Mark Anthony Fernandez reveals secret in looking good on camera

Mark Anthony Fernandez reveals secret in looking good on camera

Mark Anthony Fernandez is very conscious about his acting. “Very important sa akin ang reaction ng tao, lalo na ang nagiging director ko. Haping-happy ako kung nagugustuhan ng director ang acting ko.” But when asked if he wants to be a director someday, he answered, “Hindi maging director, maging assistant director ang gusto ko. Ang feeling ko, doon ako mag-i-excel, ‘pag hinog na ako.”

Nang madatnan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Mark Anthony Fernandez sa set ng Ako Si Kim Sam Soon sa clubhouse ng Canyon Woods sa Tagaytay, nakiusap itong “no personal questions.”

Nagdadalamhati pa rin ito sa pagpanaw ng amang si Rudy Fernandez, at naintindihan naman ito ng press na kaharap niya. Pero sa kalagitnaan ng panayam, siya rin mismo ang nagbanggit sa pangalan ng ama at tatlong beses niyang ginawa yun.

Una’y nang napag-usapan ang Kino-flo, isang uri ng ilaw na gamit sa taping at nagtatago ng imperfections ng isang artista. Hindi raw lumalabas si Rudy ‘pag hindi yun ang gamit na ilaw.

Pangalawa ay nung naikuwento niya na sa apartment ng ama at ng kanyang tita Lorna Tolentino sa Canyon Woods siya tumitira ‘pag inaabot ng dalawang araw ang taping ng Kim Samsoon.

Masaya si Mark na, sa wakas, natupad ang dream niyang mapasama sa isang comedy series at ang Kim Samsoon na nga yun. Nahirapan lang siya sa initiation scene niya as new pastry chef dahil hindi pa siya in-character. Pero ngayon, alam na niya kung ano ang gagawin kapag nasa harap ng camera.

CRUSH NG BAYAN. Si Mark ang sinasabing Bagong Crush ng Bayan, ano ang reaction niya sa title na ibinigay sa kanya ng fans, mostly viewers ng Ako Si Kim Samsoon?

“Thank you kung ganun ang tingin nila, natutuwa siguro sila’t madalas nila akong nakikita ngayon. Thank you na na-a-appreciate nila ako,” ang nakangiti nitong sagot.

Marami rin ang nagsasabing very fit ang pangangatawan niya ngayon. May mga na-disappoint pa nga raw dahil sa napakabilis ng eksena noong naka-swimming trunks siya.

Aniya, “Thank you and thank you sa lighting at camera man namin. Dati, may nagawa na rin akong sexy, yung movie na Biyaheng Langit.”

Halimbawang may project na mag-require sa kanya ng butt exposure, papayag ba siya?

“If my butt is ready…” ang sabi ng panganay ni Alma Moreno. “But I don’t know if they want to see my butt. Hindi minamadali yun at kung may kuwento at kailangan, okey lang.”

WORKING WITH THE SONGBIRD. Napunta ang usapan sa kanyang leading lady, at inalam ng PEP kung anong traits ni Regine ang kanyang hinahangaan?

“Maganda siyang makisama at magaling makibagay. Ang laki talaga ng pasasalamat ko na makasama siya. Nang sabihing kasama ako sa isang Regine Velasquez project, alam kong makakabuti sa akin yun at hindi ako nagkamali. Nasubaybayan ko ang movie nila ni Janno [Gibbs] at alam kong artista talaga siya at alam kong magaling siya.”

Maraming kissing scenes sina Mark at Regine sa Ako Si Kim Samsoon, ano ang naramdaman niya nang kunan ang first serious kissing scene nila?

Kuwento ni Mark, “Nag-usap kami ng konti ni Regine kung paano gagawin, kung ano ang movement. Minsan, may nerbiyos kung alam mong sasablay ka at ayokong mapahiya. May natutunan nga ako sa screen kiss, dapat ang lip ng lalake sa taas at ang lip ng babae sa baba.”

Hindi ba siya pagseselosan ni Ogie Alcasid sa kissing scenes nila ng girlfriend nito?

“Alam kong magaan ang loob ni Ogie sa akin. Nagkasama rin kami sa Shake, Rattle & Roll 7 at mabait siya.”

Hanggang September pa ang airing ng Kim Samsoon, pero by August, tapos na silang mag-taping. Nang tanungin si Mark tungkol sa next project niya sa Kapuso network, “Hindi pa pinag-uusapan. It’s too early to say, pero meron daw at excited na ako.”

DREAM PROJECTS. At nang mapag-usapan ang dream project at dream role niya, nagulat kami sa naging sagot ni Mark.

“Kapag bibigyan ng chance, gusto kong gawin ang remake ng Starzan sa TV. Dream ko yun at payag akong magsuot ng bahag dahil kailangan sa role.”

Kung siya si Starzan, sino ang gusto niyang Jane?

“Kung puwede si Miss Regine pa rin ang maging Jane. Puwede rin si Stef Prescott…

(Nakakapanghinayang lang na hindi nagkaroon ng follow-up question kung bakit ang newcomer ang kanyang napili.)

“Dream movie ko naman ang Inside Job na ginawa ng papa ko at ni Ace Vergel. Puwedeng si Ram Revilla o Richard Gutierrez ang makasama ko kung pagbibigyan nila ako.”

GUWAPING AT 30. Binalikang-tanaw din yung Guwapings days niya with Jomari Yllana at Erick Fructuoso. There was a time na napag-iwanan siya ng dalawa sa career bilang actor, pero iba na ngayon at siya ang namamayagpag. Ano ang masasabi niya tungkol dito?

“Hindi ko inisip na mas mataas na ako sa kanila. Ayoko ring isipin na sa kanilang dalawa lang, ako lamang, kundi sa lahat…na mas guwapo ako. Kung papogihan din lang, sila ang gusto kong sabayan. Nagpapasalamat talaga ako sa cameraman na napapaguwapo niya ako at dahil yun sa Kino-flo.”

Tumayo ito at ipinakita sa press kung gaano ka-epektibo ang special light na tinutukoy niya.

“Michael Jackson and my dad can’t go out without this. Malaki ang tulong nito sa sa amin, hindi nahahalata kung puyat ka, talagang pinapa-guwapo ka nito. Kung gusto ninyo, magpakuha tayo ng litrato gamit ito para makita ninyo ang big difference. Nakakadagdag siya at importante siya.”

Naikuwento ni John Lapus na sagot ng Channel 7 ang hotel na tutulugan ng cast ‘pag inaabot ng two or more days ang taping para hindi magpabalik-balik ng Tagaytay at Manila. Ganun din ba siya?

“Sa bahay nina tita LT at ni papa rito sa Canyon Woods ako nag-i-stay. Parang apartment nila at pinapahiram sa akin ‘pag nagti-taping ako,” pagtatapos ni Mark.

NITZ MIRALLES
Philippine Entertainment Portal

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: