“Get Dingdong Dantes at all cost!” – ABS-CBN

Botolan, Zambales – May pakpak nga ang balita at may tainga ang lupa.

Kaya dito sa maliit kong bayan natin unang maririnig ang balitang may secret mission ng isang malaking exec ng kabilang station to “get Dingdong Dantes at all cost.”

Tahimik ang inyong lingkod na nangingisda sa Barrio Parel nang dumating ang kaibigang taga-ABS.

Katatapos daw nilang makipag-negotiate sa isang malaking kumpanyang kumukuha kay Dingdong para sa isang endorsement. Tampong-tampo raw ang manager ni Dingdong sa bagong proyektong ibinibigay sa kanyang alaga, kaya napilitan silang tanggihan ito.

“Hindi ka maniniwala, pero, may malaking order ang malaking network to really get Dingdong. It’s an offer Dingdong cannot simply refuse”aniya.

Tinanong ko nga ang kaibigan ko, ganoon na ba kalaki si Dingdong ngayon? Aba’y kakain pa siya ng maraming bigas bago humilera kina Piolo Pascual, Sam Milby, John Lloyd Cruz, lalo na kina Aga Muhlach at Gabby Concepcion!

Nasisiraan ba ng bait ang malaking network na iyon?

“Hindi lang naman ‘yung malaking network ang nagnanasa kay Dingdong ngayon,” patuloy ng aming kausap.

“Ganun din ang isang hindi na kabaguhang network na pinatatakbo ngayon ng Malaysian producers. Baka raw maka-score pa sila sa dalawang higanteng networks.

“Mahaba rin daw kasi ang kanilang pisi. Imagine, kayang-kaya nilang pagsamahin sa kanilang projects ang mga Kapuso at Kapamilya contract stars.

“Naku ha, itatanggi ito ng Kapamilya network. Pero, ganun din naman sila nang lumaganap ang balita noon tungkol kay Angel Locsin, ‘di ba?

“Ako talaga pare, bilib na bilib ako sa Kapamilya station. Ang galing dumiskarte, simpleng-simple. Parang may lambat na katulad mo. Nalalambat ang mga isda sa kabilang istasyon,” sabay tawa niya.

TED MORA

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: