Dingdong Dantes’s hard work to attain great form pays off

Dingdong Dantes's hard work to attain great form pays off

“I want to make the most out of the moment because I want to work so hard for it. Alam ko na importante ito para sa akin at gayundin sa mga tao sa Bench dahil napakalaking produksiyon ito at nagpapasalamat nga ako na isinama nila ako rito,” says Dingdong Dantes about joining Bench’s Blackout.

Nagbunga ng maganda ang lahat ng hard work ng Bench Body model na si Dingdong Dantes dahil sa napakagandang response ng halos lahat ng nanood ng Blackout: The Bench Denim and Underwear Fashion Show sa Araneta Coliseum, July 25.

Paglabas pa lamang ni Dingdong sa stage para rumampa, kung saan nakasuot pa siya ng pants at topless sa umpisa, dinig na dinig na siya ang nakatanggap ng pinakamasigabong palakpakan at pinakamalakas na hiyawan mula sa mga manonood. Lalo pang lumakas ang hiyawan nang ibaba niya ang kanyang pantalon hanggang sa matira na lang ang brief niya.

Nakangiti si Dingdong at halatang masaya sa naging outcome ng kanyang pagrampa nang magpaunlak ito ng interview sa PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press pagkatapos ng event sa loob mismo ng the Big Dome.

“Actually, wala akong naririnig, e, dahil focus ako na malakad ko nang diretso ang rampa after having a few shots of brandy para pampalakas ng loob!” natatawa niyang pag-amin. “Kasi ganoon ako sa isang bagay kapag gusto kong mag-concetrate talaga, to the point na nasusungitan ko minsan ang lahat ng tao sa paligid ko. Pasensiya na po sa inyo, pero bukas hindi na.”

Bukod sa magandang reception ng mga tao sa kanyang pagrampa at pagpapakita ng magandang katawan, obviously ay maganda rin daw ang exposure na ibinigay sa kanya sa naturang fashion show ng Bench. Sa finale kasi kung saan lahat ng mga celebrity models ng Bench ay sama-samang lumabas, isa si Dingdong sa huling lumabas bago ang mag-asawang Richard Gomez at Lucy Torres-Gomez and, of course, Bench owner Mr. Ben Chan. Pero si Dingdong na mismo ang nagsabing hindi raw niya iniisip yun.

“Sa akin lang, I want to make the most out of the moment because I want to work so hard for it. Alam ko na importante ito para sa akin at gayundin sa mga tao sa Bench dahil napakalaking produksiyon ito at nagpapasalamat nga ako na isinama nila ako rito.

“Tamang-tama lang, they gave me the opportunity at ginawa ko lang kung ano ang nararapat. At the same time, wala rin naman akong idea kung ano ang sa iba. Ang sa akin lang, yun lang ang mahalaga para sa akin,” pahayag ng young actor.

Nakapagbigay rin daw ng lakas ng loob sa kanya ang makita ang mga kaibigan at pamilya niya na sumusuporta sa kanya, maging ang girlfriend na si Karylle na naroron kagabi para panoorin siya.

“Yes, yes, ‘yang si Karylle, ‘yan ang isa sa mga best critic ko kaya nagpapasalamat naman ako na nagustuhan niya,” sabi ni Dingdong. “Nagpapasalamat din ako sa mga kaibigan ko na nagpunta rito, yung iba pinuntahan pa ako sa stage para bigyan ako ng lakas ng loob. That makes this event more memorable because of them, also my cousins. Napakarami ngang nanghihingi ng tickets, pero hindi ko na nabigyan lahat dahil limited masyado kaya pasensiya na po yung iba.”

Hindi ba niya inaasahang manonood ang leading lady niya sa Dyesebel na si Marian Rivera?

“Well, ang alam ko, pagod na pagod na siya ngayon. Yun ang alam ko kaya’t hindi na siya makakarating. Galing kasi siya sa taping kaya hindi na talaga niya kakayanin pa,” paliwanag ni Dingdong.

Obvious ang pagpapaganda ng katawan ni Dingdong. Makikita talaga ang laki ng pagkakaiba ng kanyang katawan nang nakausap siya ng PEP last week at sinabi nga niyang magsisimula na siyang mag-prepare for Blackout.

Ano-ano ang mga preparation na ginawa niya?

“Inayos ko lang ang pagkain ko, mas healthy. Jogging at kahit noong nasa Amerika kami, nakapag-jogging din ako kahit paano. Pero yung pagkain doon, hindi ko maiwasan, napakasarap! Kapag kinain mo, ang laki ng serving, so challenge sa akin yun. Kaya pagkatapos ngayong gabi, medyo papataba naman ako ng konti.”

Hindi rin daw totoo na days before the event ay muntik na siyang mag-backout for some reasons.

“Hindi, e,” tanggi niya. “Kasi ako, kapag may commitment ako sa isang bagay, natutuloy at natutuloy talaga ‘yan no matter what. Hindi ako yung nagba-backout at the last minute. So, kahit ano pa ang status, kahit ano pa ang lagay, basta ako, ready’ng-ready.”

Bago siya um-exit sa unang pagrampa niya, sa pinakamalayong part ng stage ay hinubad niya ang suot niyang pants kung kaya’t saglit ay nakitang naka-brief lang siya. Yun ba ang pinaka-highlight ng Blackout?

“Hindi siya highlight, ” saad ni Dingdong. “That’s just part of it. It’s part of the show. At maraming salamat sa challenge na ibinigay nila sa akin.”

ROSE GARCIA
Philippine Entertainment Portal

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: