Jennylyn Mercado rushed to hospital due to pre-term contractions

Jennylyn Mercado rushed to hospital due to pre-term contractions

Young actress Jennylyn Mercado was rushed to the hospital for “pre-term labor.” Her doctor gave her medication to stop the contractions.

Isinugod sa ospital ang young actress na si Jennylyn Mercado kanina, July 27, dahil sa pananakit ng kanyang tiyan. Walong buwang buntis si Jennylyn sa kanyang anak sa dating boyfriend na si Patrick Garcia.

Ayon sa panayam ng Showbiz Central sa ob-gyne ni Jennylyn na si Dr. Judy Ann Uy-de Luna, nag-complain daw si Jennylyn ng “uterine contraction” two days ago, July 25. Ipinaliwanag ng doctor na ang naramdamang pananakit ng young actress ay tinatawag na “pre-term labor.”

Ibig sabihin nito ay posibleng lumabas na ang sanggol sa kanyang sinapupunan. Pero dahil nasa 8th month pa lang ng kanyang pregnancy si Jennylyn ay magiging premature ang sanggol. Sa August 22 pa raw kasi ang due date ng young actress.

Upang pigilan ang premature na paglabas ng bata ay pinaimom si Jennylyn ng gamot na pampakapit. Delikado raw ito para sa dinadala ng young actress dahil walong araw pa ang kailangang hintayin bago siya mag-full term.

Sinabi rin ni Dr. Uy-de Luna na ang kundisyon ngayon ni Jennylyn ay maituturing na “high-risk pregnancy.” Nilulunasan din nila ang urinary tract infection (UTI) ni Jennylyn na isa rin sa dahilan sa kanyang pre-term contractions.

Ayon sa ultrasound, lalaki ang isisilang na sanggol ni Jennylyn.

ERWIN SANTIAGO
Philippine Entertainment Portal

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: