood.

“Ecstatic pa kasi si Dong sa nangyari kaya we want to celebrate. Ilang weeks din siyang on a diet kaya feeling ko kakain siya ng marami tonight! Okey lang naman kasi reward na niya ‘yan for himself for working so hard para sa show na ito. He deserves to give himself a break tonight.”

RUEL MENDOZA
Philippine Entertainment Portal

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: