Bench owner Ben Chan shrugs off intrigue about favoritism in “Blackout”

Bench owner Ben Chan shrugs off intrigue about favoritism in "Blackout"

“All of them had their moment. So, there’s nothing that you can…walang favoritism, nothing like that. So far, all of them naman are very cooperative,” says Bench owner Mr. Ben Chan about giving equal exposure to celebrity endorsers.

Every two years lang kung idaos ng Bench ang inaabangang denim and underwear fashion show ng naturang clothing line sa Araneta Coliseum. Tulad na nga lang ng Blackout na ginanap last Friday night, July 25, sa Araneta Coliseum, kung saan halos lahat yata ng taga-industriya ay nagnais na mapanood ang naturang event.

Marami pa rin ang gustong makapanood in and outside showbiz, pero limitado ang mga tickets at talagang wala rin namang mabibili dahil maging sa mga Bench outlet ay halos nagkaubusan na.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang may-ari ng Bench na si Mr. Ben Chan ilang minuto bago magsimula ang Blackout. Siyempre pa, larawan ng kasiyahan si Mr. Chan dahil sa tagumpay na naman ng Bench denim and underwear fashion show.

“Siyempre, pasasalamat ko ‘yan sa mga supporters ko, sa mga image models namin. Without them, I’m sure half of this [Araneta Coliseum] will be empty. So, I’m really happy that they are supporting Bench.”

Aniya, maging siya raw ay excited sa mapapanood sa gabing ‘yon.

“Sa totoo lang, pati ako excited, e,” pag-amin niya. “Napanood ko rin kasi yung ibang rehearsals nila and as a matter of fact, I myself supervised it to make sure that everything is okay.”

Every two years lang daw talaga ang Bench underwear show, so ang susunod na Bench fashion show ay sa 2010 na. Ayon kay Mr. Chan, sigurado raw na matutuloy pa yun and that they have to sustain it dahil naumpisahan na nilang every two years ang pagdadaos nito.

Tinanong din ng PEP si Ben Chan kung bakit “blackout” ang naisipan nilang theme sa ika-apat na pagdaraos ng fashion show ng Bench?

“We really thought of blackout kasi, you know, when the light is off, that actually starts… so don’t miss that,” natatawang pagbibigay clue pa niya sa amin.

Hindi na namin halos nabilang ang celebrity models na rumampa kagabi sa Araneta Coliseum. Wala pa rito ang iba pang Bench endorsers na hindi rumampa. So, we asked Mr. Chan kung paano ang ginawa nilang exposure ng bawat isa. Hindi kaya pagsimulan na naman ito ng intriga among their celebrity endorsers?

“All of them had their moment. So, there’s nothing that you can…walang favoritism, nothing like that. So far, all of them naman are very cooperative,” sabi ni Mr. Chan.

Walang duda rin na isang bagay kung bakit masarap din panoorin at kaabang-abang ang Bench denim and underwear fashion show ay dahil ito lang yata ang event na napagsasama ang halos lahat ng malalaking pangalan ng magkalabang networks dahil ang celebrity endorsers ng Bench ay parehong galing sa ABS-CBN at GMA-7.

“I guess they both love me!” ang masaya at natatawa lang na one-liner ni Mr. Chan.

ROSE GARCIA
Philippine Entertainment Portal

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: