Tiyan humilab kahit ‘di pa kabuwanan, Jennylyn ipinasok sa high risk pregnancy unit

Habang sinusulat namin ang kolum na ito ay nakarating sa amin ang impormasyon na kailangang i-admit sa ospital si Jennylyn Mercado dahil sa madalas na paghilab ng kanyang tiyan.

Ang pagkakaalam namin ay hanggang tatlong linggo pa ang kanyang panganganak, pero mukhang hindi na siya aabot sa panahong yun, dahil sa madalas na paghilab ng sanggol sa kan­yang sinapupunan ngayon.

Pre-term uterine contraction resulting to threatened pre-term labor ang terminong ipinadala ng kanyang OB-Gyne sa St. Luke’s Medical Center, ang dahilan kung bakit kinailangan siyang i-admit sa high risk pregnancy unit, susubuking huwag siyang mapanganak agad sa pamamagitan ng medication.

Pero walang dapat ipag-alala ang mga tagahanga ni Jennylyn dahil maayos ang kanyang sitwasyon, pati ang sitwasyon ng bata, kailangan lang siyang magpaospital para maiwasan ang anumang biglaang pangyayari.

Nung makita namin si Jennylyn ay sinabi rin namin sa kanya na parang anumang oras ay manganganak na siya, malaking-malaki na kasi ang kanyang tiyan, may kababaan na rin yun na malaking palatandaan kapag malapit nang lumabas ang sanggol.

Pagpansin din namin at ng iba pang mga nakakita sa kanya ay parang babae at hindi lalaki ang magiging anak niya, hindi kasi nagbago ang kanyang itsura, kakaiba siyang magdala ng pagbubuntis dahil magandang-maganda pa rin siya.

Sana nga’y mahintay pa ni Jennylyn ang takdang panahon ng kanyang panganganak, ibang-iba pa rin kapag eksakto talaga ang petsa ng paglalabas ng sanggol, walang nagiging problema ang nanay sa pagpapalaki sa bata.

Inuulit namin, safe na safe si Jennylyn at ang kanyang baby, walang dapat ipag-alala ang kanyang mga tagahanga.

CRISTY FERMIN
Pilipino Star Ngayon

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: